04

141 4 2
                                    

ACE'S POV


Nagising ako dahil sa mabigat na nakadagan sakin. Papatayin ata ako, eh.

Pagdilat ko muka agad ni Ice ang bumungad sakin. Bakit sobrang lapit ng muka nya sakin? Tulog ba to o chuma-chansing lang?

Tinanggal ako ang pagkaka-yakap nya sakin tsaka ko sya sinipa kaya nahulog sya sa kama. Buti nga!

"What the!" mabilis syang tumayo at tumingin sakin "Goodmorning." sarkastikong sabi nya at sinamaan ako ng tingin

"What?" maang na tanong ko

"Tsk." naglakad sya papasok sa banyo kaya hindi ko nalang sya pinansin. Bumaba na kami agad pagkatapos naming gawin ang morning rituals namin.

Mula sa hagdan, rinig agad namin ang ingay nila sa dining area. Kung may malapit lang kaming kapit bahay baka na-baranggay na kami dahil sa ingay nila.


Napatingin sila samin pag pasok namin ng dining area. Kami nalang pala ang kulang.

"Kain na!" sigaw ni Nicole at nauna ng kumain

"Ang takaw mo talaga Nicole." komento ni Macey. Nag asaran pa silang dalawa pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin. Naramdaman kong may nakatingin sakin kaya tumingin ako sa harapan ko.

Tama ang hinala ko, may nakatingin nga sakin... ng masama. Sinamaan ko rin ng tingin si Ice para patas kami.

"Ace, Ice magkaaway ba kayo?" tanong ni Shin saming dalawa

"No." sabay na sagot namin pero nagtiti-tigan parin kami

"Hayaan nyo na, Lq lang yan." sabi ni Sky

"Hala, lovers kayo?" sabay na tanong ni Macey at Aki

"Hell no!" sabay ulit na sagot namin. Bakit ba lagi kaming magka-sabay?

"Indenial pa sila, kumain nalang kayo guys." tumigil na sila sa pang-uusisa samin at kumain nalang. After ilang seconds binawi nya ang tingin nya sakin at kumain na ulit kaya ganun rin ang ginawa ko

********** school ***********

"Takpan mo ako." sabi ko sa katabi ko pero hindi nya ako pinansin

"Ice." tinawag ko ulit sya pero hindi nya parin ako pinapansin

"Okay." hindi ko na sya pinilit dahil halata namang ayaw nya akong pansinin. Umubob nalang ako sa desk ko at nag concentrate para makatulog pero kahit anong gawin ko AYAW! Well, bago to. Hindi ako makatulog.

Umayos nalang ako ng upo dahil hindi rin naman ako makatulog pero pagtingin ko sa lamesa ko may nakaharang na libro. Tsk, kunwari pang ayaw akong pansinin pero nakikinig naman. Tinanggal ko ang libro na nasa lamesa ko at nilapag sa sahig

"What?" tanong ko kay Ice dahil sinamaan nya na naman ako ng tingin. Padabog nyang kinuha ang libro na nasa sahig at hindi na naman ako pinansin. Galit ba sya? Dahil sinipa ko sya paalis ng kama?

Hindi ko nalang di sya pinansin at nakinig nalang sa teacher na nasa harapan kahit lumulutang ang utak ko. Damn, ang hirap mag concentrate!


––––

Malapit ng matapos ang klase kaya nilabas ko na ang phone ko. Ite-text ko si Ice

"Di ako sasabay." wala pang limang minuto ay nag reply na sya. Break siguro nila

Crown Of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon