X

0 0 0
                                    

SCARLET

Dalawang linggo..

Gano'n ako katagal nagmukmok sa loob ng kwarto ko.

Para akong timang.. bakit ba ako nagkakaganito?

Hindi ako pumasok. Hindi ko pa kayang makita ang mga mata ng mga estudyanteng iyon na parang hinuhusgahan na ang buong pagkatao ko.

And also, I resigned. Hindi rin ako pumasok doon sa pinagtatrabahuhan ko bilang dishwasher. I sent them my resignation letter a week ago, I just hope they'd understand.

I remember, that day.. Yurico followed me. Narinig ko ang malakas na katok at tawag niya sa pangalan ko noong araw na 'yon. Halos masira na nga niya ang pinto. Pero hindi ako lumabas, I let him suffered.

He doesn't like me, right? He likes Hether.. then why the hell did he followed me? For what?

Noong araw din na 'yon, I saw Hether besides the wall, nagkatinginan kami. I saw her crying, she's probably hurt. But why? Because she saw me with Yuri? I badly want to laugh.. siya na nga ang gusto ni Yurico, hindi ba? Kaya bakit pa siya magseselos sa 'kin?

Kung noong mga panahon pa ito nangyari sa 'min, kung hindi ko lang nakilala si Yurico, baka yakap ko na si Hether ngayon. Baka katabi ko na siya ngayon dito at pinapatahan.

Pero hindi..

We both like the same guy..

Fool me. Hindi dapat ako nahulog sa lalaking 'yon. Kaya ngayon, ako 'tong parang tangang nagmumukmok.

Sa totoo lang, hindi lang naman ako umabsent dahil sa kaniya. Hindi ko alam kung ano pang mukhang maihaharap ko doon pagkatapos nang lahat nang nangyari?

Kaya eto, dalawang linggo.. dalawang linggong malayo sa lahat. Dalawang linggong walang ibang kasama kundi ang sarili ko lang.

I turned off my phone..

Ayokong makatanggap ng kahit anong tawag o text mula sa kanilang lahat. Gusto ko nang katahimikan, nang kapayapaan. 'Yung walang ibang iniisip, ang tanging laman lang ng utak ko ay kung anong next na kdrama ang papanoorin ko, kung anong next na kakainin ko, at kung anong oras ako matutulog pagsapit ng dilim.

Sana sa dalawang linggong pananatili ko dito sa tahimik at walang buhay naming bahay, sana pagpasok ko ay ayos na.

I look at the mirror inside my room. Pinasadahan ko nang tingin ang sarili habang sinusuot ang ID naming kulay black ang lace. Napabuntong hininga na lang ako nang makita ang eyebags kong para ng panda sa sobrang laki, kahit sobrang kapal na ng concealer na nilagay ko ay hindi pa rin kayang takpan. Nakakabadtrip naman!

Sa sobrang irita ay hinayaan ko na lang ito. Nagspray ako ng pabango sa likod ng tenga ko, pati na rin sa pareho kong palapulsahan tsaka ito sinilid sa loob ng aking backpack.

I'm ready..

Ready to face the consequences of my action..

Sa totoo lang, lubos kong pinagsisisihan ang pagtanggap sa alok ni Prof. Azusano. Minsan iniisip ko, kung hindi ko ba tinanggap ang alok niyang iyon ay tuloy tuloy pa rin ang takbo ng tahimik kong buhay? I bet not. Dahil si Yurico, nand'yan pa rin sa paligid.

Said I love You But I Lie (SILYBIL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon