Chapter 15

4.1K 118 6
                                    


Chapter 15

Unedited...

"Pakitanggal naman ako ng tali," sabi ni Mike kay Ash na ang tinutukoy ay puting tela na itinali ng lalaking nasa mid 50's ang edad. May malaking sugat daw ito sa tuhod dahil hindi sinasadyang nataga nang manggapas ng damo sa tubuhan.

"Sige po," sabi ni Ash at maingat na tinanggal ang tela. Nagtataka siya nang makitang may nakatapal pa na napkin sa malaking sugat.

"Ano ho 'yan, Tay?" tanong ni Ayesha nang pagtingin ay iyon ang bumulaga sa kanya.

"Band aid," sagot ng matandang lalaking panggapas lang ng tubo ang alam na trabaho.

"Sino ho ang nagbigay?" tanong ni Ash na kinuha ang napkin na medyo napuno ng dugo gamit ang forcep.

"Ang babae sa tindahan. Bumili ako ng band aid. Tinanong niya ako kung malaki o maliit ang sugat ang tapalan ko ng dugo," sagot ni Tatang kaya napangiwi si Ash. Gusto niyang matawa pero sobrang pinipigilan lang niya. Kaya siguro itinali nito ng puting tela para hindi mahulog ang napkin.

"Sinagot mong malaking sugat?" tanong ni Ayesha.

"Oo," sagot ni Tatang.

"Ehem! Pahanda na lang ako ng betadine at hydrogen peroxide para malinis ko bago i-suture," sabat ni Mike kaya naghanda si Ash ng sinabi nito.

"Doc? Wala na pong hydrogen peroxide e," sabi ni Ash. "Normal saline na lang."

"Okay," pagpayag ni Mike na pinag-aralan ang haba ng sugat habang nagsusuot ng gloves.

Dinis-infect muna tapos tinahi ni Mike ang sugat.

Nang makalabas si Tatang, sinaway nu Mike si Ash dahil mag-isang tumatawa ito.

"Natatawa lang ako kasi—"

"Be professional, Ash!" seryosong sabi ni Mike kaya tumango ang dalaga at tinawag si Lovely Ramo.

"Ano po ang problema?" tanong ni Ash. "Palagay lang po sa kili-kili mo."

"Palaging sumasakit ang ulo ko," sabi ni Lovely Ramo at napahawak sa sumasakit na ulo.

"Ilang taon ka na ba?" tanong ni Ash.

"Twenty years old po," sagot ng babae.

"Nagsasalamin?"

"Hindi ho."

"Nakapa-check-up ka na ba sa optha?"

"Hindi ho," sagot ni Lovely at itinali ang medyo wavy na buhok.

"Saan banda ang sakit?" sabat ni Mike at hinayaan na si Ash na kumuha ng blood pressure sa left side ng arm nito.

"Dito po sa kanan. Minsan parang may pumipitik-pitik pa."

"Migraine lang 'yan," sabi ni Mike. "Baka kulang ka sa tulog at sobrang stressed kaya ka nagkakaganyan."

"Ano po ang gamot, Dok?"

"Pahinga," sagot ni Mike. "Kusang nawawala lang 'yan lalo na kapag makapagpahinga ka na at umiwas sa mga bagay na nakakapagpa-stress sa 'yo. Bawal din ang magpuyat at gumamit ng gadgets magdamag, okay?"

Napangiwi si Lovely dahil puro Facebook at wattpad nga ang ginagawa niya.

"So mawawala lang ito, Dok?"

"Yes," sagot ni Mike.

"Normal naman po lahat, 100/70 ang Bp at 36.7°C ang body temp," sabi ni Ash.

Tumayo si Lovely at nagpasalamat kay Mike pero bago umalis, nagpa-picture muna kina Ash at Mike.

"Pagod ka na ba?" tanong ni Mike nang mapansing nagpapahid ng pawis si Ash.

The Heart of Healthcare (Probinsya series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon