11

126 3 1
                                    

Hi guys! Sorry for the slow update. Nawalan kasi ng idea ang utak ko. Nablangko ako T_T. Anyways thank you sa mga nagbabasa nito, love you guys!

***** ACE'S POV *****

"Anong oras?" tanong ni Blare kay Charles. Nandito kami ngayon sa tambayan, pinag-uusapan namin kung paano ang gagawin namin mamaya. Wala dito sila Macey at Aki syempre.

"Lunch nalang. Kakausapin nyo si Macey tapos aayain nyo sa rooftop tapos ganun din gagawin namin kay Aki pero dapat mauna si Aki sa rooftop." tumango kami sa plano ni Charles

"Sure ka bang magbabati sila dyan sa plano mo?" tanong ni Shin

"Uhh." umiwas ang tingin nya samin at nag-isip

"Malakas ang tiwala kong magtatagumpay ang plano ni Charles." inakbayan ni Blare si Charles

"Oo nga, naniniwala rin ako." sabi ni Nate

"Be positive guys." sabi ni Nicole

"Yun lang ba?" tanong ko sa kanila. Inaantok kasi ako

"Oo, pwede ka ng matulog." sagot ni Shin kaya tumayo na ako at dumiretso sa kwartong nandito. Nawili ako kakatingin sa langit kagabi

"Anong ginagawa mo dito?" malamig na tanong ko kay Ice. Sumunod kasi sya sakin dito sa kwarto

"Matutulog rin." hindi na ako umangal ng humiga sya sa tabi ko. Malaki naman ang kama kaya kasya kaming dalawa, may space pa nga.

"Sisipain kita kapag dinaganan mo na naman ako." banta ko sa kanya. Palagi nya nalang kasi akong ginagawang unan.

Hindi na sya sumagot kaya hindi narin ako nag salita. Tuluyan na akong nilamon ng dilim.

–—–

Nagising ako ng maramdaman ko na may yumuyugyog sakin. Bumangon ako at binigyan ng masamang tingin ang taong may gawa nun.

"Anong oras nyo balak gumising? Lunch na kaya." sabi ni Shin. Napatingin ako sa katabi kong kagigising lang din, ginising ni sky

Kinusot ko ang mata ko at tumayo. Dumiretso ako sa kusina dahil naririnig ko na ang ingay nila. Sabay sabay kaming kumain at sabay sabay rin kaming umalis ng tambayan. Sinabi namin kila Macey at Aki na may kanya kanya kaming pupuntahan  pero ang totoo ay sinusundan lang namin sila

"Puntahan na natin si Macey." sabi ni Nicole habang nakatingin kay Macey na nakaupo sa ilalim ng puno

"Maya maya konti. Hayaan muna natin syang mag drama." sabi ni Blare na nakatingin rin kay Macey. Sinulyapan ko saglit si Macey bago pumikit, inaantok pa kasi ako.

"Tara na." hinatak ako ni Shin kaya napadilat ako.

"Hoy babae!" sigaw ni Blare kay Macey

"Ay bakla!" mabilis syang lumingon samin.  "Ano bang problema mo huh? Bakit ka nanggugulat? Gusto mo ng away huh?" maangas na tanong nya kay Blare

"Oo, bakit papalag ka?" maangas rin na sabi ng isa. Inawat sila agad ni Nicole ( inunahan nya ata si Shin ) tapos nag usap sila ( dahil hindi naman ako nagsasalita ) inasar pa nila si Macey

Crown Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon