Chapter Three

100 7 3
                                        

Nakakaramdam ako ng pagtapik sa balikat ko. Nanggigising na to, inaantok pa ako e.

"Five minutes pa 'ga please?" I said and covered myself with the blanket. Di ko na ulit narinig yung boses nya then I heard the door open. Magluluto na yun.

Magandang Araw! I am Kenji Suson, 24 years old, 5'8, arkitekto, taga-Malabon. Ilang buwan na lang, magpipitong taon na kami ni Jahsmine, I can't wait. I am planning to propose to her. Nakaset na lahat. Buti na lang at may one week off ako ngayon, my sub architect took over. Mas marami kaming time ngayon.

I am starting to hear footsteps again. Nako po ayan na manggigising na yan. " 'Ga, gising na magna-nine na oh. Bangon na. Luto na yung pagkain", ay kalambing naman manggising nito. Bwisitin ko nga.

"Five---", hindi pa ako nakakatapos magsalita.
"Ken naman.. Kahirap bang gisingin. Hoy! Bumangon ka na kasi! Lalamig yung pagkain e!", at pinalo na ako ng unan. Kaagang highblood naman nito kaya bumangon na ako.

"Aray naman 'ga. Nagpapalambing lang e", nagunat unat ako and nginitian sya. "Nasan ang good morning kiss ko' ga?", I asked her while brushing my bed hair with my hands.

At hindi na umimik, tapos nagwalkout pa. Hala. Dyan muna kayo, manunuyo lang ako ng babaeng sinumpong ng toyo.

Jah's POV

"Jah nagiinis ka okay, naiinis ka", bulong ko sa sarili ko habang nagtitimpla ng chocomilk. Ang tagal namang lumabas nun.

"Ken! Ay nako wala na, malamig na yung pagkain! Kasi namang kay bagal kumilo---", pun--- bakit ba nagtanggal ng shirt tong abnoy na to?

"Eto na nga e. Ang init ga. Yung aircon ba nakabukas?", aba't tanungan ba ako ng mga naka-on na appliances? "Bakit kaya hindi mo icheck? Yung pagkain natin lumalamig na. Yung kape mo parang ilong na ng kalabaw sa lamig", he just chuckled and went to check kung naka on yung aircon then went back to the table.

"'Ga, magdamit ka nga. Sige na", sabi ko habang naglalagay ng pancake sa plato nya. "Mamaya na after kumain, nagugutom na ako e", sagot nya, at nararamdaman kong nakatingin sya sakin.

"Osige kumain ka na dyan may kukunin lang ako sa room", tumayo na ako at mabilis na naglakad sa kwarto.

Bwiset na Ken yan, walang ibang malaang gawin kundi busitin ako, kagabi pa yan kapag ako napikon. Tatadtarin ko yan ng hugs and kisses, kaso baka kasi ano alam nyo na umabot kami sa ano. Basta dun! Alam nyo na yun hindi na kayo inosente. Kumuha agad ako ng t-shirt dun sa cabinet nya and bumalik na sa may dinning table.

"Ga, isuot mo na to", sinampay ko yung damit sa balikat nya at naupo na. Sinunot naman nya yung damit kaya nakahinga na ako ng maluwag.

"Ang sarap ng pancakes Ga, gumagaling ka na magluto ah. Siguradong masarap lagi yung kakainin ng mga magiging anak natin", sambit ko habang kumukuha ng pancakes.

"Aba't bakit may anak agad? Ga. Di pa nga tayo kasal e", sagot nya. Oo nga hindi pa. Malapit na langga. Malapit na.

I just smiled and enjoyed our breakfast. Thank you so much Lord. Jahsmine is the greatest blessing I ever had.

-------------------------

A/N:

Lets make a deal:

If this first chapters or the books get 50 views, 10 votes and 5 comments. Tuloy natin sa Chapter 4.

Wake UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon