09

126 4 2
                                    

ACE'S POV


Dalawang araw na ang nakalipas ng iyakan nila ako. Okay naman na, nag usap na kaming lahat. Nabugbog ko narin si Ice. Ayoko kasing umiiyak ang mga taong mahahalaga sakin lalo na kapag dahil sakin.

"Ang sakit parin ng labi ko." nakasimangot na sabi ni Ice. Nasuntok ko kasi sya sa labi, napalakas ata kaya pumutok

"Anong gusto mong gawin ko?" tamad ko syang tiningnan

"Kiss mo." inirapan ko sya at hindi na pinansin. Sabi na eh, babanat lang sya.

"Ang sungit, ha. Parang walang kasalanan sakin." sinamaan ko sya ng tingin

"Meron nga ba?"

"Wala, sino ba nag sabing meron." bawi nya sa sinabi nya

"Wala ka pala Ice, eh. Under!" singit ni Charles

"Eh kung pagkasyahin kaya kita sa ilalim ng mesa." sabi nya at tinuro ang maliit na lamesang nasa harapan namin

Sabado ngayon, walang pasok kaya nandito kami sa pool side ng bahay namin pwera lang kay Macey na nasa loob ng bahay at nanonood ng cartoons

"Kingina ka Aki, hotdog ko yan!" tumatakbong sabi ni Charles ng biglang kunin ni Aki ang hotdog na nasa plato nya

"Eh, nagugutom na ako eh." sabi ni Aki habang tumatakbo rin. Kumagat sya sa hotdog kaya napatigil si Charles sa pag habol sa kanya. Muka syang nalugi ng limang kumpanya sa hitsura nya

"May sarili ka ng hotdog Charles!" sigaw ni Blare. Silang dalawa ni Shin ang taga ihaw samantalang nasa gilid nila si Nicole na kumakain

"Meron naman talaga akong sariling hotdog pero iba yu—– TANG*N* M*! BASTOS KA TALAGA!" naputol ang sasabihin nya ng sigawan sya ni Blare

"Tapalan nyo nga ng tape ang bibig nyan." iritadong sabi ni Ice

"Ang ibig sabihin ni Blare, Charles pinag ihaw ka nya ng panibagong hotdog." paliwanag ni Nate sa kanya

"Hindi yung hotdog na tinutukoy mo." ismid ni Sky

"Bastos talaga ang bunganga mo Charles, kumuha ka ng tape Aki. Tatapalan ko yang bibig ni Charles." masama ang tingin ni Blare kay Charles

"Grabe naman kayo sakin! Kasalanan ko bang yun ang naisip ko?!"

"Kasalanan mo talaga. Pakboy na to!" sinamaan ng tingin ni Charles si Blare "Anong tinitingin tingin mo? Gusto mong tusukin ko yang mata mo?" kumuha ng stick si Blare at tinuro kay Charles

"Tsk." padabog syang nag lakad papunta sa dulo ng pool at naupo dun.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa lounge chair. Tinapat ko sa araw ang upuan bago humiga ulit, nasa lilim kasi ako kanina

"Anong ginagawa mo?" tanong ni Ice sakin

"Nagpapa-araw hindi ba halata?" sarkastikong sagot ko

"Tsk, kapag ikaw nagka-sun burn." hindi ko na sya sinagot at pumikit nalang

"Dadalhan ko lang ng pagkain si Macey sa loob." narinig kong sabi ni Nicole bago ako tuluyang hatakin ng antok.

Nagising lang ako ng may humawak sa balikat ko, parang may kung ano sa kamay ng humawak sakin kasi mahapdi, eh!

"Damn, ang sakit!" sigaw ko pagka-upo ko. Hinawakan ko ang balikat ko pero sumakit lang lalo.

"Shit! Sabi ko naman kasi sayo magkaka-sun burn ka, eh!" pinayungan ako ni Ice at tiningnan ang balat kong pula na. Kingina naman!

"Bakit hindi  mo ako ginising!" galit na sabi ko

"Gisingin tapos sisipain mo na naman ako." inis rin na sagot nya. Tumingin ako sa mga kaibigan kong naglalaro na sa pool, mga walang hiya! Hindi ako ginising.

Crown Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon