Chapter 3

3.4K 133 11
                                    



Chapter 3



Unedited...

"Kaya nga po iwasan natin ang pagkaing bawal sa atin katulad ng matataba at tamang ehersisyo talaga. Maglakad-lakad kayo sa umaga para iwas ang pagbara sa ugat ng puso ninyo," paliwanag ni Mike sa 45 na matabang babae dahil madalas daw na naninikip ng dibdib at diabetic pa.

"Lahat ho ba ng diabetic, tumataas ang blood pressure?" tanong nito.

"Hindi ho lahat," sagot ni Mike. "Meron namang diabetic na normal ang blood pressure. Usually ang high blood ay kumplikasyon lang iyon ng diabetes mo. Prone ka sa heart attack kasi nagiging malapot ang dugo mo gawa nga ng maraming sugar. Imagine, lagyan mo ng maraming asukal ang tubig sa baso, hindi ba't lumalapot? At kapag hindi ka gumalaw o mag-ehersisyo, may tendency na lalapot at babara iyon sa ugat mo kaya ang tendency, hindi na makakadaloy ang dugo sa ugat patungo sa ibang parte ng katawan."

Napasulyap si Mike sa pintuan nang biglang pumasok ang isang pasyente at naupo sa silya.

"Mawalang galang na ho, pakihintay po muna sa labas dahil may pasyente pa ako," pakiusap ni Mike.

"Pasensiya na po, Doc, sabi kasi ng magandang nurse, papasok na ako," paumanhin ng matandang lalaki at lumabas.

"Delikado ho ba 'yon, Doc?" tanong ng babae.

"Yes po. Ang dugo natin ang nagdadala ng oxygen sa buong katawan kaya kapag may nakabara sa ugat, hindi rin makakadaloy ang dugo kaya nawawalan tayo ng oxygen sa puso o ibang parte ng katawan kaya minsan, nakikita ninyong cyanotic o may bluish discoloration na ang isang tao gawa ng kakulangan ng oxygen," paliwanag ni Doctor Mike na mukha ni Ash ang nakikita sa isipan niya. Ang pinakaayaw niya ay ang magpapasok ng pasyente nang hindi p siya tapos sa isa at walang permiso sa kanya. "Matagal din ang healing process ng sugat dahil kailangan ng sugat natin ang oxygen for regeneration."

"Bawal pala akong kumain ng kanin at baboy," sabi nito. Christian ang babae kaya walang problema kung kakain ito ng pork.

"Wala hong bawal," sabi ni Doc Mike. "Limit lang."

Matanong ang babae kaya masinsinang paliwanag din ang ginawa niya. Nang lumabas ito, pinapasok na niya ang matandang lalaki. Pinatawag na rin si Ash na tahimik na nakaupo sa isang sulok.

"Ano ho ang nararamdaman ninyo?" tanong ni King.

"Inuubo ho ako, Doc," sagot ng matanda.

"Ilang araw na po?"

"Tatlong araw na."

Napasulyap si Mike kay Ash nang tumunog ang cellphone nito pero agad naman nitong pinatay.

"May plema ho ba o wala?"

"May plema po," sagot nito.

"Ano ang kulay?"

"Green po."

Tumayo si Mike at kinuh ang stethoscope saka pumunta sa likod ng matanda saka pinahinga nang malalim pero ang mga mata ay kay Ash na nagce-cellphone.

"Bibigyan kita ng resita po, antibiotic  Good for seven days po ito," sabi ni Mike habang nagsusulat ng gamot. "Tsaka inom ho kayo nang maraming tubig. Kapag hindi mawala, bumalik ka rito."

Nang lumabas ang matanda, tumayo su Mike at isinara ang pinto kaya napatingin si Ash.

"Pinatawag ho ninyo ako, Doc?" tanong ng dalaga.

"Ikaw ang nagpapasok kay Tatang?"

"Yes po."

"Alam mo bang may pasyente pa ako?"

The Heart of Healthcare (Probinsya series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon