Chapter 29

3.3K 131 9
                                    


Chapter 29
"Hala, expired na si Aleng Naygie?" bulalas ni Ayesha nang malaman kina Ash ang nangyari. Medically, expired ang tawag sa pasyenteng namatay na. Parang bomba rin ang balita na biglang kumalat sa buong Upi, Maguindanao, "ang lakas pa nun ah."

"Yes, biglaan nga ang nangyari eh. Kaya dapat kapag may problema talaga tayong mga babae sa menstruation, huwag isawalang bahala at dapat nagpa-Pap smear talaga lalo na ang mga sexually active," nanlulumong sabi ni Ash. Binalewala lang kasi nito ang heavy at lagpas isang linggong menstruation tapos palagi pang pagod sa bukirin. "Kung naagapan lang sana nang maaga."

"Ganiyan talaga ang buhay, unahan lang 'yan," sabat ni Mae na hindi nila napansing nakarating na pala.

"Oh my! Congrats, Ma'am!" masayang sabi ni Ayesha. "Grabe, IELTS passer ka na."

"Salamat," pasalamat ni Mae. "Libre ko kayo ng lunch."

"Ang galing mo po," sabi ni Ash. "Saan na ang tungo mo niyan?"

"UK ako nag-apply e," sagot ni Mae.

"Iiwan mo talaga kami?" tanong ni Ayesha.

"Wala naman akong mapapala e. Tingnan ninyo, ganoon pa rin naman ang sahod natin, ang dami ko nang utang. Isa pa, may pinapaaral akong pamangkin," sagot ni Mae na gusto ring makapangibang bansa para makatulong sa pamilya. Hindi kakayanin ng sahod niya e.

"Nextyear na lang ako kukuha ng IELTS exam," sabi ni Ash. "Medyo kinakabahan pa ako."

"Aalis ka?" tanong ni Ayesha.

"Oo."

"Paano si Dok?" tanong ni Mae.

"Eh 'di doon na lang kami sa ibang bansa," sagot ni Ash. "Kaya nga ako nag-nursing kasi gusto ko ng stable job sa ibang bansa."

"Papayag kaya si Dok?" alanganing tanong ni Ayesha.

"Oo naman. Kung mahal niya ako, papayag siya. Puwede naman naming kunin si Mikhaela kung sakali," sagot ni Ash na buo na ang plano niya.

"Kung 'yan ang plano ninyo," sabi ni Mae pero siya? Buo na ang kanyang pasya. Wala nang makapagpigil sa kanya. "Si ba ikaw Ayesha, nagbabalak ka ring mag-abroad?"

"Baka sa susunod na lang," sagot ni Ayesha. "Kailangan pa ako ng lola ko e."

"Start na ba tayo?" tanong ni Mike nang lumabas sa consultation room.

"Sige, Dok," sagot ni Mae. "Dito ka na po pala mag-lunch, Dok, libre ko na."

"Wow, ano bang meron?" tanong ni Mike.

"Nakapasa siya sa IELTS, tanda!" masayang sabi ni Ash.

"Talaga? Wow, kaya magpakain ka na pala," sabi ni Mike. "Congrats, Mae."

"Salamat, Dok. Tumatanda na ako rito eh," sagot ni Mae.

"Hanap ka na sa UK, baka foreigner ang para sa 'yo," sagot ni Mike at napasulyap kay Ash na halatang walang tulog dahil nanlalalim ang mga mata. Isa pa, mas malakas pa yata iyak nito kaysa sa mga anak nang sunduin ng St.Peter e.

Nang magsimula na silang magtawag, naging busy na naman ang lahat.

Nang medyo lumuwag-luwag na, lumabas si Mike at pinuntahan si Ash na nakatayo sa isang sulok.

"Are you okay?" tanong ni Mike sabay abot ng tubig. Tumango si Ash at kinuha ang mineral water. "Inaantok ka na e."

"Babawi na lang ako ng tulog mamaya pag-uwi," sagot ni Ash.

"Sige. May gusto ka bang kainin?"

Umiling si Ash. Hanggang ngayon, naalala pa rin niya ang mukha ni Aleng Naygie kung paano ito binawian ng buhay.

The Heart of Healthcare (Probinsya series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon