ACE'S POV
"Ace kailan mo balak?" tanong ni Blare sakin
"Next week." sagot ko. Yun lang kasi ang araw na magsasama-sama silang lahat so perfect timing yun para sumugod kami sa kanila
"Hanggang kelan mo ako susubuan?" tanong ni Nicole kay Nate. Nandito kami sa sala nanonood
"Hanggang gumaling ka. Ang kulit mo naman kasi, eh. Sabi ko sayo hintayin mo ako." kinurot ni Nate si Nicole sa pisngi
"Ouch! Wag mo nga akong kinukurot." angal ni Nicole
"Pwede ba sa taas nalang kayo? Hindi ako makapag concentrate sa pinapanood ko dahil sainyo, eh!" bulyaw ni Blare sa kanila
"Ang sungit mo naman ngayon Blare." Charles said
"Manahimik ka dyan!" Blare shouted
"Meron ka ba? Gusto mo ng chocolate?"
"Sige." parang naging maamong pusa si Blare ng marinig nya yung sinabi ni Charles
"Edi kumuha ka!" Charles laugh nonchalantly
"G*g* ka ba?!"
"Eto na nga. eh." Charles said
"Damihan mo!" sigaw nya sa papalayong si Charles. Nag thumbs up lang si Charles at tumakbo na papunta sa kusina
"Ice." tawag ko sa katabi kong wala ng ginawa kundi mag laro buong mag hapon
"Ano?" tanong nya pero yung tingin nya ay nasa screen parin ng cellphone nya
"Ipag-drive mo ako."
"Ano ko driver mo?" masungit na sabi nya.
"Oo." maikling sagot ko
"Ang gwapo ko namang driver." kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Saan nya ba nakukuha lahat ng hangin sa katawan nya?"
"Dami mo ngang fans na puro lamang dagat, eh." sarkastikong sagot ko
"Atleast meron." kibit balikat na sabi nya. Nakakagigil talaga sya minsan
"Ipagdri-drive mo ba ako o hindi?" tumaas ang kilay ko
"Saan ba?" finally binaba nya narin ang cellphone nya
"Sa arena." natahimik sya at tumingin sakin ng matagal
"Ano namang gagawin mo dun? Wala tayong laban."
"Ang dami mong tanong." poker face na sabi ko sa kanya
"Fine. Anong oras?"
"Hapon kaya maligo ka na." kinuha ko sa kamay ang cellphone nya tsaka ko sya tinulak paalis ng upuan. Muntik pa syang masubsub sa sahig buti nalang naagapan nya
"Pftt, anong ginagawa mo Ice?"tanong ni Nate na nagpipigil ng tawa
"Nanghuhuli ata ng palaka si Ice, eh." sabi naman ni Aki. Hindi nya pinansin yung dalawa at sinamaan ako ng tingin pero ngumisi lang ako sa kanya. Umismid sya bago umakyat sa taas.
"May pupuntahan kayo?" tanong ni Shin sakin
"May aayusin lang ako." sabi ko habang nakatingin sa malayo. Kahapon kasi muntik ng lumabas yung mga information namin, mukang kailangan ng mas malakas na virus para hindi na maulit yun
"Anong iniisip mo?" tanong nya sakin
"Wala, kailangan ko si Leon." nakapangalumbabang sabi ko
"Bakit naman?" bulong na tanong nya sakin

BINABASA MO ANG
Crown Of Love
Teen FictionThe king and Queen story Dahil hindi ko pa magawa ang book 3, side story nalang po muna. Ito po ang POV nila Ace at Ice, dito po natin malalaman kung paano nga ba nabuo ang yelo couple. Book cover by: MizzyFantasia ♡♡♡