Chapter 25
Unedited...
"Kumusta ang bakasyon sa North Cotabato?"
"Okay naman. Pinuntahan namin ang Asik-asik falls. Grabe, sobrang lamig at nakakapagod pabalik kasi paakyat ang daan pero sobrang sulit!" pagkukuwento ni Ash. "At mababait naman ang mga pinsan ni Mike doon. Iba ang ugali nila kaysa kay Tanda. Palangiti sila at madaldal si Sairen. Unlike kay Dok Mike na alam mo na."
Natawa si Ayesha dahil tumutulis pa talaga ang nguso ni Ash habang nagsasalita.
"Maraming falls sa Cotabato kaso ang iba ay tagong-tago. Merong Bongolanon o Tawsuvan falls. Basta marami pa."
"Ang dami palang tagong yaman ng Mindanao, 'no?"
"Mas ma-explore mo pa 'yan dahil paniguradong tatagal ka pa rito."
"Matutuloy ba ang pag-uwi ninyo sa Nueva Vizcaya?" malungkot na tanong ni Ash. Si Ayesha na nga lang ang nagpapasigla sa kanya rito e. Wala naman siyang aasahan kay Mae.
"Baka hindi na," sagot ni Ayesha. "Depende sa sitwasyon."
"By the way, tumawag pala si Tita Natnat, pupunta raw sila bukas para ipamigay ang ido-donate. Akala ko nga sa Friday pa pero dumating na raw ang in-order nila kaya agahan na nila dahil may gagawin pa."
"Malaking tulong 'yan lalo na sa mga bata," masayang sabi ni Ayesha.
"Oo naman," ani Ash at napasulyap kay Mike na lumabas sa consultation room.
"Bata!" tawag ni Mike na palapit sa kanila.
"Yes, Dok?" sagot ni Ash.
"I love you."
Napalingon ang nakapilang pasyente. Pati si Ayesha ay lumaki rin ang mga mata sa narinig. Hala, si Doc Mike ba ang nasa harapan nila.
"Shit!" pagmumura ni Mike ba gusto nang lumubog sa kinatatayuan. Hindi iyon ang gusto niyang sabihin. "A—Ang ibig kong sabihin..." Nakalimutan na niya tuloy ang nais itanong kay Ash. Para siyang nasa hot seat at iniimbistigahan ng mga NBI habang nanonood ang milyong tao sa buong mundo. Gusto niyang hanapin ang utak niya na naiwan yata sa kung saang lugar.
Kasalanan talaga 'to ni Ash e.
"Tanda," bulong ni Ash dahil putlang-putla na si Mike.
"Ahm... M—May stethoscope ka? Mahina na kasi ang sa akin e," tanong ni Mike para may masabi lang.
"Mayroon po," sagot ni Ash at kinuha ang stethoscope saka ibinigay kay Mike. Hindi naman siya ganoon kasama kahit na pasaway siya. Alam niyang napahiya si Mike lalo na't may reputasyon itong inaalagaan.
Nang maabot ay dali-daling bumalik si Mike sa consultation room pero panay ang pagmumura sa isipan.
"Hala," sabi ni Ayesha. "Lutang si Dok, Ash. Ano ba ang ginawa mo?"
"Hindi ko alam."
"Baka pinuyat mo."
"Hala. OD na nga lang sexlife namin dahil pareho na kaming pagod e," depensa ni Ash.
"Once a day? Anong oras naman 'yon?"
"At bedtime," nakangiting sagot ni Ash.
"Baliw! Paano ba 'yon? IV o per orem?"
"Hindi ko pa 'yon na-try 'yong per orem. Masarap ba kapag bini-BJ?" curious na tanong ni Ash. Muntik na siyang magganun pero tumanggi siya kaya pumayag na lang si Dok na sumakay siya.
"Baliw! Malay ko."
"Di ba may naging jowa ka na dati? Nag-aano rin ba kayo?" Ang naikuwento sa kanya ni Ayesha, isang beses lang itong magkaroon ng kasintahan. Two years sila pero LDR. Naghiwalay rin sila dahil nakabuntis daw ang lalaki.
BINABASA MO ANG
The Heart of Healthcare (Probinsya series 1)
RomanceAshtray Czarina, RN. Isang nurse na walang hinangad kundi makapunta sa US para doon na manirahan pero dahil kailangan muna niya ng 2-year experience, pinadala siya ng parents sa Upi, Maguindanao para magtrabaho sa RHU sa ilalim ng programa ng DOH. D...