PROLOGUE

12 1 0
                                    

"I love you..." I whispered under the thousands of rain that pouring upon my face.

She stopped walking when she heard what I've said. Matagal bago ito lumingon, tila napako na sa kinatatayuan.

Dahan dahan itong lumingon dahilan para mas lalong kumabog nang malakas ang dibdib ko.

Our eyes met.. and I can see the pain through her hazel brown pupils. All the anger, hatred, and disgust she felt for me.

And it hurts..really. Seeing her emotionless infront of me, na para bang wala na itong pake sa kung anumang sasabihin at ipapaliwanag ko.

Tears suddenly began to fall upon my cheeks, kasabay nito ang malakas na buhos nang ulan na tila dinadamayan ako sa pighating nararamdaman.

Mahigpit nitong hawak ang strap ng bag bago ngumisi sa akin, libo libong boltahe naman ang dumaloy sa mga ugat ko nang gawin niya iyon. Hindi ko mawari kung ano ang nasa isip niya ngayon, pero isa lang ang alam ko..

..hindi na siya naniniwala sa akin..

"Mahal? Ako?" Sarkastiko itong tumawa tsaka tumingin sa ibang dereksyon. Nang tumigil ito sa pagtawa ay muli nitong ibinalik ang tingin sa akin, nawala na naman ang kaniyang emosyon, gano'n lang ba talaga kadali para sa kaniya na magpalit nang emosyon sa isang segundo lang? "Tell me, Yurico.. marunong ka ba talagang magmahal? O baka naman kailangan munang tapalan 'yang puso mo ng pera bago ka matuto kung paano magmahal?"

Napayuko ako sa mga salitang binitawan nito. Pilit na isinasaisip na galit lamang ito sa akin kaya niya nasasabi ang mga bagay na iyon sa harapan ko.

Pero sobrang sakit..

Para akong paulit ulit na sinasaksak sa puso habang nagrereplay sa utak ko ang bawat katagang sinabi nito.

Akma akong lalapit dito upang yakapin, dahil sabi niya sa akin, 'yon ang pinakamabisang pangtanggal nang negatibong enerhiya na dumadaloy na katawan niya. Pero hindi pa man ako nakakalapit ay malakas na sampal na ang iginawad niya sa kanang pisngi ko.

Para akong namanhid..

Ramdam ko ang panginginig ng kaniyang kamay nang dumapo ito sa pisngi ko.

"Ang kapal ng mukha mo.." mahina ngunit may tigas nitong sambit. Wala akong ibang nagawa kundi ang tumitig sa kalsadang kinatatayuan ko, dinadama ang bawat patak nang ulan na dumadaloy sa giniginaw ko ng balat.

"Minahal mo ba talaga ako, Yurico?"

Hindi agad ako nakasagot. Alam ko sa sarili ko na may nararamdaman ako kay Scarlet. I love all the things that makes her who she really is, even all those little things she had, I love all of those.

Her flaws and imperfections.. the way she laugh, the way she waved her hand everytime we seperated our ways, and even the things she likes and the thing she hates. That's how I love her..


"Then stop saying you love me if you can't even show nor prove me it was real. Stop fooling around. Stop playing with my feelings. I am also a human, not a stupid robot!" Sigaw nito nang hindi ako makasagot sa kaniyang tanong.

I tried to hold her hands, but she pushed me away.

"I really love you Scarlet.." pabulong na sambit ko dito. Nanghihina na ang buong katawan ko, gustong gusto ko nang sumuko pero ayaw ko, kailangan ko siyang ipaglaban.

"You didn't love me, Yurico. You're a liar, and a liar like you didn't know how to love."

As she said those word to me, she began to walk away again. I tried to call her name but she didn't even dare to put a single glance on me.

She called me a liar.

And that was true..

Because once a upon a time,

There was a princess, who was fooled by her own prince.

She was the princess, and I was her prince.

I said I love you, but I lied.

***

[A/N]

Not edited.

Hello! Sana magustuhan niyo po 'yung story na 'to hehe. *Cross fingers* Leave a comment or just hit the star down there if you like this chapter. Thank you po! Mwa mwa mwa!

(Sorry kung wala pa pong cover, I'm trying my best to create one :>)

Said I love You But I Lie (SILYBIL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon