Chapter 34
Unedited...
"Mike! Mabuti at napadalaw ka. Aba, 'yan na ba ang mapangasawa mo?" masayang tanong ni Grace Villanueva na tiyahin ni Mike. Ang aga pa ng magkasintahan na dumating dito sa Sultan, Kudarat. Alas sais pa lang ng umaga at hindi pa naluto ang lahat ng niluluto niya.
"Yes po, Tita. Si Ash po," magalang na sagot ni Mike saka humalik sa pisngi sa kapatid ng ama. "Bata, tita ko pala, asawa ng kapatid ni Tatay," pagpakilala ni Mike.
"Magandang araw po," magalang na bati ni Ash at humalik sa pisngi ni Grace.
"Naku, ang baho ko pa. Pasensiya ka na, kakagaling ko lang sa simbahan kaya amoy pawis."
"Mabango pa naman po kayo," magalang na sagot ni Ash.
"Naks, ang galing talagang pumili ng pamangkin ko. Ang gandang bata nitong si Ash," puri ni Grace na hindi inaalis ang mga mata sa mukha ng dalaga. "Grabe, para kang anghel. Totoo nga talaga ang anghel sa lupa."
"Matunaw ang fiancée ko sa mga titig mo, Tita Grace," biro ni Mike at inakbayan si Ash. "Sina Sandara po?"
"Insan!" tili ni Sonia nang lumabas. "Woah! 'Yan na ba ang mapapangasawa mo?"
"Si Ash pala. Ash, si Sonia Balaogan, pinsan ko. Anak siya ni Tita Grace."
"Ah, hello po," magalang na bati ni Ash.
"Sa bahay na kayo tumuloy," sabi ni Sonia. "Kami lang ng anak ko ang nandoon."
"Tumigil ka nga," saway ni Grace sa anak. "Kasya pa sila rito sa bahay. Pasok kayo."
"Sige, kami na lang ang matutulog dito para makasama ko ang pinsan kong 'to. Miss ko na si Mike e," sabi ni Sonia na hindi rin maalis-alis ang mga mata kay Ashtray Czarina. "Grabe talaga ang karisma mo, 'insan. Akalain mo 'yon, nakabingwit ka ng dyosa?"
"Ako pa ba?" proud na sabi ni Mike. "Pasok na nga tayo."
Nang makapasok sila, agad na binigyan sila ng tubig ni Grace.
"Papunta na sina Sandara at Chelle," sabi ni Sonia matapos tawagan ang dalawang kapatid. "Mga five minutes na lang daw."
"Nagugutom na ba kayo?" tanong ni Grace. "Malapit nang maluto ang inihanda ko."
"Busog pa po kami," sagot ni Ash. Bungalow ang bahay nila at gawa sa kawayan ang dingding pero semento naman ang sahig. Malinis sa loob ng bahay at kahit gawa sa kahoy at kawayan ang mga gamit ay napakaayos tingnan.
"Pasensiya ka na sa bahay namin," paumanhin ni Grace nang mapansing nag-iikot ang mga mata ni Ash. Sa kutis, pananamit at kilos, halatang mayaman talaga ang mapapangasawa ng pamangkin niya. Parang nanliliit tuloy siya.
"Maganda po," sabi ni Ash. "Malamig at maaliwalas tingnan ang bahay tapos ang dami mo pa pong tanim na orchids at bulaklak sa labas."
"Mahilig talaga si Mama na magtanim ng mga bulaklak lalo na nang namatay si Papa," sabat ni Sonia.
"Mike? Mike?" tawag ni Chelle na papasok. "Waah! Pinsan!" tili nito at niyakap si Mike nang salubungin sila.
"Mike!" masiglang bati ni Sandara skaa nakiyakap din sabay hampas sa balikat ni Mike.
"Ikakasal ka na pala! Totoo pala ang tsismis na may girlfriend ka na! Ne hindi mo man lang kami in-inform!" nagtatampong sabi ni Sandara.
"Saan na ba ang mapapangasawa mo?" tanong ni Chelle Alfon at napatingin sa magandang babaeng nakaupo sa sofa. "Hala, siya ba? Bakit ang ganda?"
"Oo," sagot ni Mike at lumapit kina Ash.
"Bata, sina Chelle Alfon at Sandara Dizon, mga pinsan ko rin, anak ni Tita Grace," pagpakilala ni Mike.
![](https://img.wattpad.com/cover/233304937-288-k873163.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heart of Healthcare (Probinsya series 1)
Roman d'amourAshtray Czarina, RN. Isang nurse na walang hinangad kundi makapunta sa US para doon na manirahan pero dahil kailangan muna niya ng 2-year experience, pinadala siya ng parents sa Upi, Maguindanao para magtrabaho sa RHU sa ilalim ng programa ng DOH. D...