Sejun's POV
Kakauwi lang namin ng soon to be misis ko from our vacation sa Japan. I am glad that she enjoyed my anniversary gift to her.
Napasilip ako sa group chat naming lima and nagbackread muna ako. Para naman may alam ako sa pinaguusapan nila.
"Hubby, magpapadeliver na lang muna ako ng kakainin natin for dinner since bukas pa tayo maggrocery", said by this beautiful lady, my soon to be wife, EJ.
"Up to you love", I answered and then she went upstairs to get her phone, as always talaga ulyanin.
Naopen ko na yung messages sa GC and wow, ilang araw lang akong hindi nagonline ang topic ng apat na kumag na 'to.
Sinong Bangang 19 (3 are online)
Justin: Edi sana all may day off.
Josh: Justin, pano kang magdeday off e nakahome based ka rin.
Justin: Ay oo nga no?
Stell: So saan ka magsstay? Uuwi ka ba sa Malabon?
Ken: Nope, my one week off will be for my girl.
Stell: Alam mo Ken, umay ka.
Josh: Teka sandali rounds ko na, balik ako mga 6mal.
Justin: Ano daw? Sixmal?
Stell: Ay bangag si Justin, di nya gates.
Ken: Gagong Josh, dissition. Animal yan.
Justin: Ay oo nga. Amazing!Teka makapag reply nga. May plano ako e.
Sinong Bangang 19 (3 are online)
Me: typing...
Josh: Nagbabalik na ang bossing from Japan.
Justin: Pasalubong namin ser?
Stell: Yung matcha kitkat ko Sejun?
Me: Nandito pasalubong nyo mga abno. Tara labas tayo.
Josh: Ay teka nagaaya. Pag yan inom, autopass ako, may duty ako the whole week. Tsaka yare ako kay Grace.
Me: Samgyup tayo tsaka karaoke, sagot ko na lahat.
Justin: Teka libre ni Sejun yung gala, iba 'to ah?
Stell: Oo nga, May pa ganap ka ba mayor?
Josh: Spill the plano sakay lang akong bus, sa wakas end shift ko today.
Justin: Ingat ka! Tanga ka pa naman.
Stell: (2)
Sejun: (3)
Stell: Ano ba plano?
Justin: Nasan ba si Ken? Bakit walang imik yun?
Stell: Hayaan mo na't kasama nya yung girlfriend. Dali na Sejun habang wala pang customer.
Sejun: I was planning to propose to EJ, wag kayong maingay mga bwiset kayo.
Josh: Ayos ah! Sige sige g tayo dyan.
Stell: Yung singing ba nakabili ka na?
Sejun: Oo naman ayos na lahat, Oo na lang ni EJ ang kulang.
Justin: Ayos! Tiga-nerbyos ka na lang, nalibre ka ba ng foods.
Sejun: Justin ikaw na magbalita kay Ken, tinatawag na ko ni EJ.
Justin: Egis egis ako bahala.Nag log out na ako at pumunta sa dining table, naka-set na yung kakainin namin.
"Kumusta na kaya si Jah? Nakikita ko na sa news yung paglago ng milktea business nya ah? Tsaka sila ni Arkitorture Ken, inaabangan ko na talaga kasalan nun", sambit nya habang nilalagyan ng spaghetti yung plato ko.
"Magkasama sila ngayon at may 1 week off daw si Ken, kaya naman may set tayong sampu sa makalawa", and I saw how her eyes twinkled.
"Yey! Makikita ko na rin si Grace at Zai, namiss ko yung mga yun", after our chit-chats kumain na kami.
---------------
A/N:Short Update opo.
New Characters!
EJ De Guzman- Sejun's Girlfriend
Grace Garcia- Josh's Girlfriend
Zai Santiago- Bestfriend ni EJ at GraceThank you to these persons na pinaayagan akong gamitin yung names nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/233171651-288-k126512.jpg)
BINABASA MO ANG
Wake Up
Fanfiction˜"*°•.˜"*°• Wake Up •°*"˜.•°*"˜ Isang KenTin AU story, kung saan si Jah at Ken ay malapit na sa kanilang ikapitong taon bilang magkasintahan. Then suddenly, something happened. "... 𝔀𝓮 𝓾𝓼𝓮𝓭 𝓽𝓸 𝔀𝓪𝓴𝓮 𝓾𝓹 𝓸𝓷 𝓽𝓱𝓮 𝓼𝓪𝓶𝓮 𝓫𝓮𝓭... 𝓨�...