I was 25
While he's 28He introduced me to his family.
—
"Hey it's fine. Don't be nervous. Nasabihan kona sila na pag di sila umayos di nako babalik dito kaya wag ka mag-alala. Blackmailed yung mga 'yon."
Hindi ko alam kung matutuwa ako o kung ano eh.
Pa'no pag blackmailed lang pala sila kaya sila um-ok diba? Hay nako lalo lang akong kinabahan.
"Hon may sakit kaba? Anlamig ng palad mo!"
"Pakiramdam ko lalagnatin talaga ako sa mga sinasabi mo eh!"
Natawa siya sa'kin.
"Hon, di man kita laging nake-kuwento sa kanila. Alam kong magugustuhan ka nila. Chill ka lang okay?"
He flashed an assuring smile. I smiled back and let out a heavy sigh.
"Blad dito ka pala!"
Boses 'yon ng matandang lalaki na kakababa lang ng hagdan nila.
"Andiyan si Vlademier?"
Kasunod no'n ay isang babaeng nasa forties ang mukha.
Hawig ni Vlad ang babae.
"Sila ang mga magulang ko."
Bulong niya sa'kin. I stand up automatically.
"Good morning Ma'am! Sir!"
Natigilan sila sa reaksiyon ko. Kahit ako ay biglang nahiya. Masyado akong oa sa pag-greet kainis. Wrong first impression.
I felt Vlads warm hands on my waist.
Nabawasan ng kauntin ang kaba ko.
"Ma, Pa si Misheal po. Girlfriend ko po."
May kayabangan sa boses niyang sabi.
"Aba binata na ang anak ko ah! Di mo ba 'yan ginayuma at ginawan ng ritwal?"
Tinapik ni Vlad ang kamay ng tatay niyang nakapatong sa balikat niya.
"Pa, kung alam mo lang! Si Misheal may pinainom sakin dati na kakaibang inumin kaya ako nagkagusto sa kaniya. Pakiramdam ko gayuma 'yon eh.."
Tinampal ko kamay niyang nakapulupot sa tiyan ko. Nang tumingin siya sakin ay binigyan ko siya ng masamang tingin.
"Joke lang Hon..ikaw naman di na mabiro. Siyempre ako 'yung nag-bigay sayo diba?"
Napa-irap nalang ako sa pakulo niya.
Inaya na kami ng Tita Vana sa hapag para mag mag-hapunan. Si Tita Vana ang nanay ni Vlad at si tito Jerik ay step father niya.
Ang sabi ay namatay ang tatay niya dahil sa pagod at di na gumising kasunod na umaga.
"Kain ka lang anak, masarap ang mga hinahain kong mga luto dito. Diba Vlad? Jerik?"
Napatango bigla ang dalawa. Natawa ako dahil mukha silang napilitan. Hmm...mga under the saya ah! Haha..
"Sarap nga po! Sa susunod po paturo ako para puwede ko na po lutuan si Vlad sa bahay."
I was startled when Vlad twisted my chair to face him.
"Hon, huwag kana mag-paturo kay mama. Mas masarap ako mag-luto sa kaniya kaya ako nalang okay?"
"Eh mas maganda kung ang mama mo nalang. Girl to girl."
Nalukot ang mukha niya at pasiring na tinignan ang ina.
"Hon ako na nga ang mag-tuturo sa'yo. Marami akong natutunan sa pag-eexchange student ko sa South Korea dati."
BINABASA MO ANG
My Hopeless Wish (COMPLETED)
Teen FictionGenre: Romance Book Cover: credits to the owner of the illustration All Rights Reserved 2020