I was 26
While he's 29-
Nagising ako na halos di ko na maimulat ang mata ko.
I felt empty inside me. Wala ako sa ayos na dire-diretso lang sa sink ng banyo ko.
Napatitig ako ng matagal sa salamin. Halata ang mugto kong mga mata. Namumula-mula pa at nagmumukha na'kong singkit.
But all of that was washed out when I remembered what just happened yesterday.
Pumunta ako ng kusina. Medyo masaya ako na wala si Daddy ngayon dito sa bahay habang ganito ang ayos ko. Ayokong nag-aalala si Dad sa akin.
Hindi parin siya nakaka-move on kay Mommy kaya ayoko nang dumagdag pa sa aalalahanin niya.
Nag-timpla ako ng kape at kumuha ng tinapay. Nakaupo ako sa high stool ng kusina habang ang kape at tinapay ay nasa ibabaw ng counter top. Nakatitig lang ako sa harap ko habang ngumunguya ng walang lasang tinapay.
Painom ako ng kape nang may maramdaman akong kamay na gumagapang papuntang tiyan ko. Napa-alis agad ako ng high stool at bumagsak naman ang baso ko sa sahig.
"A-are you okay Hon?"
I didn't replied and just stared at Vlademier who's just standing in front of me.
Napahilot ako sa sentido ko.
Could you calm down Misheal?
I let out a heavy sigh. "I'm sorry. Nagulat lang ako sa'yo."
I unconsciously pick up the broken cup. May maliit na bubog ang pumasok sa daliri ko.
"Ako na diyan Hon."
"No. It's fine." Matigas kong sagot.
Pinisil ko lang ang daliri ko hanggang iluwa nito ang bubog. Ipinunas ko ang dugo sa damit ko at pinag-patuloy ang ginagawa.
'Tsaka ko naalala yung nangyari dati. Nasugatan din ako sa kamay ko no'n dahil sa bubog. Dahil sa mga panahong 'yon sobra akong nasasakta. Maybe it's a sign that i'm this hurting when I got cut my finger with a piece of a shattered glass?
"Hon ako na diyan.." Hawak na ni Vlad ang dustpan at tambo. But I continued.
"Hon let me do it.."
Nag-sisimula na'kong mairita sa ginagawa niya.
"Hon...Misheal let me do this for yo—"
"Edi ikaw gumawa!"
Binitawan ko ang mga bubog sa sahig at tumakbo paakyat sa kuwarto ko. I didn't hesitated to lock the door. I'll still end up opening it for him.
Wala pang ilang minuto nang bumukas na ang pinto ng kuwarto ko. I just stared at him entering my room. Hanggang sa makalapit siya sa akin.
"Hon what happened?.." He tried to reach for my hands but I didn't let him.
"Hon please talk to me...dahil ba 'to sa di ko pag-sundo sa'yo? o dahil sa hindi ako umuwi?"
None of the above. I thought.
"Hon.."
Hinarap ko siya. I see his eyes full of worry.
"I wish it's one of your choices but sadly not."
Nag-bago ang ekspresiyon niya mula sa pag-aalala hanggang sa pagkalito.
"What do you mean?"
Gustong-gusto ko nang sabihin sa kaniya pero di ko kaya. Kahit papaano ay tatay niya parin 'yon.
BINABASA MO ANG
My Hopeless Wish (COMPLETED)
Teen FictionGenre: Romance Book Cover: credits to the owner of the illustration All Rights Reserved 2020