Chapter 16
Portrayer:


Unedited...
"Miss Rhea Cleah, kapag sabihin po nating ulcer, hindi lang po siya sa stomach kundi pati na rin po sa small intestine natin. Ang sa 'yo ay sa stomach kaya tawag diyan eh gastric ulcer," paliwanag ni Mike na nasa consultation room na dahil baka mag-away na naman sila ni Ash. At least kapag nandito siya, hindi na nito nababantayan ang galaw niya.
"Pero bakit naninikip po ang dibdib ko at nasusuka ako? May sakit din ba ako sa puso?" nag-aalalang tanong ni Rhea Cleah.
Napasulyap si Mike sa pintuan nang pumasok si Ash na bitbit ang dalawang bote ng mineral water.
"Heartburn po ang tawag diyan. Usually after mong kumakain ay sumasakit at kapag mahiga ka dahil sa acid reflux. Yung stomach acid mo flows back up into esophagus kaya kapag makaramdam ka ng chest pain, huwag kang mahiga. Dapat nakatayo o nakaupo ka para hindi masuka."
"Bakit nasusuka kapag nakahiga?" curious na tanong ni Rhea Cleah.
"Pahiram ako ng mineral water, Ash," pakiusap ni Mike kaya lumapit si Ash at binuksan ang isang hawak na mineral water at ininom hanggang mangalahati ang laman saka ibinigay kay Mike.
"Here. Example, katawan natin itong bote," sabi ni Mike at ipinatayo sa mesa ang boteng hawak na may kalahating tubig. "Ito ang nangyayari sa fluids sa katawan natin kapag nakatayo o nakaupo tayo."

Napataas ang kilay ni Ash. Ilang beses na ba niyang narinig ang ganitong explanation at paulit-ulit na lang pero mas natuunan niya ng pansin ang cleavage ng pasyente habang nakaharap kay Mike.
"Eh 'di siya na may dede!" bulong niya na nakasimangot at sinamaan ng tingin si Mike. Subukan lang talaga nitong tumingin sa dibdib ng pasyente at lilipad talaga ang boteng hawak niya sa ulo nito.
"Kapag nakahiga naman tayo, ito ang mangyayari sa fluids sa katawan natin," sabi ni Mike at tinanggal ang takip at pinahiga ang bote kaya umawas ang kalahating laman nito.

"See? Kaya tayo nasusuka at dahil may acid siyang kasama, nagagasgasan at sumasakit din ang lalamunan natin."
Pasimpleng sinulyapan niya si Ash na nakatingin sa kanya kaya hindi na siya nakipag-eye to eye sa pasyente. Bakit parang galit na tigre na naman ang mukha nito?
"Salamat po, Doc," pasalamat ni Rhea Cleah.
"Basta inumin mo na lang ang Omeprazole 30 minutes bago ka kumain," dagdag ni Mike. "And please, iwasan mo talaga ang pag-inom ng kape."
"Gatas na lang po, Doc?"
"No," sagot ni Mike. "Bawal din gatas. It causes your stomach to produce more acid and digestive juices. I suggest na mag-tubig ka na lang talaga at wag mag-skip ng meal dahil kapag walang laman ang stomach mo, ang tissue sa lining ng stomach mo ang ida-digest ng digestive juices which can cause ulcer."
"Goodbye, coffee! Goodbye, diet!" nanlulumong sabi ni Rhea at humarap kay Mike. "Salamat po, Dok!" Humarap siya kay Ash. "Salamat din, beautiful nurse."
"Welcome po," magalang na sagot ni Ash. "Sige po, lalabas ka na? Hatid na kita."
"Naku, wag na," tanggi ni Rhea at lumabas na sa consultation room.
"Ba't nakasimangot ka na naman, bata?" tanong ni Mike.
"Kailangan ba talaga ipakita ang cleavage niya?"
BINABASA MO ANG
The Heart of Healthcare (Probinsya series 1)
RomanceAshtray Czarina, RN. Isang nurse na walang hinangad kundi makapunta sa US para doon na manirahan pero dahil kailangan muna niya ng 2-year experience, pinadala siya ng parents sa Upi, Maguindanao para magtrabaho sa RHU sa ilalim ng programa ng DOH. D...