Chapter 12

4K 134 4
                                    


Chapter 12

Sa dami ng stories ko, hindi ko na alam kung connected pa ba sila sa isa't isa pero kung bubusiin, mabubutasan ako neto sa time frame kaya walang date e. Di rin sila nagbi-birthday. 😂😂😂

Unedited...

"After two days pa ang result ng biopsy, Mike," sabi ng doktorang kakilala ni Mike.

"Thank you, Joylyn," pasalamat ni Mike sa kaibigang nakilala sa med school.

"Girlfriend mo? Ganda a," sabi ni Joylyn na napatingin kay Ash. Babae siya pero nang maghubad ng damit si Ash at makita niya ang dibdib nito, speechless siya. Napakakinis at pinkish pa ang nipple nito.

"Ah—" Hindi niya alam ang isasagot.

"Okay lang 'yon, secret lang natin," sabi ni Joylyn at nginitian si Mike. "Biyudo ka rin naman, kailangan mo rin ng makakaramay sa buhay. Isa pa, ang ganda niya."

Napakamot si Mike sa batok dahil sa kawalan ng isasagot. Less talk, less mistakes kumbaga.

"Doc?" tawag ni Ash nang lumapit.

"Are you okay?" tanong ni Mike.

"Yup. Babalik pa ba ako sa RHU?"

"Huwag na," sagot ni Mike.

"Salamat po, Doc Joylyn," pasalamat ni Ash at matamis na nginitian ang mabait na doktora.

"Alis na kami, Joy," paalam ni Mike. Napansin niyang napapatingin sa kanila ang nurses at ibang pasyente na nakakasalubong sa labas ng OPD.

"Di ba siya ang pinakaguwapong doktor sa UPI?" narinig na tanong ni Ash nang makasalubong ang dalawang nurse na papasok.

"Yata. Guwapo pala niya talaga," puno ng paghangang sagot ng kasama.

"Dami mong fans a," bulong ni Ash nang malapit na sila sa sasakyan. Mukhang kilalang-kilala si Dok Mike sa kanilang lugar. Kung sabagay, ang pogi kasi nito at straight pa.

"Selos ka, bata?" biro ni Mike.

"Bakit naman, tanda? Hindi ako selosa, 'no? Isa pa, wala namang tayo," tanggi ni Ash at sumakay matapos pagbuksan ng pinto ni Mike. Wow, gentleman nito ngayon a. Unlike dati na bahala siya sa sarili kung sasakay o hindi.

"Wala ba?" nakadungaw na tanong ni Mike habang hawak ang pinto ng kotse. "Wala bang tayo, bata?"

"Ewan ko sa 'yo, tanda!" nakalabing sagot ni Ash.  Isinara ni Mike ang pintuan at pumasok sa driver's seat at nagmaneho pauwi sa bahay.

"Huwag ka munang maligo sa loob ng 24 oras at bawal ka ring magbuhat ng mabibigat na bagay, okay?" bilin ni Mike at napasulyap sa dalaga. "Sana non-cancerous siya."

"Sana," puno ng pag-asang sabi ni Ash. "Doc? Huwag mong ipaalam kina Daddy ha."

"Anong huwag. Dapat lang na malamab nila."

"Ayaw ko, tanda. Paniguradong magpa-panic sina Daddy at Kuya. Si Mommy, okay lang e."

"Eh 'di sa mommy mo na lang natin ipaalam."

"Ayaw ko talagang mag-alala sila."

"Pero Ash, kailangan nilang malaman."

"Kina Kuya Sky na lang pero ayaw kong pumunta sila," sabi niya at napatingin sa mga taong may ikinakabit na pisi at nakasabit na makukulay na bagay. "Ano bang meron?"

"Malapit na ang fiesta," sagot ni Mike.

"Hmm? Basta tanda, ayaw kong mau makaalam sa family ko lalo na kay Dad, okay? Dahil kung ipaalam mo, magsusumbong akong may nangyari na sa atin!" pangba-blackmail ng dalaga.

The Heart of Healthcare (Probinsya series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon