16

64 6 0
                                    

I was 16
While he's 19

We got closer to each other and we really hang out a lot than I hang out with my girl best friends.

And I l've liked you more deeper and it's leveling up to I love you. But I'm scared I'll lose you if I got to tell you.

"Oh shet!! I feel like the food we ate a while ago was going up!!" I shout at the top of my lungs.

Nakasakay kami ngayon sa Vikings at katatapos lang namin kumain ng rice bowl. And I really feel that the rice was going up out of my mouth any time now.

"Close your mouth! Huwag kang mag-kalat rito!" Pabalik niyang sigaw.

Nagawa ko naman ang sinabi niya. Kaya mismong pag-baba namin ay dumiretso ako ng restroom. Halos isuka kona pati ang bituka ko.

Nag-hilamos ako at nag-hugas ng kamay. I dried my face and put light make up before I go out.

I saw him waiting outside the girls restroom. He's handing me a bottled water. Kinuha ko iyon at nilagok ang lahat ng laman.

"Where to next?" I asked.

"Ocean park."

"Di naman halatang mahilig ka sa parks." Panunudyo ko.

"Not me. It's you that wants it. Yssa told me."

"Edi ako na! Tara na nga!" Hinatak ko siya hanggang sa kotse niya.

He's legal age by now. Just right to get driving licence. Nakabili na rin siya ng maayos at magandang kotse niya. Mula 'yon sa ipon niya sa mga International at Local prizes na nakukuha niya dahil sa galing mag-pinta at gumuhit.

"Nakakaumay mag-picture sa'yo." Ungot niya ng maka-ilang beses akong mag-pose bawat lugar na pinupuntahan namin sa loob ng MOP(Manila Ocean Park).

Natawa ako sa kaniya at walang pasabing hinatak palapit sa aquarium. Inagaw ko ang camera at iniakbay ang braso ko sa kaniya. Napilitan pa siyang yumuko dahil sa tangkad niya.

"Aish p'wede ba? Mag-pose ka naman. Para kang poste sa tabi ko eh."

I told him that but didn't expect what he did.

Kinuha niya ang camera sa akin. Ipinatong nito ang ulo sa balikat ko. Niyakap niya ako gamit ang isa niyang braso.

"Smile Ayana."

"Ah..hm.."

Nagulat ako ng kaunti sa sinabi niya pero ngumiti rin agad. We got so many pictures with that position.

Pinag-titinginan na kami ng mga tao kaya inalis kona ang braso niya sa pagkakapulupot sakin. Nagkunwari akong may nakitang maganda sa malayo at tumakbo.

Naisip ko siyang biruin. Nag-tago ako sa likod ng mga tindahan ng headbands at ng mga stuff toys.

Nag-palinga linga siya. Hinahanap ako. Natawa ako sa reaksiyon niyan. Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya tapos nag-pipipipindot doon. Itinapat niya sa tainga niya ang cellphone.

Teka, tinatawagan niya ba'ko? Lutang ata siya. Nasa kaniya bag ko eh haha. Di ko na napigilang matawa at lumabas ng lungga ko.

Parang di niya na alam ang gagawin niya. At nang makita ako ay bigla nalang nag-dilim ang paningin niya.

"Galit kaba sa'kin?"

I pout my lips and make a sad face. Natawa nalang talaga ako habang bumubuntong hininga siya.

He's really affected by my charms.

Lumapit siya sa'kin. Inalis niya ang bag ko sa kaniya at isinukbit sa leeg at braso ko.

My Hopeless Wish (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon