SCARLET
"Thank you Scarlet."
I smiled sweetly, "You're welcome Mam, I just did my job."
It's already 3pm nang matapos ako sa trabaho ko. 5hrs na ang nakalipas simula nang magsimula ako sa pagtatrabaho. May papalit na daw sa 'kin kaya p'wede na 'kong umuwi.
Nagpapasalamat ako na mabait ang manager na ito sa 'kin. Hindi 'gaya nung mga chef at iba nitong tauhan sa kusina, ni hindi manlang ako kinakausap.
"You look rich," she commented na para bang kanina niya pa ako pinagmamasdan. "Are you?"
Umiling ako, "No, I'm not." I answered honestly. It's true by the way. Like what I said earlier, It's my parents who's rich. Pinaghirapan nila ang perang 'yon at hindi ako. Hinding-hindi ko aakuin ang yaman nila, tsaka ko lang masasabing mayaman ako kapag sarili ko ng pera ang ginagastos ko.
"Sabi mo sa 'kin kanina, you're still studying. HRM right?" She asked, I only nodded as an answer. "Can you give me your schedule? Para alam ko kung kailan ang duty mo dito."
Kinuha ko sa loob ng bag ko ang schedule ko na nakasingit sa journal ko, binigay ko ito sa kaniya at nakitang tumango-tango ito habang binabasa.
"4pm ang uwian niyo. P'wede ka na siguro ng 5pm to 10pm, is that alright? Kada linggo ang sweldo niyong mga dish washer."
Matapos ang mahabang pag-uusap ay umalis na din ako. Tumawag sa 'kin si Daddy kanina, he said dadalaw siya sa bahay ngayon, kaya ayoko munang umuwi dahil ayoko siyang makita.
Not now.
Bumabalik ang lahat ng masasakit na alaala sa tuwing nakikita ko siya. He and his mistress. Sila ang dahilan kung bakit nag-iisa na ako ngayon.
Hindi ko alam kung saan muna ako pupunta. I don't have bestfriend. Lahat ng kaibigan ko iniwan na 'ko dahil wala na silang kailangan sa 'kin. Simula ng mawalan ako ng pera, nang iwan ako ni Mommy, nang ipagpalit kami ni Daddy, lumayo na sila sa 'kin. Na para bang hindi na ako belong sa grupo nila dahil wala na akong pamilya.
It's cringe how people only need you when you are at your best.
But then I remember Hether.. she was my close friend before. Pero itinulak ko siya palayo sa 'kin, kase akala ko kagaya rin siya ng iba na iiwan ako, kaya inunahan ko na siya at ako na mismo ang lumayo.
Tinanggal ko na 'yon sa isip ko at tinutok na lang ang sarili sa pag-iisip kung anong maganda gawin.
Naisipan kong dumeretso muna sa grocery para mamili. Not for me but for the children I've known.
Kinuha ko 'yung cart tsaka pumasok sa loob ng grocery store. Mabuti na lang at may dala akong pera ngayon, ubos na rin kase ang laman ng credit card ko. Pinambili ko nung napakamahal kong costume at heels na ginamit sa show kagabi.
Kumuha ako ng mga biscuit at juice, pati na rin ng mga delata at instant noodles. Bumili na rin ako ng apat na kilong manok para sa kanila. May mga laruan din akong nakita sa pinakadulo ng grocery kaya kinuha ko na ito. Gusto ko sanang bumili ng mga damit kaso hindi na kaya ng pera ko, malapit ng mabutas ang bulsa ko sa dami nitong kinuha ko.
"Seriously? Toys? May anak ka na ba?"
I immediately turn my head to see who the hell said that.
BINABASA MO ANG
Said I love You But I Lie (SILYBIL)
Teen FictionDo you ever said 'I love you' to someone but it's a lie?