SCARLET
"Una na po kami mga Sister!" Masiglang sabi ni Yuri sa mga ito habang kumakaway pa.
Kumaway din ako sa mga ito habang hinihila si Yuri sa tenga palabas ng gate. Kung ano-ano pa kaseng kalokohan ang sinasabi niya sa mga bata tungkol sa 'kin.
"Pagbalik namin ako naman ang magluluto! Hindi edible ang luto ng Ate Snow niyo e."
"Ang kapal talaga ng mukha mo," tumatawang sabi ko rin, at nang makalabas na kami ng gate ay umayos na ito ng lakad. Hindi 'gaya kanina na patalikod kung lumakad dahil nakatingin siya sa mga bata, kailangan ko pang hilahin para hindi mauntog sa gate.
Biglang tumunog ang cellphone ko sa aking bulsa kaya kinuha ko ito para sana sagutin.
It was my Dad calling..
Nang makita ko kung sino 'yung tumatawag, agad ko na lang itong pinatay. Napapikit ako ng mariin dahil sa nagbabadyang inis sa dumadaloy sa buong katawan ko.
Masyadong maganda ang nangyari sa araw ko ngayon, and I don't want him to ruin that.
"Bakit hindi mo sinagot?" I looked at Yuri when he asked that. Nakatingin pa ito sa cellphone na hawak ko.
Umiling ako bilang sagot, "Hindi naman importante." Tsaka ito sinilid sa loob ng bulsa ko.
Nagsimula itong maglakad kasabay ako, "Nakita ko, Dad mo 'yon." Hindi ako sumagot at pinagpatuloy lang ang paglalakad. Hindi naman niya dapat malaman ang tungkol doon.
"Bakit ayaw mo sumagot? Ayaw mo na ulit ng yakap ko?"
Napapikit ako dahil sa tanong niyang 'yon na sinamahan pa ng malakas na tawa. Pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko ngayon, parang gusto ko na lang magsuot ng invisibility cloak ni Harry Potter sa mga oras na 'to.
Geez, I really don't want to remember what happened earlier!!
Naalala ko kanina, ako ang unang humiwalay sa yakap niya. Gumaan na ang pakiramdam ko pagkatapos no'n. Mas guminhawa pa nga nung hindi na siya nagsalita tungkol do'n at nanatiling tahimik. Tapos heto, binubuksan na niya ang topic na iniiwasan ko.
"Libre lang naman e, basta 'wag mo na ulit sisipunan ang manggas ng damit ko." He said then chuckled. Gulat akong napatingin sa manggas niya at nakitang may kulay dilaw na mantsa nga doon!
God Scarlet Snow what the hell did you do?!
Umiwas ako nang tingin dito tsaka umakto na parang walang nangyari. Nagsimula na ulit akong maglakad ng mabilis dahil sa sobrang kahihiyan. Naririnig ko pa rin ang malakas niyang tawa kaya mas binilisan ko pa.
Ayoko na. Uuwi na ako. Sana lang ay wala na si Daddy doon pagbalik ko.
May dumaan na jeep sa gilid ko kaya agad ko itong pinara para sumakay, leaving him alone in that road. Narinig ko pa ang sigaw niya na 'wag ko daw siyang iwan pero hindi ko na lang pinansin. Malaki na siya, siguro naman hindi na siya maliligaw sa pag-uwi niya.
Nang makarating ako sa bahay ay tinignan ko muna kung may kotseng nakaparada sa loob ng gate. Umakyat pa ako para masilip ito, buti na lang ay wala. Siguradong nakauwi na si Daddy, alas sais na din kase ng gabi, and knowing him? He doesn't want her mistress to wait for him.
BINABASA MO ANG
Said I love You But I Lie (SILYBIL)
Teen FictionDo you ever said 'I love you' to someone but it's a lie?