Prolouge

166 10 0
                                    

"Minsan ang daya din ng tadhana no?" sabi ko at tumungga sa bote ng gatorade na iniinom ko. Kasama ko si Gia, yung bestfriend ko, sa rooftop, gabi, malamig ang hangin, maraming bituin sa langit.

"Hala? Panong madaya?", tanong nya naman sakin, akala mo talaga wala syang alam e. Gusto lang talaga akong gisahin nito.

"Ang hirap nyang ipredict", yumuko na lang ako at pinipigilan yung mga luhang nagbabadya ng bumuhos. Biglang tumahimik.

"Teka lang Jah, tungkol ba to sa--" Pagbubukas nya ulit ng usapan pero nya pa ituloy at banggitin yung pangalan, pinutol ko na agad at tumingala.

"Mahal ko pa sya pero---", bigla rin nyang pinutol yung pagsasalita ko, tinapik nya ng mahina ang balikat ko.

"Ikaw yung unang bumitiw", Oo, tama si Gia, ako yung bumitiw. "Kasi naging robot ka at nagpakontrol na lang", ayokong mahirapan sya, ayokong masaktan siya, ako na lang.

"Natakot ako", then realization hit me. Bakit ba kasi ako natakot? Bakit Jah? Yumuko na ako para itago yung mukha ko, pisteng luha ayaw makisama.

Biglang nagring yung phone ni Gia, "Tumatawag siya Jah, hinahanap ka pa rin siguro" sabi nya. Gusto ko na lang agawin yung phone at kausapin sya. Ken, I miss you so much. "Sagutin ko lang to hah?" sabi niya sakin

"Basta wag mong sasabihin kung nasaan tayo at kung magkasama tayo", sabi ko sa kanya and she gave me a thumbs up tsaka tumayo at lumayo ng kaunti sakin.

Tumingala na lang akong muli at tumingin sa langit, sa buwan, alam kong dito ka rin nakatingin, Ken, I love you.

———————————
Author's Note:
Ano ba kasi yung mangyayari? No one knows dahil si author ay dissition.

Wake UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon