IX

0 0 0
                                    

YURICO

"Damiel!"

"Ma!" Hindi magkandaugagang tawag ko kay Mama. Agad ko itong niyakap nang mahigpit nang makalapit ako sa kaniya. Hinagod ko ang likod nito para tumahan na sa pag-iyak, hindi ko kayang makitang lumuluha ang Ina ko, pati ako ay nasasaktan.

"Ano pong nangyari?" Tanong ko dito nang humiwalay na ito sa pagkakayakap ko. Pinunasan ko ang gilid ng kaniyang kanang mata para mawala ang luha nito.

Humihikbi nitong itinuro ang loob ng kulungan, "A-ang Papa mo.. k-kinulong nila ang Papa mo!" Nanginginig nitong sambit. Hindi ko magawang bitawan si Mama dahil anumang oras ay maaari itong matumba dito sa gilid kalsada. Nilingon ko ang bunso kong kapatid na lalaki tsaka ito sinenyasan, "tulungan mo 'ko, samahan mo muna si Mama dito. Kailangan kong pumasok sa loob." Utos ko dito. Seryoso naman itong tumango na tila naiindtindihan ang nangyayari. Gusto kong maawa sa kapatid ko dahil sa murang edad nito ay nakakaranas na siya ng ganitong buhay. Natatakot din ako dahil hindi ito nagpapakita ng kahit anong emosyon, para lamang itong robot nang lumapit sa amin ni Mama at tinulungang umupo sa gilid.

"Huwag kayong aalis d'yan," matigas na utos ko tsaka tumakbo papasok sa loob. Pinigilan pa ako ng mga pulis ngunit nang magpaliwanag ako ay agad din nila akong pinapasok.

"Pa'!" Malakas kong sigaw nang makita ito sa loob ng kulungan. Nakayuko ito habang nakahawak sa magkabilang gilid ng sensitido.

Inangat nito ang tingin nang marinig ako, "'nak.." mahina at tila nanghihina nitong tawag sa akin.

Lumapit ako dito tsaka nag-aalalang sinilip ang loob. Napahinga ako nang malalim nang makitang wala siyang kasama sa loob ng selda, kahit papaano ay ligtas siya sa kahit anong pambubugbog na nangyayari dito sa loob ng kulungan.

"Anong nangyari Pa?" Wala sa sariling tanong ko.

Muli itong yumuko, tila sumasakit na ang ulo kakapaliwanag, "nagkaroon ng aksidente sa site," panimula nito. Isang construction worker si Papa, habang si Mama naman ay nagtitinda ng bananacue at camotecue sa palengke. Oo, hindi kami mayaman. Nakapag-aral lang ako sa Adamson University dahil sa nakuha kong scholarship bilang photo journalist doon. "..may nagpalit daw ng materyales na ginamit, may espiya daw sa loob ng site at isa ako sa pinagbintanga nila." Dugtong nito.

Napapikit ako sa sobrang gigil. Naramdaman ko ang palad ni Papa na tinapik ang balikat ko para mawala ang galit na nararamdaman ko.

"Kinulong ka nila at pinagbintangan ng wala manlang ebidensya?!" Sigaw ko. Halos umecho ang boses ko sa buong pasilyo.

Umiling ito, "mayroon silang nakuhang ebidensya, kaya ako ang tinuro nila. Pero isang foul play ang nangyari, wala akong kasalanan.."

Huminga ako ng malalim para huminahon, "makakalabas ka d'yan Pa, ako na ang gagawa ng paraan.." mahinang sambit ko. Tumango ito tsaka ako muling tinapik sa balikat.

"May tiwala ako sa 'yo, anak. Pero alagan mo muna ang Mama mo, matanda na kami," bahagya itong tumawa, "lalabas din ang katotohanan.."

Tumango ako sa sinabi nito. Lumabas ako nang stasyong iyon nang tulala, iniisip kung paano ilalabas si Papa sa pesteng kulungang iyon.

Hahanapin ko rin ang tao sa likod kung bakit nangyari kay Papa 'yon.. magbabayad sila..

---

Said I love You But I Lie (SILYBIL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon