Port:
Unedited...
"Morning!" bati ni Mike nang bumaba si Ash.
"Morning mo mukha mo!" bulong ni Ash na siya lang ang nakakarinig.
"Kumain ka na, may bacon akong niluto."
"Wala akong gana!"
"Bawal magpagutom, Ash!"
"Busog pa po ako kaya magkakape at tinapay na lang ako."
"Bawal! Alam mo namang inatake ka na ng hyperacidity!" sabi ni Mike.
"Bawal agad? Isang baso lang."
"Tigilan mo ako, Ash!"
"Gusto ko ng kape at tinapay!" Dumiretso siya sa kusina at nagtimpla ng kape't gatas tapos kumuha ng sliced bread at nilagyan ng peanut butter.
Hindi na siya lumabas sa sala. Nanatili siyang nakatayo sa tapat ng lababo at kumain. Nakita niya sa peripheral vision na tinitingnan siya ni Mike na nasa pintuan pero dedma lang siya.
"Talagang matigas ang ulo mo, 'no?" sabi ni Mike na hinayaan na si Ash dahil baka magwala pa kapag sinaway niya. "Nagpuyat ka ba kagabi? Bakit parang may eyebags ka?"
"Ba't pati eyebags ko, pinapakialaman mo? Inaano ka ba ng eyebags ko?" pagtataray ni Ash. "Baka lasing ka pa, Doc?"
"Ano ba ang problema mo, Ash? Bakit ang init ng ulo mo?"
Hindi sumagot si Ash kaya bumalik siya sa sala at hinintay ito.
Bumalik ang dalaga sa kuwarto at nag-toothbrush.
"Talaga lang ha? Iyon lang 'yon? Ne hindi niya in-open ang paghalik niya sa akin kagabi? Kunwari dedma ang matanda sa kasalanan niya?" bulong ni Ash habang nagto-toothbrush.
Nang matapos ay mabigat ang mga paang bumaba siya.
"Tara na," yaya ni Mike at tumayo. Naunang lumabas si Ash at naglakad patungo sa sasakyan at sumakay.
Pumasok si Mike sa sasakya ang nag-umpisang magmaneho.
"Ano ba talaga ang problema mo, Ash?" seryosong tanong ni Mike habang nagmamaneho.
Naikuyom ni Ash ang kamao. Nanggigigil siya sa inis.
"You kissed me!" singhal ni Ash.
"I—kissed you? When?" inosenteng tanong ni Mike kaya napanganga si Ash.
"Seriously, Doc?" Halos lalabas na yata ang kaluluwa niya sa sigaw. "Lastnight nang malasing ka!"
"Wala akong maalala," blangko ang mukhang sagot ni Mike.
"Walang maalala? Ano 'yon, Doc? Uminom ka lang, nagka-amnesia ka na?" Gigil na sabi ni Ash sabay sipa sa unahan.
"Did I really kiss you?"
BINABASA MO ANG
The Heart of Healthcare (Probinsya series 1)
RomanceAshtray Czarina, RN. Isang nurse na walang hinangad kundi makapunta sa US para doon na manirahan pero dahil kailangan muna niya ng 2-year experience, pinadala siya ng parents sa Upi, Maguindanao para magtrabaho sa RHU sa ilalim ng programa ng DOH. D...