13

83 3 2
                                    

ACE'S POV 


"Ano yang binabasa mo?" hindi ko pinansin si Ice at nagpatuloy lang sa pagbabasa. Tumabi sya sakin at tiningnan ang binabasa ko pero umalis din sya agad

"Nagbabasa karin pala, akala ko puro tulog lang ang alam mo, eh." tingnan ko lang sya saglit at binalik na ang tingin ko sa libro. Hindi talaga ako mahilig mag basa, saming lima si Shin ang pinaka mahilig mag basa

"Ayaw mo kumain?" hindi ko parin sya pinapansin. Bakit ang daldal nya ngayon?

"Gusto mo bang mag dala nalang ako dito?" this time tumingin na ako sa kanya. Tinitigan ko sya hanggang mailang sya 

"Bakit?" 

"Ang ingay mo." poker face na sabi ko sa kanya. Sasagot na sana sya ng biglang sumulpot si Sky sa pinto ng kwarto namin

"Ml." aya nya kay Ice. Na-adik na kasi sila sa larong yun, kahit sa school nagla-laro sila nun

"Tara." mabilis na kinuha ni Ice ang cellphone nya at lumabas ng kwarto. Inaya din ako ni Sky pero tumanggi ako kaya lumabas narin sya.

Finally! makakapag-basa na ako ng tahimik---

"Ace?" tumingin ako sa pinto ng pumasok si Macey "Hindi ka pa ba-baba?" umiling lang ako sa tanong nya. Wala ako sa mood magsalita ngayong araw

"Anong ako? Ikaw!"

"Hindi ikaw yun!"

Ikaw nga sabi yun, eh!"

"Nag-iingay na sila." mabilis na lumabas si Macey ng kwarto namin at bumaba kaya nag basa na ulit ako. Nasa magandang part na ako ng binabasa ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto namin

"Ice!" napa poker face ako dahil sa lakas ng boses ni Charles. Siguro nasa gubat 'to dati

"Wala." napatingin sya sakin 

"Bakit wala?" 

"Nag ml kasama si Sky." maikling sabi ko. Syempre kailangan ko ng mag salita, hindi naman kami magkaka-intindihan kung hindi ako magsa-salita. Slow pa naman si Charles 

"Iniwan ako! Sabi ko sasali rin ako, eh. Mamaya na nga lang." sabi nya habang lumalabas ng kwarto namin. Baliw talaga, kinakausap ang sarili. 

Nag basa na ulit ako pero maya maya, si Shin naman ang pumasok 

"Na saang part ka na?" tanong nya at pumunta sa likod ng upuan ko

"Maganda yung part na yan! Iiyak silang magka-kaibigan---" naputol ang sasabihin nya ng tingnan ko sya ng masama 

"Shut up." sabi nya at nag mwestra sya na parang may zipper sa bibig nya. Nag basa na ulit ako kaso maya maya ay nag salita na naman sya. Seriously?! Kanina pa ako na s-spoil!

tiningnan ko ulit sya ng masama tsaka ko tinuro yung pinto namin. Halatang ayaw nya pang umalis pero umalis parin naman sya, dapat lang dahil kung hindi sya aalis itutulak ko sya palabas. 

Sakto namang tumunog ang tyan ko pagkatapos kong basahin yung story. Mabilis lang kasi ako mag basa and kahapon ko pa binabasa ang story na galing kay Shin.

Tingnan ko ang book cover ng librong hawak ko at binasa ang title

"The 5 Gangster Queen." sabi ko bago ilapag ang libro sa lamesang katabi ko. Bumaba ako at dumiretso sa kusina para kumuha ng pagkain. 

"Nasaan si Ice?" tanong ko kila Shin na nasa dining area at kumakain na. Nawawala nga rin sila Nicole, Charles at Sky.

"Nasa taas nag m-ml." si Aki ang sumagot sa tanong ko. Mga adik talaga sa ML

Crown Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon