XI

1 0 0
                                    

SCARLET

"Bakit ba kayo mga nakacivilian ngayon?"

Sumagot ito habang ang tuon ay nasa camera niyang inaayos, "wala kaming klase," simple at seryoso nitong sagot. Ni hindi manlang tumingin sa 'kin!

Prente lamang itong nakasandal sa poste dito sa waiting shed sa tabi ng garden, kinakalikot ang camera niyang nagkaroon daw nang sira noong hiniram nung kablock niya.  Madali ko lamang itong nakita dahil nasa gilid lang naman ng quadrangle ang garden, napakatangkad niya kaya napansin ko agad.

"E bakit nandito ka?" Pangungulit ko dito.

Nagkibit balikat ito tsaka inangat ang tingin sa 'kin, his brows met, tila nakukulitan na sa dami nang tanong ko.

"Bakit nga?" Ulit ko pa.

Kumamot ito sa ulo tsaka binitawan ang camera na hawak, kita ang iritasyon nito dahil sa akin. Napangisi na lang ako sa kaniyang reaksyon.

"Kahit walang pasok ay nandito ako, photo journalist ako baka lang nakakalimutan mo." Seryoso pa rin nitong sagot. There's a bit sarcasm when he said those. May napapansin akong kakaiba sa kaniya ngayon pero hinayaan ko na lang, ang tanging nasa isip ko muna ay si Hether, kailangan ko siyang mahanap.

"Si Hether? Bakit siya nandito?"

Bumuntong hininga si Yurico sa dami ng tanong ko, "Hindi ko alam, hindi ko na nga siya nakakausap. Kulit!" Muli itong kumamot sa ulo tsaka kinuha 'yung camera, "ano? May tanong ka pa?"

"Wala na! Salamat na lang!" Pasigaw na sabi ko tsaka padabog itong tinalikuran. Para tuloy akong nagmamartsa paalis sa garden. "Kainis napakasungit!" Inis na bulong ko sa sarili. Sarap sabunutan ng lalaking 'yon!

I heard him said "tsk" before I finally get out of that place. I just rolled my eyes and start to find Hether again. Nasaan na ba 'yon?!

As far as I remember.. I saw her wearing only pants and shirt, with envelope on her right hand. What was that for? Kung wala silang klase, anong inasikaso niya rito? Argh! I really hate solving puzzles inside my head!

"Snowy?"

Kumunot ang noo ko tsaka nilingon kung sino man ang tumawag sa akin nang gano'n. There I saw Prof. Azusano while holding her phone with her right hand, slowly she bring down that thing from her right ear, may kausap ata ito kanina sa telepono bago ako makita.

Pero teka, did she just called me.. Snowy? Where did that came from?!

Umiwas ito nang tingin nang makitang nakakunot ang noo ko, "I mean, Ms. Moore.." umiling ito habang hawak ang ulo, "I'm sorry, I'm just tired, kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko."

Dahan dahan akong tumango sa sinabi nito, hindi pa rin nakukumbinsi sa kaniyang palusot. There is just one person who called me that way, and God knows how much I hate that person and I don't want to hear that stupid nickname of mine again.

Could it be--

--no. I'm just an overthinker. That's impossible.

"U-uh.. why did you called me, Prof.?" Tanong ko dito para ibahin ang usapan.

Bumaling ito sa iba bago sumagot, "I just saw you stamping at the ground, you look upset, aren't you?"

"Oh," tumango ako tsaka pekeng tumawa, mukha siguro akong tanga kanina, at lahat nang 'yon ay dahil kay Yurico! Nahahawa ako sa init ng ulo niya! "I'm sorry Prof., I just.. uh.. can't find my friend." Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag, o kung dapat ko pa bang ipaliwanag sa kaniya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Said I love You But I Lie (SILYBIL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon