ACE'S POV
"Nicole!" muntik ng mabasag ang eardrums ko ng sumigaw ng malakas si Blare. Nasa likod ko pa naman sya.
"Nandito kami!" sigaw pabalik ni Nicole na nangagaling sa kusina.
"Kami ng bahala." narinig ko pang sabi ni Shin kay Aki. Pumunta kaming tatlo sa kusina at nakita namin dun sila Nicole at Macey na kumakain. Nagamot narin ni Nicole ang konting sugat ni Macey
"Bakit mo iniiwasan si Aki?" diretsong tanong ni Blare kay Macey. Nabulunan si Macey dahil hindi nya siguro napaghandaan ang tanong ni Blare
"Ginulat mo naman Blare." binigyan ni Nicole ng tubig si Macey
"Dali na, bakit?" atat na tanong ni Blare
"Hindi naman." umiwas ng tingin samin si Macey
"Hindi naman? Talaga?" tumaas ang kilay ni Nicole
"Wala. Hindi." umiling si Macey. Tumingin ako sa mga kaibigan ko at umiling. Hindi magsasabi si Macey kahit pilitin namin sya, hindi pa ngayon. Maybe hindi pa sya handang mag sabi kaya hihintayin nalang namin yung time na kaya nya ng sabihin.
"Nandito lang kami kapag kaya mo ng mag sabi." tinapik ko sya sa balikat bago lumabas ng dining area. Umakyat ako sa kwarto namin at nag bihis pagkatapos ay humiga na ako sa kama namin. Matutulog na sana ako ng tumunog ang tyan ko. Hindi pa nga pala ako nag di-dinner.
"Gutom ka na." tumingin ako kay Ice na nasa paanan ng kama. Kung ibang babae lang siguro ako, malamang tumitili na ako sa abs nyang naka balandra sa harapan ko. Naka topless lang naman sya.
"Halata ba?" binato ko sya ng unan "Mag damit ka nga. Ayokong maka-kita ng buto ngayon." tumaas ang kilay nya sa sinabi ko at umiling bago pumunta sa walk in closet namin. Pag balik nya sa harapan ko naka short at t-shirt na sya.
"May adobo sa baba." sabi nya habang pinupulot ang unan nyang binato ko sa kanya kanina
"Tayo mo nga ako." tinaas ko ang dalawang kamay ko. Tinitigan nya muna ako ng matagal bago ako itayo.
"May iba ka pa bang gusto bukod sa adobo tsaka sakin?" tinitigan ko sya ng matagal dahil sa corny nyang banat. Sa susunod babanatan ko na to
"Suntok? Gusto mo?" bored na tanong ko bago tumayo at iwan sya dun. Pero ng may pumasok sa utak ko ay bumalik ako pero hanggang sa pinto lang
"Tigilan mo kaka-banat... baka mahulog ako." ngumiti ako sa kanya bago bumaba. Nakita ko pang natulala sya sa sinabi ko.
———
Nagising ako sa bagay na pumipisil sa muka ko. Bagay nga ba yun?
Dumilat ako at muka agad ni Ice ang bumungad sakin. Hindi nga bagay ang pumipisil sa muka ko, tao!
Sinamaan ko sya ng tingin kaya binitawan nya nga muka ko
"Bakit mo pinipisil ang muka ko?" kunot noong tanong ko sa kanya
"Para magising ka." mataman ko syang tinitigan.
"Baliw." tumayo na ako sa kama at pumasok sa Cr para gawin ang morning rituals ko.
Nauna na akong bumaba kay Ice dahil ang bagal nya
"Aki, akin yan!" narinig kong sigaw ni Nicole kay Aki?
Pagdating ko sa dining area nagkakagulo sila Nicole at Aki samantalang tinatawanan sila ni Nate. Umupo ako sa tabi ni Shin at nagtanong gamit lang ang tingin ko. Kagabi lang malungkot si Aki bakit parang ang saya nya na ngayon?
"Pinayuhan daw ni Charles na wag ring pansinin si Macey." tumango ako at tumingin sa gawi ni Macey na tahimik habang kumakain. Hindi nya naman kasi makulit si blare dahil kaaway nya si Charles.

BINABASA MO ANG
Crown Of Love
Novela JuvenilThe king and Queen story Dahil hindi ko pa magawa ang book 3, side story nalang po muna. Ito po ang POV nila Ace at Ice, dito po natin malalaman kung paano nga ba nabuo ang yelo couple. Book cover by: MizzyFantasia ♡♡♡