SCARLET
"I will never leave you Scar, even if we are the only person left in this world, I'm always here to hold you hand.."
I felt my heart beats faster after he said that. Parang huminto ang buong universe habang nakatitig sa akin ang medyo singkit at kulay hazel brown niyang mga mata. Ramdam na ramdam ko rin ang mainit na palad niyang nakahawak sa palad ko.
"Y-yuri.. m-may tao.." mahina at naiilang kong bulong. Nakalimutan kong nasa gilid kami ng kalsada ngayon at madaming taong dumadaan, gumagawa kami ng eksena.
Agad akong bumitaw sa pagkakahawak nito tsaka nilingon ang mga taong ang mga mata ay nakatingin sa 'min, tila sinasabi sa isip nila na, "Ano ba 'yang mga batang 'yan! Sa daan pa nagharutan!" Pakiramdam ko ay namula ako dahil doon.
"M-may trabaho pa ako.." nauutal na sabi ko tsaka nauna ng maglakad, nakayuko lang ako at hindi makatingin ng deretso sa kaniya dahil sa hiya. Ni hindi ko nga alam kung sumunod pa ba ito o hindi na!
What was that Scarlet?! Ano 'yung paholding-holding hands na 'yon?! 'Yung pa-"I will never leave you" ha?!
Argh I want to slap myself because of what happened! Gustong gusto ko na lang magpakain sa lupa now na!
Napahinto ako sa paglalakad nang mapansing nandito na ako sa harap ng restaurant na pinapasukan ko, masyadong nagulo ang isip ko kaya hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa pupuntahan ko.
Sa sobrang kaba ay hindi na ako lumingon sa likuran ko kung nandoon pa si Yuri o wala na, hindi ko na narinig ang boses niya pagkatapos nung huli niyang sinabi kaya siguro naman ay hindi na niya ako sinundan 'di ba?
Gayon pa man ay nagtuloy-tuloy na ako sa pagpasok, binati ako nung ilang crew na nakaclose ko na dahil magdadalawang linggo na rin ako dito, nginitian ko rin sila bilang ganti.
Dumeretso ako sa locker area para doon ilagay ang dala kong bag, nagpalit na rin ako ng damit dahil suot ko pa rin ang uniform ng school namin. Nagsuot lang ako ng maong at 'yung dala kong pocket tee-shirt na pinaghalo ang kulay na white at blue.
Pagkatapos nito ay sinuot ko na 'yung puting apron na required talaga tuwing ikaw na ang tao sa kitche. I put my hair in a bun which made the side of my hair fall.
Dumeretso na ako sa kusina para magsimula, naabutan ko pa 'yung kagaya kong dish washer na papalita ko. Nagpunas ito ng kamay sa suot na apron tsaka ngumiti sa 'kin, ngumiti rin ako pabalik tsaka sinabing ako na ang magtutuloy nung hinuhugasan niya since out naman na niya.
Mag-iisang oras na ako sa paghuhugas at napapansin kong padami ito ng padami, kada tapos ko ng isang plato ay maglalapag ulit si Fred ('yung isang waiter na masungit) ng sangkatutak na hugasin mula sa bitbit niyang tray. Gustuhin ko mang magreklamo ay wala akong karapatan, trabaho ko naman 'to kaya pagtitiisan ko na lang.
"Hoy beshie! Nakita mo 'yung gwapo doon sa may bandang dulo? Sa tabi nung bintana?"
"Oh my yes! Kanina ko pa nga rin ito napapansin! Oorder siya ng butter garlic shrimp, then after that oorder ulit ng panibago! Mukha ngang hindi nabubusog e!"
"Oh baka naman nasasarapan sa luto ko?"
Naghagikgikan 'yung dalawang babaeng chef na nasa loob ng kitchen, I don't remember their names but their faces are familiar dahil dito rin sila nagtatrabaho gaya ko. Biglang sumingit sa usapan nila si Fred na nakakunot na naman ang noo sabay patong ng tatlong plato with kutsara't tinidor pa sa lababo kung saan ako naghuhugas! Argh hindi pa ako tapos sa kaninang nilagay niya ay nagdagdah na naman! Pakiramdam ko ay nananadya na ito!
BINABASA MO ANG
Said I love You But I Lie (SILYBIL)
Teen FictionDo you ever said 'I love you' to someone but it's a lie?