Jahsmine's POV
Pagkagising ko si Kuya Yani lang yung nadatnan ko dito sa loob ng kwarto. "Umuwi sila Dad, babalik sila mamaya", sambit ni Kuya kaya tumango na lang ako.
"Ahh.. Kuya, si Ken po? Anong balita sa kanya?" tanong ko sa kanya and he gave me a look na hindi ko maintindihan. "Di ko pa sya napupuntahan, kasi gusto ko ikaw yung lumapit sa kanya", sagot nya sakin and that hit me, natakot ako bigla. Ken... Langga ko.
"Kumain ka muna tapos pagkakain mo, puntahan na natin si Ken", nabuhayan naman ako kasi mapupuntahan ko na sya. "Kuya, 6 years and 11 months namin ngayon. I was planning to surprise him", sagot ko kay Kuya habang umuupo ako sa bed.
"Hindi ko inaasahan na ganito yung mangyayari", buntong hininga ko habang inaawat ko yung luhang nararamdaman kong malapit ng bumagsak. "Kuya, may karapatan ba akong magalit o magtanong?", tingin ko sa kanya at ito lang yung nakita ko sa mata ni Kuya, awa.
"Kuya ano yung naging kasalanan ko para ganito yung mangyari samin? Kuya bakit pakiramdam ko yung panaginip ko... hindi lang basta panaginip?" sunud-sunod kong tanong sa kanya pero hindi na sya sumagot, hinahayaan nya lang ako magsalita ng magsalita.
"Kuya... Wag naman sanang kuhanin o ilayo sakin si Ken--", nagsimula na akong humikbi. Hindi ko na maawat yung sarili ko sa pag-iyak kaya niyakap ako ni Kuya. "Hindi hahayaan ng Diyos na mawala sayo si Ken, magdadasal tayo Jah, wag kang mawalan ng pag-asa. May dahilan ang lahat", sambit nya habang hinahagod yung likod ko.
"Kumain ka na. Yung oatmeal mo lalamig oh", pagkalas ni Kuya sa yakap at itinulak nya yung table sa bed ko. "Wag kang iyakin, magagalit si Suson nyan", natawa ako sa sinabi ni Kuya. Ngayon ko lang narinig na tinawag nya sa last name si Ken. Habang kumakain ako, nagring yung phone nya kaya sinagot nya.
"Hoy! Justin nasan ba yung ramen kasii!", naririnig ko si Kuya Stell, si Diko pala yung tumawag. "Kaingay mo Stell sabing nasa cupboard nga!", sigaw ni Diko.
"Kaingay nyong dalawa dyan", pagsabat ni Kuya at nagpakita na sa screen si Diko. "Kuya! Gising na si Jah?", tanong ni Diko sa kanya. "Bakit? Torpe? Nakaamin ka na kay Ate Cam?" pagsabat ko at ayun na nga nakita kong naluluha na sya.
"Jah! Kumusta ka? Anong masakit sayo? Kumain ka na ba?", pagsulpot ni Kuya Stell na may hawak hawak na ramen packs. "Medyo masakit yung katawan ko Kuya, pero mas masakit puso ko", sagot ko at yumuko para kumain ulit.
"Kuya..." yun na lang huli kong narinig kasi nagusap na sila ng hindi through video call. Nagpatuloy na lang akong kumain. Pano kaya kung di ako natulog? Pano kaya kung... hindi kami dumaan sa ruta na yon? Pano kaya kung... kotse ko yung ginamit? Okay kaya kami ngayon? Masusurpise ko kaya siya ngayon?
"Tapos ka na?" tanong ni Kuya sakin at tumango na lang ako. "Kuya... Tara na kay Ken, I really want to see him", pag-aaya ko sa kanya. "Sasabihan ko lang yung nurse, maghintay ka dyan okay?", tumango na lang ulit ako tsaka lumabas si Kuya.
Jahsmine's POV
After the incident kagabi, ngayon ko lang ulit makikita si Ken, yung Langga ko, yung laging nanggigising sakin at ginigising ko.
Susubukan ko syang gisingin ngayon. "Ga, gising na", bulong ko sa sarili ko at bumalik na si Kuya kasama yung nurse. Sinamahan nya kami papunta sa ICU, sa kwarto ni Ken. Bago kami pumasok pinagsuot muna nila kami ng protective equipment.
As soon as I stepped inside his room, nanlambot agad ako. Babagsak na ako sa sahig buti na lang nasalo ako ni Kuya. "Jah, kaya mo ba?", tanong nya sakin at tumango na lang ako.
Lumapit na ako sa bed niya, "Ga, gising na po. Happy monthsary", sambit ko sa kanya na may halong pag-asa na kahit yung daliri nya igalaw nya. Pero wala talaga. "Ga, alam mo bang may surprise dapat ako sayo ngayon? Who would have thought Ga, konting araw na lang 7 years na tayo?", inaawat ko na yung luhang nararamdaman kong malapit ng bumuhos.
"Ga, miss na kita, tatapusin pa natin yung anime na pinapanood natin diba? Magluluto ka pa ng adobong manok. Ngayon tayo bibili ng pusa diba? Bangon na ka ga", sambit ko at dun na nagsimulang bumuhos yung luha ko. Hindi ko pa rin matanggap na ganito nangyari samin.
Si Ken, parang lantang gulay na nakahiga, nakapikit, may mga tubong nakakabit sa kanya para makahinga. I can't bear to see him like this. Ken, hindi ako sanay ng ganito. Gumising ka na.
Nakarinig kami ng pagkatok sa pinto kaya sinilip yun ni Kuya. It was Josh and Sejun, kasama nila si Ate Grace at Ate EJ. "Kuya, gusto sana namin nakita si Ken", sabi ni Sejun kaya lumabas muna kami ni Kuya. "Jah..." pagtawag sakin ni Josh pero yumuko lang ako.
Pumasok na silang apat sa loob at pinaupo ako ni Kuya sa may parang bench sa tabi ng room. "Jah, uuwi muna tayo para makapagpahinga ka ng maayos", sabi sakin ni Kuya. Umiling ako bilang sagot "Dito lang ako Kuya, baka gumising si Ken".
After ilang minutes lumabas na silang apat at lumapit samin, dumistansya muna si Kuya para makapagusap kami. "Jah. May pinapabigay sayo si Ken", sabi sakin ni Ate Grace. Tumingin ako sa kanya at nilahad nya yung kamay nya. "Lumabas muna tayo kahit saglit lang, balik na lang tayo dito mamaya", dugtong nya.
Nanlalambot akong tumayo at tinanggal yung PPE ko, tinulungan nila ako ni Ate EJ. "Tara sa may room mo", pag-aaya ni Ate Grace kaya naglakad na kami pabalik. Pwede bang si Ken na yung magbigay sakin? Ken.
Pagpasok namin sa kwarto ko nagulat ako kasi nakaayos yun, may mga pictures namin ni Ken na nakalagay sa lobo, may flowers, may paper bag sa bed. Hinayaan muna nila akong maupo sa bed atsaka nagsalita si Josh.
"Ken asked us na tulungan namin sya to surprise you", may inabot sila sa'king phone "Play mo yung video", sabi ni Sejun. I pressed the play button and my tears started to fall.
Runaway plays on the backgroud as the clips he have taken from our past dates showed on screen.
First Clip: Nagpunta kami sa Enchanted Kingdom nito, ito yung clip na tinake ko habang pinipilit syang sumakay sa Vikings, ang gusto nya kasi talaga sa carousel muna pero pumayag din sya kaya nakasay kami. Naalala ko yung kapit nya sa kamay ko nun, ang higpit e.
Lalong lumala yung pagbuhos ng luha ko nung makita ko yung second clip.
Second Clip: Ito yung third date namin na inulan kaya di kami natuloy pumunta sa Sky Ranch. Mahilig kasi talaga ako sa amusement parks kaya kung saan saan kami nakakaabot. Napakaloko ni Ken dito sa video na to, bigla ba naman kumanta ng Runaway habang tumutugtog ng gitara papalapit sakin. Tapos, niyaya nya ako sa may dining area at nakita kong nagprepare sya ng meal para samin. "Ga, sorry kung di matutuloy ang sky ranch natin ah? Pero promise pupuntahan natin yan" naalala kong sabi nya at hanggang ngayon di pa rin kami nakakapunta dun.
Tumigil yung mundo ko sa last clip, humina yung background music at ito si Ken, yung langga ko, gising sya, masigla.
"Hi Langga! Happy Monthsary, ikaw yung pinakamagandang blessing na dumating sakin 6 years and 11 months ago. Ga, who would have thought na aabot tayo sa ganito diba? Wag kang iiyak dyan hoy, ayoko ng umiiyak ka..." inabutan ako ng tissue ni Josh at kinuha ko naman yun. "... I won't go another day without you Ga, if waking up means being beside you, then I would love to wake up with you, forever. Kaya Ga, magready ka na, papakasalan na kita. I love you~" he waved and the video ended.
I am crying real hard right now, niyakap ako ni Ate EJ at hinagod yung likod ko. "Mahal na mahal nyo yung isa't-isa, kita namin yun, alam namin yun, kaya Jah, magpalakas at magpakatatag ka", sambit niya at patuloy sa paghagod ng likod ko.
"Hindi pa tapos yung surprise sayo ni Suson", pagpapagaan ni Sejun at inabot sakin yung paper bag. Ang laki naman nito. Pinunasan ko yung luha ko at binuksan yun. May kulungan ng pusa, cat food, cat bed tapos cat stuffed toy din. "Sinabi nya samin na bilhin yan kasi gusto nyo raw mag-alaga ng pusa", sabi ulit ni Kuya Sejun sakin.
"Kaya Jah, hintayin nating gumising si Ken, kasi ang sabi nya, kayong dalawa yung pipili at bibili ng magiging furrbaby nyo", sambit ni Ate Grace at dun ako nabuhayan. "Jah... Nandito kami... kasama mo kami", sabi ni Josh at naiyak na naman ako.
"Josh! Bingo ka na kay Suson pinapaiyak mo prinsesa nya" pagsasaway ni Kuya Julian, natawa naman kami kasi nagtago sya sa likod ni Ate Grace.
"Salamat dito hah?", yun lang yung nasabi ko at niyakap Yung stuffed toy. Gusto na kita yakapin Ken, Ga, wake up...
--------------------------------------
A/N: Pasensy na late update natin! May classes na rin kasi (God bless dun sa meron na ring class!) 3 to 4 chapters left.Gigising pa ba si Ken?

BINABASA MO ANG
Wake Up
Fanfiction˜"*°•.˜"*°• Wake Up •°*"˜.•°*"˜ Isang KenTin AU story, kung saan si Jah at Ken ay malapit na sa kanilang ikapitong taon bilang magkasintahan. Then suddenly, something happened. "... 𝔀𝓮 𝓾𝓼𝓮𝓭 𝓽𝓸 𝔀𝓪𝓴𝓮 𝓾𝓹 𝓸𝓷 𝓽𝓱𝓮 𝓼𝓪𝓶𝓮 𝓫𝓮𝓭... 𝓨�...