22

42 6 0
                                    

I was 22
While he's 25

I confess that I love him from the very beginning. But he rejected me because I'm younger than him.

-

"Congrats! You promised you'll still fetch and teach me ha!"

"Oo naman! Malakas ka sa'kin eh!"

Nag-lakad na kami papunta sa car ni Daddy.

Graduation niya na at moving up ko naman. Ang sabi ni Dad ay siya muna ang mag-sisilbi samin ngayon dahil matataas ang nakuha naming grado at nakapasa kami sa lahat ng subjects.

"Dad kanina nadapa ako nung paakyat ako ng stage! That's so embarrassing argh!"

Tinusok ko ng malakas ang chicken wings na niluto ni Daddy at kinagatan ng may inis.

Narinig ko ang mga tawa nila.

"That's okay Princess. Because of that you'll never forget your moving up day!"

"Dad really?"

I said in a sarcastic tone. Pero tinawanan lang nila ako.

"Okay lang 'yun Misheal. Hashtag most unforgettable moment of my whole life!"

Natawa nalang din ako kasi napaka seryoso ng mukha ni Vlad habang sinasabi 'yon.

"Ingat ka mamaya ha? Nasa kabilang table lang siguro kami. Pipilitin ko silang wag mag VIP para mabantayan kita."

May girls night out kasi akong puntahan at si Vlad naman ay may boys night out rin. Nagulat nga kaming pareho nang nakitang same venue ang napili ng mga Ka batch mates namin eh.

Sa sobrang concern niya sa'kin ay isang crop top na jacket ang ipinasuot niya sa'kin at ripped jeans.

I chuckled.

"Vlad no need to do that. I'm a lady now and I can handle myself. Don't worry okay?"

I flashed a reassuring smile.

"Okay basta wag kang iinom ng marami. Kawawa ang kotse ko pag sinukahan mo 'yon." He gave me his deadly glares.

"Oo napo!"

Nang makarating kami sa venue ay namangha ako. Isang high end bar ang napili nila at di ko akalain na ganito kaganda ang mukha niya.

It's my first time ever to go to a bar.

Kami kasi nila Yssa at Maya ay tamang Ice Cream lang eh.

"Be careful okay? Don't drink too much and-"

Pinutol Kona agad ang sasabihin niya. Puro paalala lang 'yon na bawal uminom ng marami. Tumabi sa mga kakilala and whatsoevers.

"Vlad it's fine. Makikita mo naman ako mamaya eh. Puwede Kang lumapit samin pag mukhang napasobra na'ko."

He let out a heavy sigh.

"Okay."

The hard metallic rock music welcomed us as we enter the bar. I saw my batch mates waving at me. Tinapik ko lang si Vlad at tumango naman siya.

"Hi Misheal! Congrats!"

"Congratulations to all of us!"

Pinaupo nila ako sa cruces sofa. Katabi ko si Lay sa kanan at Penny sa kaliwa ko. Si Lay ang isa sa lagi kong nakakasama sa mga group projects. Masaya siya kasama at madaling kausap. Opposite of Penny na nakakasama ko rin pero makulit.

What she wants always what she gets.

Hindi sa sinisiraan ko siya. Hindi kasi siya matulong sa projects pero matataas grades niya. She's the heir of their hotel business.

My Hopeless Wish (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon