SCARLET
"Hoy Snow! Baka naman may balak kang bilisan? Hindi ka prinsesa para hintayin namin."
Napairap na lang ako nang malakas na katukin ng leader naming si Hether ang pinto ng cr kung nasaan ako, kasabay nito ang nakakairita niyang sigaw na para bang laging hinahabol ng tigre.
Mas binagalan ko pa ang pagbibihis para lalo pa siyang mairita. I really like how she gets irritated everytime I did something that opposite from what she said.
Isang kalabog muli sa pinto ang narinig ko kaya hindi ko mapigilang mapangisi.
"Ano na Scarlet Snow?! Magsisimula na 'yung show!"
"One more minute!" I shouted back. Narinig ko ang mga yapak ng sapatos nito na palayo na kaya binilisan ko na ang pag-aayos. Ayoko namang mapahiya kami sa mga manonood ngayong gabi na 'to dahil lang sa kagustuhan kong maasar si Hether.
I put my pink lipstick then smiled at the mirror after.
"Napakaganda mo talaga Scarlet Snow." I compliment at myself before getting my purse.
Lumabas na ako ng cr at bumungad sa 'kin ang mga nagkakagulo kong mga ka-member para sa play namin ngayon. 'Yung assistant leader ni Hether na si Tasha ay may dala-dalang malalaking puno na gawa lamang sa karton, halos hindi na nito makita ang dinadaanan dahil parang mas malaki pa sa kaniya ang hawak niya.
"Anong meron?" Naguguluhang tanong ko sa isa naming ka-member, magulo na rin ang buhok 'gaya nung iba, parang stress na stress na sa buhay.
"Ang Prince Howell mo! Hindi daw makakarating!" Natataranta nitong sigaw tsaka tumakbo palayo.
Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Ni hindi pa nga ito maprocess ng maayos ng utak ko.
Si Howell?! Hindi makakarating?!
Paano na ang show?!
Its already 7:45pm, and the show starts at 8:00! Saan kami makakahanap ng papalit sa role ni Howell sa istorya? Siya lang ang nakakakabisado ng script, ng act, at ng mga emosyon na kailangan do'n!
On the other side, I felt guilty.
Howell is one of my suitor, or should I say fling? But I ghosted him a week ago. Sure he's handsome, but I got bored so I stopped talking to him. He's a basketball player at our University, and a very famous actor at our so-called "Entablado ni Juan or EnJ" also here in University.
We have a very famous visitors tonight, at kinausap kami ng Principal na gumawa ng show bilang pagwelcome sa kanila dito. Si Hether the leader, ang mismong sumulat ng istoryang ip-play 'sana' namin ngayon. Ako at si Howell ang bida, fantasy ang genre, so I'm the princess while he's the prince.
Kaso nasaan siya ngayon?!
Iniwan niya kami!!
"The show will start in 5mins.. be ready actors and actresses."
Parang tumigil ang buong universe nang marinig namin ang announcement ni Kriz, ang president sa student council dito sa University. Ni isa sa 'min walang gumagalaw, para kaming naestatwa sa kinatatayuan dahil hindi alam ang gagawin.
BINABASA MO ANG
Said I love You But I Lie (SILYBIL)
Teen FictionDo you ever said 'I love you' to someone but it's a lie?