SCARLET
"Tomorrow is Valentine's Day.. since students aren't that busy and half of them have no classes, I think we should start the campaign."
Napuno ng bulungan ang buong room ni Prof. Azusano. May meeting ngayon ang mga tatakbong officers at siya ang nangangasiwa nito.
Days ago.. I accepted her offer. Dahil nga dito ay napuno ang schedule ko. Gigising ako ng maaga para pumasok, tapos tuwing tanghali ay ipapatawag ako ni Prof. Azusano para sa mga meeting, then pagdating ng hapon ay magpapractice kami para sa show na gaganapin bukas. Pagdating naman ng uwian ay may pinapasukan akong trabaho, mapapabuntong hininga ka na lang talaga sa pagod.
Napalingon ako sa katabi ko nang maramdamang kanina pa tingin ng tingin sa 'kin. Nginitian ako ni Jeizel nang tumingin ako sa kaniya, nasa unahan kami ngayong dalawa habang hawak ang mga flyers na ipamimigay namin bukas sa pangangampanya. Pansin ko ngang kanina pa ito ngiti ng ngiti sa akin, hindi ko na lang pinapansin.
"You may now go to your classes guys, the meeting is now closed." Said Prof. Azusano then waved at us. Nag-alisan na ang iba habang naiwan kaming dalawa ni Jeizel dito, inutusan kaming ayusin ang mga nagulong upuan.
"So.. tatakbo ka rin pa lang President?" Pagkausap nito sa 'kin. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kinakausap ako nito ngayon, nakalimutan niya na ba 'yung nangyari noon sa cafeteria? O baka naman nagpapanggap lang na walang nangyari para makuha ang loob ko?
I nodded in her question while arranging the chairs, ayoko siyang kausap. Masyado siyang plastik. Ipalo ko sa kaniya 'tong upuan na hawak ko e.
"May the best President win?" Muli nitong tanong tsaka nilahad ang kanang kamay sa harap ko. Tinitigan ko lamang ito tsaka inangat ang tingin sa nakangiti niyang mukha. Sa pagkakaalam ko ay nandito kami para ayusin ang mga upuan, pero bakit parang ako lang ang gumagalaw at puro daldal siya d'yan? Ganiyan ba ang kilos ng isang taong gustong maging presidente? Paano niya mapapanatili ang peace and order sa buong University kung upuan nga lang ay hindi na niya maayos?
Binaba nito ang kamay nang mapansing wala akong balak tanggapin ito. Yumuko ito tsaka ngumisi, "Masyado atang mataas ang tingin mo sa sarili mo, paano ka makikipagkamay sa iba kung kapwa kalaban mo ay hindi mo makamayan?" Peke itong tumawa tsaka inangat ang tingin sa 'kin, tinaasan pa ako ng kilay nang hindi ako magpakita ng kahit anong emosyon dito.
Sa totoo lang, pinipigilan ko lang ang sarili kong ihampas sa kaniya ang upuan sa tabi ko. Napipikon na ako pero kailangan kong huminahon, hindi sa lahat ng oras ay kailangang pairalin ang inis ko.
Nagkibit-balikat na lang ako tsaka muling hinile-hilera ang mga upuan, "As much as possible, ayokong madumihan ng kahit anong basura ang kamay ko." Pang-iinsulto ko dito. I saw in my peripheral vision that she clenched her fist, totally embarrassed by what I've said.
"What did you just say?!" Halos pasigaw nitong sabi. Lumingon ako sa pintuan na nakabukas kung may taong dumadaan, mabuti at wala naman, ako kase ang nahihiya para kay Jeizel.
Binaling ko ang tingin dito tsaka binitawan ang upuan na hawak ko, "Stop acting that you like me, Jeizel. We all know what happened at the cafeteria. Nabagok ba 'yang ulo mo at umaakto kang parang walang nangyari?" I arched my right brow after I said that. Halos umusok ang ilong nito sa sobrang galit sa 'kin, ang mga mata nito ay pinanlilisikan na ako.
BINABASA MO ANG
Said I love You But I Lie (SILYBIL)
Teen FictionDo you ever said 'I love you' to someone but it's a lie?