Chapter 23

3.8K 132 2
                                    


Chapter 23

Unedited....

"Awww!" Hiyaw ni Mike nang biglang tumalon at pabagsak na naupo si Ash sa tiyan niya habang natutulog siya. "Diyos ko, Ash naman!"

Para siyang sinikmuraan nang walang kalaban-laban. Alas onse pa lang ng umaga pero nakaidlip pala siya dahil sa sobrang pagod sa ginawa nila ni Ash kagabi. Sabado ngayon at nagpahinga muna sila sa pagbigay ng medical mission dahil mamimili sila sa Cotabato mamaya. Doon na rin sila matulog sa kamag-anak niya para makilala rin ng mga ito si Ash dahil nga nabalitaan ng mga ito na may bago na siya.

"Tandaaaaa!" sigaw ni Ash saka dumapa sa ibabaw ni Mike. "May ice cream sa baba, bili tayo."

Narinig nga niyang tumutunog ang bell ng nagtitinda ng sorbetes.

"Puwede mo naman akong gisingin nang maayos!" reklamo ni Mike na kakawala lang ng ulirat.

"Dali na, bili na tayo!"

"Wala ka bang pera?"

"Wala po," naka-pout na sagot ni Ash. Buong isang libo ang pera niya at hindi pa nababaryahan.

"Baba." Utos ni Mike kaya bumaba si Ash at pinagmasdan siyang magsuot ng damit dahil as usual, naka-boxer shorts lang siya.

"Tawagin ko si Kuya!" masiglang sabi ni Ash at agad na tumakbo pababa.

"Sabing huwag kang tumakbo!" hiyaw ni Mike na binilisan ang pagbihis at kumuha ng barya sa wallet saka bumaba.

Sabi na nga ba e, tumakbo na naman si Ash dahil hindi na niya ito naabutan. Lumabas siya ng bahay at lumabas ng gate. May hawak na itong cone at dinidilaan ang dirty ice cream.

"Magandang hapon, Dok," magalang na bati ni Mang Jerry.

"Magandang hapon," bati ni Mike at inabutan ng bente ang matanda.

"Gusto ko dalawa," sabi ni Ash. Masarap kaya ang ice cream nitong keso at avocado flavor. Hinalo lang niya sa iisang cone.

"Sige, dalawa na," pagpayag ni Mike at inabutan ng panyo si Ash dahil tumutulo na ang ice cream.

"Mabenta ho ano, paubos na ang paninda mo Mang Jerry," sabi ni Mike.

"Oo nga, Dok eh. Salamat naman sa Diyos at nakakaraos."

"Naku, mabuti naman. At least patapos na ang kambal mo," sabi ni Mike. Mula noon, si Mang Jerry na talaga ang nagbebenta ng ice cream sa kanila kaya kilala na ng tao. Maliban sa masarap, sulit pa ang bayad dahil ito mismo ang gumagawa ng nilalakong ice cream.

"Kaya nga e. May guro na ako at seaman," masayang sabi ni Mang Jerry. Ang panganay niyang seaman ay kakasakay lang at ang kambal ay patapos na nga.

"Congrats, Mang Jerry." Napasulyap siya kay Ash nang mapadaan ang tatlong lalaking nakasakay sa motorsiklo at napalingon kay Ash.

"Idol ka kasi nila, Dok! Kaya nagsusumikap din sila para makatulong sa kababayan namin. Wala man akong narating sa buhay pero masaya ako Dok na sa pamamagitan ng pagtitinda, may narating sa buhay ang anak ko."

Tinapik ni Mike sa balikat si Mang Jerry.

"Salamat po sa ice cream. Inom ka nang maraming tubig para hindi ka ma-dehydrate."

"Salamat, Dok!" sabi ni Mang Jerry at pumadyak na palayo sa kanila para magtinda ng ice cream.

"Bata!" tawag ni Mike. "Pasok na!"

"Gala tayo, Dok!"

"Pasok na sabi!" salubong ang kilay na utos ni Mike. Nakapekpek shorts pa naman ito at hanging dress kaya gusto na niyang ipasok sa sako ang dalaga at itago sa basement niya.

The Heart of Healthcare (Probinsya series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon