Chapter 21
Unedited...
"Dok? Ano po ang gamot kapag brokenhearted ka?" tanong ng babaeng nagrereklamong naninikip ang dibdib. Sakto namang kakapasok lang ni Ash para bigyan ng prescription pad si Mike dahil naubusan ito kanina.
"Sino ba ang brokenhearted?" tanong ni Mike.
"Ako po, Dok," sagot ni Quennie Dy. "Iniwan kasi niya ako. Puwede mo ba akong resitahan ng gamot?"
Maganda naman ang babaeng kakauwi lang galing sa Korea dahil nagtatrabaho ito bilang factory worker.
"Naku, wala tayong gamot diyan," natatawang sagot ni Mike at kinuha ang prescription pad kay Ash.
"Mayroon, Dok," sabat ni Ash kaya napatingala si Mike sa kasintahan. "Potassium chloride po, i-fast drip natin."
Napalis ang ngiti sa mga labi ni Mike dahil walang halong biro ang pagkakasabi ni Ash.
"Ehem!" tikhim ng doktor at sumeryoso ang mukha. Pati babae ay naasiwa na rin at nagtataka. "Masakit lang ba ang dibdib mo?"
"Opo, dito o, sa puso ko mismo," sagot ng babae sabay turo sa kaliwang dibdib. "Para siyang may burning sensation."
"Naku, Miss, hindi po puso 'yan, nasa center ng dibdib ang puso natin," pagtatama ni Ash.
"Nurse Ash, pahiram ako ng ballpen," pakiusap ni Mike.
"Sa labas ang ballpen ko," sagot ni Ash sabay taas ng kanang kilay. "Okay, lalabas ako!"
Padabog na lumabas si Ash dahil obviously, pinapalabas siya ni Mike.
"Ako? Pinalabas niya?" hindi makapaniwalang tanong ni Ash sa sarili.
"Oh? Nag-away na naman kayo. Ganda ng patient ni Doc, 'no?" natatawang tanong ni Ayesha dahil kanina pa hindi mapakali si Ash. Pagpasok pa lang ng babae, napapatingin na ang ibang lalaki dahil sa awra at pananamit nito. Naka-miskirt at sleeveless na para bang nanghahatak ng customer sa night club.
"Anong ganda nun? Hindi ba kayo conservative rito?" salubong ang kilay na tanong ni Ash. "Magpapakonsulta parang ready nang magpa-physical examination a! Eh, may GERD lang naman! Sakit sa puso raw! Exaggerated masyado! Acid reflux lang naman 'yon!"
Pati si Mae ay napapatingin kay Ash. Magtatanghali na kaya wala na silang gaanong pasyente.
Pabagsak ang katawang naupo si Ash sa nurses station at nagtalumbaba.
"Ano na kaya ang ginagawa nila?" tanong niya.
"Kalma lang, ang puso," natatawang sabi ni Ayesha.
"Ang puso ko nandito pa naman pero kapag ako ang mainis, makikita talaga ng doktor na 'yon!" Napahawak siya sa dibdib. "Oh my ghad! Tachycardic na yata ako!" exaggerated na sabi ni Ash.
Bumukas ang consultation room at lumabas ang babae.
"Andiyan na siya. Pigilan mo ako, Ayesha!" gigil na sabi ni Ash. Bakit parang umangat ang miniskirt nito? May ginawa ba si Mike? Naku, huwag lang talaga!
"Ash," tawag ni Mike na nakadungaw sa pinto. "Let's talk."
"Usap daw kayo," bulong ni Ayesha kaya tumayo si Ash at taas noong lumapit kay Mike at pumasok sa consultation room.
Isinara ni Mike ang pinto at sumandal sa mesa habang nakatingin kay Ash.
"Tell me kung ano ang nangyari sa 'yo kanina," seryosong sagot ni Mike.
"Lahat?" tanong ni Ash.
"Yes."
"When I woke up, naligo ako tapos kumain ng breakfast kasama ang matandang boyfriend ko tapos—"
BINABASA MO ANG
The Heart of Healthcare (Probinsya series 1)
RomanceAshtray Czarina, RN. Isang nurse na walang hinangad kundi makapunta sa US para doon na manirahan pero dahil kailangan muna niya ng 2-year experience, pinadala siya ng parents sa Upi, Maguindanao para magtrabaho sa RHU sa ilalim ng programa ng DOH. D...