05

168 5 4
                                    

ACE'S POV




"Bati na kayo?"

"Nino?" tanong ko kay Shin. Nasa dining area na kaming lahat, kumakain.

"Ni Ice."

"Kailan ba kami nag-away?" umiling lang sya tapos kumain na ulit

"Mukang may magka-away na naman." nilibot ko ang tigin ko sa mga kaibigan namin dahil sa sinabi ni Shin

"Meron nga." sabi ko habang nakatingin kila Macey at Aki. Kinakausap ni Aki si Macey pero hindi naman sya pinapansin nung isa. Papansinin nya nga pero tipid lang.

"Kawawang mga bata." inalis ko ang tingin ko sa kanila at kumain nalang. Pumasok narin kami pagkatapos naming kumain. Syempre kay Ice na naman ako sumabay.

"Bakit ang aga nyong umuwi kahapon?" tanong ko habang nag dri-drive sya. Nakalimutan ko kasing itanong kahapon

"Si Aki, eh."

"May nangyari ba?" hindi talaga ako matanong na tao pero gusto ko lang malaman kung anong problema ng dalawa

"Hindi ko napansin. Basta may lumapit na babae kay Aki tapos dumating ata si Macey? Tapos umalis. Pagka-alis ni Macey wala na sa practice ang focus ni Aki tapos nag aya na syang umuwi." tumango tango ako sa sinabi nya.

"Sinong babae?" tanong ko pero nag kibit balikat lang sya "Hindi mo alam? Bakit hindi mo alam?"

"Kausap kita, eh. Kapag kausap kita nasayo lang focus ko." napa-face palm ako sa sinabi nya.

"Kausap mo ako ngayon habang nag dri-drive ka, ibig sabihin nasa akin focus mo?" tinaas ko ang kilay ko

"Syempre hati, ayoko namang ma-aksidente tayo. Kapag namatay tayo kawawa ang mga anak natin. Mawawalan ng magulang." muntik na naman akong mabilaukan dahil sa sinabi nya.

"What?! What the hell are you saying?!"

"Ang punto ko lang ayokong ma-aksidente tayo."

"Kailangan mo na ng doctor." umiiling na sabi ko

"Kailangan ko na nga. Tuwing malapit ka bumibilis tibok ng puso ko, eh. Baka atakihin nalang ako bigla." napanganga nalang ako sa sinabi nya. Saan nya napupulot yung mga sinasabi nya?

"Ang corny mo. Sobrang corny mo." sabi ko ng makabawi

"Kinilig ka naman."

"Asa ka." Nag make face ako, yung parang nandidiri para malaman nyang wala akong naramdaman na banat nyang corny.

"Edi hindi. May susunod pa naman."

"Whatever." inirapan ko sya at nag suot nalang ng earphones. Baka kasi bumanat na naman.


----

Pagdating namin sa school kay Shin naka kapit si Macey. Masyado syang halata -_- . Nakipag palit din sya ng upuan kay Nate

"Magka-away ba sila Aki at Macey?" tanong ni Corny boy

"Itanong mo."

"May tanong pa ako?" binigyan ko sya ng what-look

Crown Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon