Chapter Nine

55 4 1
                                    

Sejun's POV

Nandito ako ngayon sa bakeshop ni Stell. Buti na lang at tinawagan ni Grace si EJ na gagala sila kaya hindi ako nahirapan magpalusot kung saan ako pupunta. Tomorrow is the day.

As usual ako na naman yung nauna dito, kahit kelan talaga itong mga kaibigan ko, napakabagal kumilos.

"Teka Sejun, kanina ka pa nandito baka naman may balak kang umorder diba?" pangiinis sakin ni Stell.
"Wag kang ano dyan baka bilhin ko 'tong shop mo", sagot ko sa kanya at tumawa lang ang loko.

"Napaka seryoso mo kasi. Feeling ko yung susunod na darating masasapak mo", sabi nya habang binibilang yung mga tinapay na nakadisplay. At ayun na nga speaking of the next comer eto na si Josh.

"What's up mga kaibigan kong abnormal", pagbati nya samin nung makalapit na sya. May iilang customers na rin dito sa shop ni Stell and its on the news na kapag sumasapit ang 10am dumarami na mga tao dito, most of his market were students.

"Sa ating lahat Josh, ikaw yung abno", sambit ng bagong dating na si Justin at binaba yung bag nya sa upuan. "Anong dahilan ng pulong na ito mga tao, may lakad kasi ako ngayon" pagtatanong nya.

Nagkatinginan kaming tatlo (Josh at Stell) tsaka ngumisi.

"Binata na si Baby Justin", natatawang saad ni Josh na syang ikinakunot ng noo ni Justin at naging dahilan ng pagtawa naming tatlo.
"So who's the lucky girl?", pagtatanong ko kay Justin.
"Lucky girl kayo dyan? Shut up, pupunta kasi kami dapat kila Jah ng sabay sabay nila mama pero bigla kang nagtawag ng Meeting", pagpapaliwanag nya.

"Ah. May hinihintay talaga si Justin", sabi ni Stell habang tumataas baba yung kilay. Ay yun ang senyales para gawin namin ang nakakabwiset na technique. "Ayieeeeee Ca---", pinutol nya kami. "Nasan na ba si Ken? Kahit kelan late yun", naiinis nyang sabi.

"Pikon spotted. HAHAHAHA tawagan mo na lang", sambit ni Stell kaya ayun tinawagan nya na. While on their phone naririnig kong nagbubusitan sila nung kausap nya, si Jah, yan. Napakabully nya talaga sa kapatid nya. And then we heard Ken, nagddrive pala.

"Justin i-end mo na yang call malapit na sila dito", paguutos ko kay Justin and he ended the call.
"Gagawin ko lang yung request ni Jah, ano sa inyo?", pagtatanong ni Stell.
"Mamaya na yung samin dre", sagot ni Josh at tumango naman kami ni Justin.

Umalis naman si Stell para ihanda yung shake ni Jah. Biglang nagring yung phone ni Josh. "Teka lang si Grace tumatawag" bigla akong kinabahan, magkasama sila ni Ej e.

Josh' POV

Nagulat ako ng biglang nag-ring yung phone ko, akala ko tawag sa ospital. Girlfriend ko pala. I excused myself and answered the call.

Me: Babe! What's up?
Grace: Uhm... Babe nasan ka?
Me: Kasama ko sila Sejun, bakit?
Grace: Yung gulong ng kotse ko nasira.
Me: Ha? nasan ka?
Grace: Mall, parking space. Napagtripan yung kotse ko babe.
Me: Tatawagan ko si Kuya Roger, ipapasundo ko kayo ni Ej. Importante kasi paguusapan namin.
Grace: Sige babe, salamat hah?
Me: And ireport nyo yan sa security ng mall.
Grace: Will do, ingat ka dyan babe.
Me: Yeah, kayo rin. Love you.
Grace: Love you too.

After kong i-end yung call nakatingin lang sakin si Justin at Sejun. "Bakit ganyan kayo tumingin hah?" tanong ko atsaka sila tumawa ng pagkalakas lakas.

"Kaumay ka Josh", sabi ni Jah habang tumatawa kaya binatukan ko na. "At least ako, may girlfriend, ikaw wala kasi nga torpe ka", sagot ko sa kanya at lalong tumawa si Sejun "Liyab Justin, liyab", sabi naman si Sejun at natawa ako kasi si Justin biglang naseryoso na.

"Nasan na ba sila Ken? Ang haba ba ng daan?" naiinis na tanong ni Justin. Narinig naming bumukas yung pintuan.

"What's up mga panget!", ayan na nga ang VIP. Lumingon naman kaming tatlo.
"Mas panget ka gago", sagot ko, aba ako kaya pinakagwapo saming lima.
"Two", gatong ni Jah.
"Three", pati ni Sejun.

"Jah! Sakto yung dating nyo. Ito na yung milkshake", nakangiting naglalakad si Stell at nilagay yung baso sa counter. "Salamat Kuya Stell", sagot naman ni Jah at naupo sa tabi ni Justin at ininom yung shake. "Teka... Bakit nandito rin kayo?" tanong nya at tumingin sila kay Sejun.

"To discuss the plan", sagot nya. Nakita kong naexcite si Jah. "Sa proposal? Wow! Sali akoo", sabi nya at ngumiti si Sejun. "Syempre naman, we need your suggestions too"

-Fast forward-

KEN'S POV

After brainstorming and planning all set na ang proposal ni Sejun. And now we're on our way back sa bahay namin ni Jah. Kasunod namin si Justin. Magluluto pa kami pagdating.

Napansin kong naka-ngiti si Jahsmine habang nakatingin sa daan. "Ang ganda ng ngiti mo 'ga", sambit ko at tumingin sya sakin, "Ang ganda ng plan natin for Sejun and Ej 'ga. Kinikilig ako iniimagine ko pa lang", napangiti naman ako kasi ang cute ng reaction nya. "Soon Langga ko, ikaw naman" sabi ko sa sarili ko at nagdrive na ulit.

"Ga, mamaya pala sabi ni Dad kakausapin ka raw nila ni Mama. Di naman sinabi kung bakit", kinabahan na naman ako, nambibigla rin tong si Jah minsan. Pero I'll take this chance na rin para humingi ng blessing sa kanila, I can't wait any longer. Sa loob ng 7 years, I can see myself clearly, laying beside her and waking up beside her every single day.

We pulled up, at last nasa bahay na rin! Bumaba na kami pati si Justin, tinulungan nya ako sa mga pinamili namin kasi nauna na si Jah pumasok. "Ken, kakausapin ka nila Dad, ayusin mo, kasal ang gusto ko", sabi ni Justin sakin at inunahan nya akong pumasok.

Ngumiti naman ako, "Oo, kasal talaga", bulong ko sa sarili ko at pumasok na sa loob. Nag-ayos lang kami ng konti tapos nagsimula ng magluto si Jah.

"Ga... Yung chicken, marinate mo na", utos nya sakin at ginawa ko naman. Habang inaayos ko yung chicken napansin kong nakatingin samin si Justin.

"Kalalantod nyo, umay", sabi nya at nagulat ako kasi binato ni Jah ng sandok yung diko nya. "Palibhasa'y torpe! Ako na kakausap kay Ate Ca---" naputol yung sinasabi ni Jah ng marinig namin yung doorbell.

"Ako na", sabi ni Justin and then he answered the door. "Nandito na kami!", narinig kong sigaw ni Kuya Julian.
Hininaan ni Jah yung apoy at lumapit na kila Kuya. Kinakabahan na naman ako. Putek ka Ken Suson, bakit ka kakabahan? Wala ka namang ginagawang masama.

Pray for me everyone. May one on one kami mamaya. Kantahan ko na lang kaya ng marry your daughter? Pwede na kaya?

---------------------
A/N: Andddd cut! Yan muna update natin today(?)

Stream GITZ: Get In the Zone! SB19's first Album on iTunes, Spotify and Deezer.

Thank you~

Wake UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon