06

131 2 2
                                    

ACE'S POV


"What do you mean?"

"Nothing." tumayo ako at pumunta sa harap ng salamin. This is not an ordinary mirror, nakikita ko mula dito yung mga taong nasa baba pero hindi nila ako nakikita.

"Anong gagawin natin dito?" tumabi sya sakin at pinanood rin ang mga taong nasa baba

"Wala, gusto ko lang bisitahin si Leon." umalis na ako sa harap ng salamin at inubos ang ice tea ko. Binaba ko ang basong wala ng laman sa lamesa at humarap kay Ice "Tara na."

"Aalis na tayo?"

"Gusto mo pa bang mag stay." humalukipkip ako sa harapan nya at tinaasan sya ng kilay

"No."

"Good. Tara na." sumunod sya sakin pag labas ko. Dire-diretso kaming lumabas ng Leon's Bar at pumunta sa parking lot.

"Hi miss." napa hinto kami sa paglalakad ng may humarang samin.

"What?" bored na tanong ko. Wala ako sa mood makipag laro sa mga pangit right now.

"I like you." diretsong sabi nya

"So? I don't care." diretsong sagot ko rin

"Tara na." hinatak ako ni Ice paalis dun pero hinarang na naman nila kami. Mapapa-laban pa ata kami

"Girlfriend mo ba sya, pre? Pahiram naman, saglit lang." nainis ako sa sinabi ng lalaking nasa harapan namin. Anong tingin nya sakin, laruan?

Sinapak ko agad sya sa muka bago pa sya makapag salita ulit. Hindi pa sya nakakabawi sa suntok ko hinawakan ko agad ang ulo nya at tinuhod ko sya sa muka.

"Jerk." tinuhod ko sya sa pinaka-iniingatan nya at sinipa ko ang muka nya. Serves him right.

"BOSS! WAG NYONG PAKAKAWALAN ANG BABAENG YAN!" lumapit samin ang kasamahan ng lalaking wala ng malay ngayon at sabay sabay sumugod

Bago pa ako mahawakan ng dalawang lalaki hinawakan ko na agad sila sa kwelyo at pinag untog. Mabilis silang nawalan ng malay at bumagsak sa sahig. May sumugod na naman kaya mabilis akong umilag sa kamaong tatama sana sa muka ko, hinawakan ko ang pala-pulsuhan nya at umikot ako sa likuran nya.

"Sabihin mo sa Boss mo--" sinipa ko ang likod nya "Gusto ko ng..." sinipa ko sya sa muka pag harap nya sakin "Rematch." sinuntok ko sya pagkatayo nya kaya bumagsak na naman ulit sya but this time hindi na sya nakatayo ulit.

"Fvck." inis na sabi ko ng may magtanggal ng hoodie ko. Humarap ako sa gumawa nun. Nakangisi pa sya habang nakatingin sakin. Lakas ng loob ngumisi sa harapan ko, tanggalin ko muka nya, eh.

Sinipa ko sya sa pinaka-iniingatan nya tsaka ko sya sinuntok. Nawalan sya agad ng malay dahil sa lakas ng suntok ko.

Mabilis kong hinawakan ang tubong tatama sana sakin tsaka ako humarap sa taong hahampasin sana ako.

"Aling buto ang gusto mong mabali?" I ask coldly. Sinipa ko sya sa muka nya kaya nabitawan nya yung tubo. Kinuha ko yung tubo at hinampas sya sa binti. Dumaing sya at napa-luhod. Hinampas ko ulit sya sa balikat, narinig ko pang tumunog ang buto nya.

"Napalakas." nakangising sabi ko tsaka sya sinuntok sa muka. Wala na syang malay ng bumagsak sa sahig.

Paglingon ko kay Ice pinagtutulungan na sya kaya mabilis akong pumunta sa pwesto nya at hinampas ng tubo yung lalaking may hawak na dagger.

Binato ko sa lalaking nasa kaliwa ni Ice yung tubo, sakto namang tumama sa ulo nya kaya nawalan rin sya agad ng malay.

Dalawa nalang ang natitira kaya para mabilis ay sinuntok na namin sila sa muka ng malakas.

Crown Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon