SCARLET
I'm late...
Inaasahan ko nang mangyayari 'yon pero iba pa rin talaga kapag actual ka nang sigawan ng propesor mo.
Galit na galit ito sa 'kin na parang napakalaki nang kasalanang nagawa ko. Samantalang ngayon lang naman ako nalate sa tanang buhay ko.
Umupo ako sa isa sa mga bench na nandito court. Hindi ako hinayaang sumali ni Coach Lucil dahil bukod sa late ako, hindi rin ako naka-P.E. uniform. Pinaupo lang niya ako dito pagkatapos pagalitan, sinabi niyang panoorin ko na lang ang ginagawa nilang exercise.
Naramdaman ko ang presensya ni Hether na umupo sa tabi ko, I cam smell her perfume kaya nakilala ko agad 'to kahit hindi ako lumingon. May hawak itong pink na tubigan sa kanang kamay niya noong yumuko ako, "Ayos ka lang?" She suddenly asked. I don't even know why she's here, ni hindi ko nga ito kablock sa kahit anong subject ko, dahil hindi rin naman siya HRM student.
"Bakit naman hindi?" Pagsusungit ko dito. Hindi ko alam kung nakita at narinig niya ang lahat ng nangyari kanina. The way our Professor shouted at me, sa harap ng mga kablock ko ay napahiya ako.
Inabot niya sa 'kin 'yung hawak niyang tubigan pero tinitigan ko lamang iyon. Sa pagkakaalam ko ay hindi na kami close.
Peke itong tumawa tsaka binaba ang inaabot sa 'king tubigan nang hindi ko ito tanggapin. Yumuko ito tsaka malungkot na ngumiti habang pinaglalaruan ang daliri.
Nakakabinging katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa. Sobrang awkward na din kaya tumayo na ako tsaka nagsimulang maglakad. Pero napahinto ako nang bigla itong magsalita.
"You know what Snow? I really hate you for erasing me from your life. I mean, I'm your friend, right? Bestfriend to be exact." Lumingon ako dito at nakitang pinupunasan na nito ang mata gamit ang braso, bahagya itong tumawa kahit alam kong umiiyak ito.
I feel guilty for some reason..
She's right, she was my bestfriend 'before', but that was months ago. And it hurts, really. Seeing her crying right now infront of me, while here I am doing nothing. I badly want to hug her but I can't. I just.. can't.
Tila may humihili sa 'kin palayo sa kaniya para 'wag ko siyang yakapin ngayon. Para ding may bumubulong sa tenga ko at sinasabing iiwanan niya din ako, kaya unahan ko na siya. Para hindi na ako masaktan, para hindi na ako magsisi sa huli..
She looked at me with teary eyes so I looked away. Hindi ko kayang makita siyang nagkakaganiyan dahil sa 'kin.
"I just hope that one day.. you'll welcome me again to your life, and if that happens, I think I'll be the happiest person again in the whole universe." She chuckled while playing with her fingers, "..because my best bestfriend slowly opening her heart again."
Hindi ko na kaya. Parang unti-unting sinasaksak ang puso ko sa tuwing naririnig ko ang nanginginig niyang boses. Nararamdaman ko na ang nagbabadyang luha mula sa mga mata ko kaya agad akong naglakad palayo. Palayo kay Hether, palayo sa mga kablock ko, at palayo sa lahat ng tao.
Bahala na kung hanapin ako mamaya ni Coach, tila namanhid na naman ang buong katawan ko.
Nakarating ako sa gitna ng quadrangle at hindi na alam kung saan pupunta.
BINABASA MO ANG
Said I love You But I Lie (SILYBIL)
Teen FictionDo you ever said 'I love you' to someone but it's a lie?