07

132 2 2
                                    

ACE'S POV

"Ang sakit ng ulo ko." sabi ni Charles habang nakadukdok sa lamesa. Kanina pa sya ganyan.

"Patanggal mo." natatawang sabi ni Blare

"Ang ganda ng advice mo grabe. Dinaya mo kasi ako kaya natalo ako." protesta ni Charles habang nakadukdok parin. May hang over, eh

"Dinaya? Huh, baka gusto mo ng isa pa." nakangising sabi ni Blare

"Halimaw ka sa alak! Magka-sakit ka sana! Ang sakit ng ulo ko, tae!" naiiyak na sabi nya

"Palakol lang ang kailangan mo, Charles. Gusto mo ako na mag tanggal?" nang-iinis na sabi ni Blare

"Hindi ka nakakatulong, Blare." inis na sabi ni Charles. Tumawa naman si Blare.

"Oh, kape." naglapag ng Kape si Nate sa harapan ni Charles.

"Akala ko pa naman mananalo ka Charles, yun pala yabang lang." iniinis narin sya ni Aki

"Ikaw kaya makipag inuman! Baka nakaka-limang baso ka palang tulog ka na agad." sabi ni Charles habang nakatingin ng masama kay Aki

"Tama na yan. May pasok pa tayo." awat ni Shin sa kanila

"Parang gusto ko na agad mag lunch." nang-aasar na sabi ni Blare. Sinamaan sya ng tingin ni Charles pero ngumiti lang si Blare.

———

"Magka-kape muna ako guys." naglakad si Charles papunta sa Cafeteria na parang isang zombie.

"Hindi naman pala kaya." tumatawang sabi ni Blare

"Malakas ka ba talagang uminom Blare?" tanong ni Nate sa kanya

"Inborn." sabay sabay na sabi naming apat.

"Pwede ba yun?" tanong ni Sky

"Malakas uminom si Tito Drake at sa tingin namin namana ni Blare yun." paliwanag ni Shin

"Malakas rin naman uminom si dad pero bakit hindi ko namana yun." sabi ni Nate. Humarap si Blare samin kaya naglalakad sya patalikod. Kinindatan ni Blare si Nate bago humarap sa nilalakaran nya pero pag harap nya nabunggo nya si Cathy

"Omygosh! Eww, nadikit ako sa basura!" maarteng sabi nya habang pinapagpagan ang damit

"Omygosh! Eww, nadikit ako sa malandi." ginaya ni Blare ang boses ni Cathy

"How dare you! Ikaw ang malandi dito!" nanlaki ang mata at ilong ni Cathy

"Talaga? Hindi ako na-inform." walang ganang sagot ni Blare

"You bitch! Nagtitimpi lang ako sayo, ah! Akala mo ba hindi ako gumagawa ng plano—— Blah Blah Blah Blah ang ingay mo, alam mo ba yun? Dapat sayo pinapatahimik." hinedbat ni Blare si Cathy pagkatapos sabihin yun. Hindi naman napaghandaan ni Cathy yun kaya bumagsak syang walang malay sa sahig

"Sis!" sabi nila Jade at nilapitan ang walang malay na si Cathy

"Ano haharang kayo? Baka gusto nyong magaya sa maarteng yan." pananakot ni Blare kaya tumabi sila. Ngumisi si Blare bago maglakad kaya sumunod na kami sa kanya. Sayang sa oras ang limang mukang paa na yun.

"Matigas talaga ang bungo ni Blare." amaze na sabi ni Ice

"Oo, gusto mong iuntog kita dun?" tiningnan nya ako na parang sinasabi nya What the hell "Kidding." poker face na sabi ko at nauna ng mag lakad.


––—

Nasa cafeteria na kaming lahat at kasalukuyan nilang ginigising si Charles na natutulog. Kaya naman pala hindi pumasok, nandito natutulog.

Crown Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon