Chapter Ten

53 5 1
                                    

Justin's POV

Nakatapos ng magluto si Jahsmine at Ken, tumulong naman kami ni Kuya Julian sa paghahanda ng mesa para makakain na sila ng tanghalian.

"Oh, Ken. Kumusta pala yung trabaho mo?", pagtatanong ni Julian sa kaniya. "Ayos naman Kuya, patapos na yung project ko ngayon and the next one is waving", sagot ko habang hinahain yung kanin at ulam.

"Kuya Yani, yung sa shipment natin sa Spain, kumusta na?", pagtatanong ni Jah habang naghahanda ng iinumin namin. "Inaayos na sya ni Gia, bukas rin maishiship na yun, wag ka masyadong magworry", pagaassure ni Julian sa kanya at nawala naman yung kaba sa mukha ni Jah.

"Mga anak. Ayos na ba yan? Yani, yung ulam na dala natin nasan?", pagtatanong ni Mama. "Nandito na po Mama, tara na po dito para makakain na", pagsagot ni Kuya Yani. "Justin, yung kubyertos", pagpapaalala sakin ni Kuya at inayos ko naman agad yung kutsara at tinidor.

Naupo na sila Mama at Dad kaya umayos na kami. Bali ganito yung upo namin.

Dad — Mama — Kuya Yani
Ako — Jahsmine — Ken

Nagpray muna kami bago magsimula. In fairness sumasarap magluto ang bunso namin. "Jahsmine anak? Kumusta ka naman dito? Sa bahay na uuwi si Julian kasi yang si Diko mo pupunta ng Korea para sa work nya", sabi ni Mama.

Jah's POV

Nagulat ako sa sinabi ni Mama, hala? Mawawalan ako ng kasama dito? Okay sana kung dito uuwi si Ken, kaso hindi. Medyo malayo dito yung next project nya.

"As of now okay naman po Mama, kasi andito naman po si Ken, pero kailan po yung alis ni Diko?" pagtatanong ko. Jusko ayoko ng mag-isa dito ang laki ng bahay na to.

"After ng proposal ni Sejun", sagot ni Diko sakin. "Hah? Bukas na agad?" tanong ko. "Mama, pwede po bang dun na ako sa bahay? Ayoko po mag-isa dito." sabi ko kay mama at tumingin si Dad kay Ken.

"Ken anak", pagtawag nya dito. "Yes po Dad?", mahinahon na sagot ni Ken. Kinakabahan to. "Kailan kayo ikakasal ni Jahsmine? Magpipitong taon na kayo ah?", nasamid naman si Ken, nagulat siguro.

"Dad, papakasalan ko po si Jahsmine, Hinihintay ko lang po yung tamang tyempo, medyo mahirap po kasi ngayon sobrang busy kaming dalawa", sagot ni Ken at nakita kong umaliwalas yung mukha ni Dad.

"Pero, for the mean time po, since leave ko pa naman, sasamahan ko po muna dito si Jah", dugtong ni Ken at nangiti namam si Kuya Julian. "Why won't you move here Ken, kung tutuusin bahay nyo naman na to ni bunso", pagtatanong ni Kuya Julian at napatango naman si Mama at Dad.

"May point si Kuya Yani, Ken dito ka na lang tumira since naka-apartment ka naman dito", sabat ni Diko. "Sige po, I'll move here", mabilis na sagot ni Ken at natuwa naman sila Dad. At last may kasama na ko dito. Future husband ko pa.

Nakatapos na kaming kumain ng biglang tumayo si Ken, "May pinadala po si Stell para sa inyo kuhanin ko lang po", tumayo si Ken para kuhanin yung strawberry cake na pinakisuyo nya kay Kuya Stell. Tumayo na rin ako para kumuha ng platito tsaka kubyertos.

"Ga, okay ka lang ba?" tanong sakin ni Ken. "Huh? Oo okay lang ako. Bakit 'ga?" tanong ko sa kanya pabalik. "Namumutla ka, hindi ka ba nahihilo?" kinabahan ako bigla "Wait lang po", nagpaalam ako sa kanila at punta sa CR.

Shocks ang putla ko nga. Tapos nagcheck na ako ng sarili ko and confirmed. Narito na ang monthly bwisita ko. Nagbihis ako at bumalik na sa table.

"Anyare Jah?" tanong sakin ni Diko. "The monthly visitor has arrived", sagot ko at natawa sila. "Halika na dito nak, ang sarap ng cake na to", pagtawag sakin ni Dad. Wow, bago yun ah? Madalas seryoso si Dad e. Never mind. Naupo ako ulit at kumain na. Napansin kong nakatingin sakin si Ken, he's smiling.

"Ga, wag kang ganyan", bulong ko sa kanya.
"Ang ganda mo  'ga", bulong nya pabalik at namula na ako, Ken Suson!

"Umay! Umay!", pagpprotesta ni Diko. "Justin anak, ligawan mo na kasi si Camila, tingnan mo tong si Yani, ikakasal na sila ni Rappl next year", nagulat kaming lahat sa announcement ni Dad.

"Congratulations Kuya!", natutuwa kong saad. Crush lang dati ni Ate Rappl si Kuya tapos tiga-abot lang ako ng baked goodies nya kay Kuya at ngayon, ikakasal na sila? Wow! "Salamat bunso, at dahil dyan, ako na snacks natin mamaya", sabi ni Kuya at nagtawanan kami kahit kelan ang hilig manlibre.

-FAST FORWARD-

Ken's POV

Napagkaisahan naming maglaro sa PS4 ngayon as usual magkalaban kami ni Justin tapos si Kuya Julian naman nakikipagkwentuhan kay Jah.

"Ang weak mo Ken", sabi ni Justin sakin.
"Sinong weak loko", ginamitan ko sya ng combo move. "Okayyy dead! HAHAHAHA", pang-aasar ko sa kanya.
"Mamaya naman. Sumakit mata ko dito", at binaba nya yung controller. "Talo ka lang e", inasar ko sya ulit kaya binatukan ako pikon talaga mana sa kambal nya.

"Sabay sabay tayo bukas sa venue ni Sejun?" pagoopen ko. "May sasakyan naman ako. Mauumay lang ako sa inyong dalawa ni Jahsmine, no thanks", natawa ako nung binato sya ng unan ni Jah, "Naririnig kita diko. Bitter ka lang. Wala kang jowa" pambabara sa kanya. That's my girl.

"Edi magsolo ka ng sasakyan. Ayos ba?" sambit ko at tumango sya.

Around 5pm umuwi na sila Mama, naglilinis kami ngayon ni Langga. "Ga. Yung sinabi ni Dad", pagopen ko ng usapan sa kanya. "I can't wait 'ga. I can't wait to be Mrs. Suson", sagot nya. Putek kinilig ako dun! Illegal yan ga. Ikikiss kita sinasabi ko sayo.

"Anong tingin yan hah?" tanong nya sakin. Okay natulala pala ako. "Ganitong tingin", lumapit ako sa kanya at hinalikan sya sa pisngi. "I love you" sambit ko at ngumiti. "I love you too", sambit nya at niyakap ako.

Rold! Please kasal muna, kasal muna. Amen.

----------------------------------
A/N: Sabaw update. I know. Anyways! Malapit na Online Classes, g'luck mga bHie. Fighting!

Wake UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon