Chapter 17
Unedited...
"Ash—"
Hindi pa siya tapos pero tumakbo na ito papasok sa loob ng bahay kaya isinara niya ang pinto ng sasakyan at sinundan ito sa loob.
"Huwag kang tumakbo!" saway niya nang nasa hagdan na ito kaya biglaang tumigil ito sa pagtakbo pero nagmamadaling umakyat kaya siya naman ang tumakbo para mahabol ang dalaga.
"Ash!" tawag niya saka hinapit sa bewang kaya automatic na napabalik ang dalaga. "Ano ba ang nangyayari?"
"N—Naiihi na ako," pagdadahilan ni Ash.
"Liar!" sabi niya. "Iniiwasan mo ba ako?
"H—Hindi a, iihi na ako," tanggi ni Ash.
"Hindi? Eh ano ang tawag mo sa ginagawa mo?"
"Dok naman, hindi nga ako tumatakbo!" tanggi niya kaya pinakawalan siya ni Mike at hinawakan sa magkabilang balikat.
"Nahihiya ka ba dahil inamin mong crush mo ako?"
Paunti-unting namula ang magkabilang pisngi ni Ash.
"H—Hindi mo kasi ako naintidihan, Dok!"
Natawa si Mike at mahigpit na niyakap si Ash saka hinaplos ang likod nito.
"Muyot to beem(Gusto kita.") sabi ni Mike.
"Ha?"
"Te mayan nu beem( umiibig ako sa 'yo.)" seryosong wika ni Mike.
"Hindi kita maintin—"
"Mahal kita, bata!" diretsahang pag-amin ni Mike habang nakatitig sa mga mata ni Ash. "Mahal na kita kaya kahit na lumampas pa sa pagiging crush ang nararamdaman mo sa akin, wala talagang problema."
"D—Doc," usal niya. "S—Sandali..."
"Bakit?" nagtatakang tanong niya.
"Waaaaaah!" malakas na tili ni Ash saka niyakap siya. "Totoo? Lablab mo 'ko?"
Natawa si Mike at niyakap din ang dalaga.
"Oo, totoo."
Lumayo si Ash kay Mike para makita niya ang mukha ni Mike.
"Totoo bang—uhmp!"
Tinakpan na ni Mike ang mga labi niya para hindi na maingay sabay patulak palapit sa kama.
Napaupo si Ash sa kama sabay higa pero magkadikit pa rin ang mga labi nila.
"Stop talking, Ash," bulong ni Mike nang tumigil saka hinubad ang tshirt. "Kanina pa ako nanggigigil sa 'yo."
"D—Dok..." Kinakabahan siya. Mas kinakabahan pa nga siya ngayon kaysa noong firstime nilang gawin iyon. Pakiramdam niya, virgin pa siya ngayon.
Namilog ang mga mata niya nang maramdaman ang mainit na dila ni Mike sa kanang dibdib niya.
"H—Hala," aniya na hindi makapaniwala. Nahubaran na pala siya ni Mike, hindi pa niya napansin.
Tumayo si Mike saka hinubad ang natitirang saplot.Tila napako ang mga mata niya sa gitna ng hita ni Mike. Napalunok siya ng laway nang makita ang tinatago nitong armas. Tayong-tayo at mamula-mula pa ang dulo ng ulo nito.
Muling pumatong si Mike sa kanya at ipinuwesto ang sarili sa ibabaw ng dalaga.
"Dok?"
"Are you ready?" nang-aakit na tanong ni Mike at hinalikan siya sa leeg. "Bata?"
BINABASA MO ANG
The Heart of Healthcare (Probinsya series 1)
RomanceAshtray Czarina, RN. Isang nurse na walang hinangad kundi makapunta sa US para doon na manirahan pero dahil kailangan muna niya ng 2-year experience, pinadala siya ng parents sa Upi, Maguindanao para magtrabaho sa RHU sa ilalim ng programa ng DOH. D...