Unedited...
Chapter 7
Port:


Unedited...
"Good morning, Doc!" bati ni Ayesha nang pumasok sila ni Ash.
"Morning," bati ni Mike at muling sinulyapan ang mga nakapila sa labas.
"Kain muna tayo, Doc, nagluto ang lola ko ng pancit," yaya ni Ayesha kaya napangiwi si Ash.
"Magpa-pancit ka? Naku, toxic tayo niyan," sabat ni Ash na ikinalingon ni Mike. "Bawal magpa-pancit o spaghetti sa duty, ang toxic niyan."
"Kahit walang pansit, toxic ka naman talaga," sabat ni Doctor Mike na ikinatawa ni Ayesha.
"Tama, Doc! Alam mo naman, marami ang nagpapa-checkup dahil sa magandang nurse," pagsang-ayon ni Ayesha.
"Maganda ka rin naman ah!" nakangusong sabi ni Ash. Black beauty lang si Ash pero ang ganda neto. "Dalagang-dalagang pilipina ka nga e."
Siya mestisa pero si Ayesha, morena kaya para silang kape't gatas kapag magsama. Minsan naiinis siya dahil sa sobrang kaputian.
"Kain ka muna, Doc, may nilagay ako sa table mo. May fifteen minutes ka pa naman."
"Okay," pagpayag ni Doc Mike. Pedia day sila ngayon at marami ang babakunahan nila kaya kailangan nila ng maraming energy.
Kumain muna sila saka binuksan na ang clinic.
"Good morning! Ano po ang problema kay baby?" tanong ni Ash habang kumukuha ng timbang ng bata matapos ilagay ang thermometer sa kili-kili nito.
"Matigas ang dumi niya tapos medyo maitim e. Natatakot ako," sagot ng babae. "Tapos orange na orange ang kulay ng ihi niya. May problema ba siya?"
"Umiinom ho ba siya ng ferrous sulfate o iron?" tanong ni Ash.
"Oo, may iniinom siya," sagot ng nanay ng tatlong taong gulang.
"Side effect po talaga ang black or tarry stool, constipation and dark urine kapag nagte-take ng ferrous sulfate," sagot ni Ash. "Inom na lang po siya nang maraming tubig. Ang problema ho natin is obese si Baby."
"Hindi ba normal lang ang ganito?"
"Hindi po lahat ng matataba ay healthy at hindi lahat ng payat ay sakitin," sagot ni Ash at nginitian ang nanay.
"Hihingi sana kami ng vitamins na bagay kay Baby at gamot na rin dahil inuubo siya ng two days na."
"Pa-checkup po natin si Baby kay Doc para mabigyan siya ng vitamins at gamot."
Matapos niyang fill-up-an ang form, ipinasa na niya kay Mike ang bata.
"For consultation ba talaga 'to?" tanong ni Mike.
"Yes naman. Inuubo po e."
"Anong kulay ng plema?"
"Ha?"
"Kulay ng plema ng bata? Sabi mo inuubo?"
"H—Hindi ko po natanong," nahihiyang pag-amin niya. Ang dami kayang pasyente.
Iniwas niya ang mga mata nang titigan siya ni Doc Mike na para bang nais iparating na mali na naman siya.
"Papasukin mo, bata!" sabi ni Doc Mike.
"Bakit ba bata, tanda?"
"Tanda?" ulit ni Mike. "Sino sa atin ang matanda? Eh, hindi mo nga nagagawa nang maayos ang trabaho mo."
![](https://img.wattpad.com/cover/233304937-288-k873163.jpg)
BINABASA MO ANG
The Heart of Healthcare (Probinsya series 1)
RomanceAshtray Czarina, RN. Isang nurse na walang hinangad kundi makapunta sa US para doon na manirahan pero dahil kailangan muna niya ng 2-year experience, pinadala siya ng parents sa Upi, Maguindanao para magtrabaho sa RHU sa ilalim ng programa ng DOH. D...