ICE'S POV
Nagising na naman ako dahil sa isang sigaw."HOLY SHIT!" sigaw ni Nicole
napabuntong hininga ako bago tumingin sa babaeng katabi ko. Tulog mantika kasi tong si Ace kaya hindi nagigising, eh.
Hindi na ako nagulat ng ibato nya ang alarm clock dahil sa maingay na tunog nito. Araw araw nya namang ginagawa yun.
"Ace." kinalabit ko sya pero ayaw nyang gumising. Kiniliti ko na sya pero ayaw nya padin.
"Bahala na si batman." bulong ko sa sarili ko at yumakap sa kanya. Lahat ng bigat ko ay binigay ko sa kanya para magising sya. Hindi naman ako nagkamali dahil tinutulak nya na ako
"Ano ba!" sinipa nya ako ng malakas kaya muntik na akong mahulog sa kama
"P*ta."
"Tsk." nagtalukbong sya at natulog ulit
"Yayakapin kita kapag hindi ka pa gumising." banta ko sa kanya.
"Bwisit ka!" tumayo na sya at dumiretso sa CR
Nasa dining area na kaming lahat at kumakain pero ini-interview pa nila sila Macey at Aki"Kayo na ba talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Blare
"Oo nga, kayo na?" tanong rin ni Charles"Baka naman fake new lang tong si Nicole." mabilis na sinamaan ng tingin ni Nicole si Nate
"Anong fake news?" mataray na tanong nito "Totoo yun. May tawagan na nga sila eh tapos magkayakap pa." nasamid si Macey dahil sa sinabi nya.
"Amp, walang forever." komento ni Blare
"Malay mo nagkataon lang." pagtatanggol ni Nate sa dalawa. Kaming apat lang nila Sky, Shin, at Ace ang tahimik na kumakain.
"Macey, kayo na ba talaga?" natahimik sila sa tanong ni shin. Lahat kami ay napatingin sa kanilang dalawa. Kahit naman nakatahimik lang ako, eh, gusto ko paring malaman kung sila na ba talaga.
"No! Fake news lang yang si Nicole. Nagulat nga lang din ako na ganun na position namin eh." mabilis na tanggi ni Macey
"Oo nga, nagkakalat ng fake news." dagdag ni Aki
"Sabi na eh, fake news lang." kibit balikat na sabi ni Nate
"Akala ko lang naman, eh." inirapan ni Nicole si Nate
Pagkatapos naming kumain ay pumasok na kami. Sumabay si Ace sa kotse ko kaya kaming dalawa na naman ang magkasama
"Bakit sakin ka sumabay?" tanong ko sa kanya. Ewan ko ba pero kapag kaming dalawa ang mag kasama gusto ko lagi kaming may pinag uusapan. Nagiging madaldal tuloy ako, tsk.
"Ayaw mo ba? Bababa nalang ako."
"Tinanong ko lang." wala ng nag salita samin hanggang makarating kami sa school. Pagbaba palang namin pinagkaguluhan na agad kami, nakita ko pa ang masamang tingin ng grupo nila Jade kila Ace. Tsk, subukan nya lang saktan si Ace.

BINABASA MO ANG
Crown Of Love
Teen FictionThe king and Queen story Dahil hindi ko pa magawa ang book 3, side story nalang po muna. Ito po ang POV nila Ace at Ice, dito po natin malalaman kung paano nga ba nabuo ang yelo couple. Book cover by: MizzyFantasia ♡♡♡