10

96 4 2
                                    

ICE'S POV

"Magaling ka na?" tanong ko kay Ace

"Hindi pa masyado." sabi ko habang umiinom ng tubig. Nandito kami sa kusinang dalawa.

"Magbabad ka pa sa araw."

"Sige, pag gumaling na 'to." napa face palm sya sa sinabi ko

"Guys, bilis!"napatingin kami ni Ice kay Charles ng bigla syang pumasok sa kusina. Tinutulak nya pa sila Blare

"Ano na naman bang nasa isip mo?" iritang tanong ni Blare

"May plano ako."

"Kapag yan kalokohan na naman susuntukin na talaga kita." banta ni Blare sa kanya

"Hindi, serious 'to."

"Ano nga? Ang dami pang sinabi, eh." masungit na sabi ni Nicole

"Wag nyo kasi akong singitan."  tiningnan nalang namin si Charles dahil sabi nya nga 'wag daw syang singitan

"Bakit nyo ako tinitingnan?" napa hampas sa mesa si Blare dahil sa sinabi ni Charles

"Habaan nyo lang pasensya nyo." sabi ni Nate

"Masusuntok ko na 'to." face palm na sabi ni Blare

"Eto na nga! May plano ako para mag bati sila Macey at Aki." finally sinabi narin ni Charles ang dapat nyang sabihin

"Ano?" tanong ni Shin

"Ikulong natin sa rooftop tapos hayaan natin silang mag-usap." sabi ni Charles habang tumataas baba ang kilay nya

"Muka kang timang." nakatingin si Blare kay Charles na parang sya na ang pinaka weird na tao sa buong mundo

"Yung plano ang bigyan mo ng pansin hindi ako!"

"Muka ka kasing tanga, eh."

"Tumigil nga kayong dalawa. Anyway, maganda yung sinabi ni Charles. Ano sa tingin mo?" bumaling sakin si Shin

"Pwede." maikling sagot ko

"Kailan natin gagawin?" excited na tanong ni Charles

"Bukas." monday na kasi bukas kaya bukas nalang

"Minsan may utak ka rin pala." sabi ni Blare kay Charles

"May utak talaga ako!"

umalis na kami ng kusina dahil nagsimula ng mag bangayan yung dalawa.

"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Macey ng makita kong papalabas sya ng pinto

"May bibilhin lang ako. Sama ka?" tumango ako at nagpahintay sa kanya sa labas. Umakyat ako sa taas para kunin ang wallet ko.

Pagdating ko sa kwarto namin ni Ice nakita ko syang nakatayo habang hawak hawak ang wallet nya kaya mabilis kong hinablot ang wallet nya. Tinatamad kasi akong hanapin yung sakin.

"Pahiram muna." sabi ko at mabilis na bumaba. Habang pababa ay tiningnan ko kung may laman ba ang wallet nya. Mamaya walang laman, eh.

Meron akong nakitang five thousand kaya binulsa ko na ang wallet nya at tumakbo palabas.

"Tara." sabi ko kay Macey paglabas ko

"Sige." nakangiting sabi nya.

Hindi na kami nag motor o kotse dahil trip nya daw mag exercise kaya nag bike kami.

"Saan ka ba pupunta?" tanong ko sa kanya

"Sa Ice cream shop dun sa labas ng village." tumango nalang ako at binilisan na ang pag pedal.

Crown Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon