ICE'S POV
"Pre, daan tayo ng Namsan. Makikipag kita lang ako kay Gail." sabi ni Charles habang nag aayos kami ng mga gamit namin.
"Gail? Sinong gail?" tanong ni Nate
"Basta Gail." natatawang sagot ni Charles
"Pangatlong Gail na yan." singit ni Sky sa usapan nila
"Ako rin may kikitain ako dun." sabi ni Aki na isa pang playboy
"Sino? Baka mamaya bata na naman yan!" sigaw sa kanya ni Nate. Nung nakaraan kasi may nakikipag kita kay Aki tapos pag punta namin bata lang pala -_-
"Hindi na, maganda to tsaka sexy." nandiri kaming apat dahil sa facial expression ni Aki. Ang manyak ng gago!
"Kadiri ka, pre!" maarteng sabi ni Charles
"Don't tell me i-hohotel mo pa? Kapag talaga kayo na karma dahil sa paglalaro nyong yan." umiiling na sabi ni Nate
"Kung ako kasi sayo Nate, sumama ka nalang samin. Magpa-pari ka ba? Sobrang bait mo, pre. O baka naman tama sila? Paasa ka?" inakbayan ni Charles si Nate
"Oo nga Nate, ang bait mo sa mga babae. Yun ba ang style mo para maka kuha ng chicks?" inakbayan rin sya ni Aki
"Tigilan nyo nga akong dalawa. Hindi ako nag pa-paasa ng babae, hindi lang talaga ako gago." tinanggal nya ang pagkaka-akbay ng dalawang ugok
"Mahuli maiwan." tumayo na ako at dinala ang maleta ko sa labas. Tapos na kasi akong mag impake ng nga damit ko.
"Wait lang icey boy!" narinig ko pa ang sigaw ni Charles
"Fvck you! Sabi ko wag mo akong tatawagin ng ganun!" inis na sabi ko
————
Humiwalay muna ako sa kanila dahil gusto kong mag libot mag isa. Nakakasawa naring kasama ang apat na tukmol, lagi nalang muka nila ang nakikita ko.
Habang nag iikot ako may nasagi akong tao. Naka-upo kasi sya kaya hindi ko sya nakita.
"What the!" inis na sabi nung babae at mabilis na tumayo. Muka namang magka-age lang kami. Maganda rin sya tsaka se–– Damn! Nahahawa na ako kila Aki!
"May mata ka ba?!" galit na sigaw nya
"Bakit kasi nakaupo ka dyan." inis na sabi ko sa kanya.
"Nag aayos kaya ako ng sintas ko." tinaasan nya ako ng kilay. Model siguro to. Kahit nagtataray ang ganda parin, eh.
"Bakit kasi dyan ka nag aayos?" iritadong sabi ko
"Bakit kasi dyan ka lumakad?"
"Dapat kasi dun ka sa walang tao."
"Dapat kasi kapag naglalakad ka tumitingin ka sa paligid mo."
"Ace!" napatingin kaming dalawa sa babaeng parating. Ano daw? Ace? Yun ba ang name nya?
"Sino sya?" tinuro ako nung babaeng dumating
"Isang taong di marunong tumingin sa paligid nya. Tara na." kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. Magsasalita palang sana ako kaso umalis na silang dalawa. Umiling nalang ako at bumalik sa mga kaibigan ko. Pasalamat nalang sya at babae sya.
––––––
Naka-uwi na kami sa Pilipinas at underworld agad ang bumungad samin. Pinapupunta na naman kami dun dahil umuwi na daw sa pilipinas ang rank 1. Pa-VIP yang rank 1 na yan, eh! Siguro kaya hindi umuuwi dito dahil natatakot silang matalo namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/233327094-288-k634453.jpg)
BINABASA MO ANG
Crown Of Love
Novela JuvenilThe king and Queen story Dahil hindi ko pa magawa ang book 3, side story nalang po muna. Ito po ang POV nila Ace at Ice, dito po natin malalaman kung paano nga ba nabuo ang yelo couple. Book cover by: MizzyFantasia ♡♡♡