VIII

0 0 0
                                    

SCARLET

"I said, don't look back!"

Pero huli na ang lahat...

The pictures paced on that screen, I saw all of it.

'Yung picture noong sinundo ako ni Yurico mula sa room namin, noong panahong napasandal ako sa pader dahil sa lapit ng kaniyang mukha sa akin.

Camera trick..

Kitang kita ang mukha ko dito. Pero may mali.. nagmukha akong hinahalikan ni Yurico dito, nakatalikod siya sa camera kaya ako ang nakita.

'Yung pangalawang picture naman, 'yung panahong hindi ko sinasadyang masapak si Yurico dahil nagulat ako sa bigla niyang paghawak sa balikat ko. Kitang kita dito na tumama sa mismong mukha niya ang kamao ko.

Habang 'yung pangatlo naman..

The moment I slapped, Hether. Noong pinagsalitaan niya na ako ng masama, ito rin 'yung araw na nasapak ko si Yurico na akala niya sinadya ko. She conclude things without even hearing my side..

"Let's go, Scarlet." Madiing sabi ni Yurico habang pilit akong hinihila. Wala na akong nagawa kung hindi ang magpatianod sa kaniya. Bahala na kung saan niya ako gustong dalhin. Hindi kaya kami cutting nito?

Hindi mawala sa utak ko ang lahat ng nakita ko. Bakit may mga ganoong litrato? Halatang sinadya.. halatang pinagplanuhan ng mabuti..

Huminto si Yurico sa pagtakbo kaya napatigil din ako. Hindi ko alam kung nasaan kami, likod ng quadrangle? Likod ng garden? Hindi ko alam.. wala akong alam..

Hindi ko nakita kung saan kami dumaan kanina dahil lumalabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha.

"Gapang, bilis." Utos nito, nataranta naman ako bigla.

"Ha?" Wala sa sariling tanong ko habang pinupunasan ang luha. Gusto ko ng umuwi..

"Sabi ko, gapang.." ulit niya.

Napatingin ako sa lugar kung saan niya ako sinasabihang gumapang. May isang maliit na butas dito kung saan natatakpan ng mga malalagong damo at alambre. Nagdadalawang isip pa ako kung susundin ko siya o hindi..

Narinig ko ang mahina niyang buntong hininga, "Fine, I'll go first.." sambit nito kaya napaatras ako. Walang kagatol gatol niyang sinira 'yung alambreng nakaharang kaya lumaki ang butas nito. Hinawi niya ang mga damo tsaka nagsimulang dumapa, "..follow me."

Mabagal at maingat nitong ginapang ang makipot na daan, kita ko ang mahigpit niyang paghawak sa kamerang nasa leeg niya para hindi ito magasgasan. Nang tuluyan itong makalabas ay inilahad niya ang kamay sa akin mula sa butas, tinanggap ko ito agad tsaka nagsimula na ring dumapa at gumapang gamit ang dalawa kong siko.

Nang tuluyang makalabas ay hinihingal akong tumayo habang pinapagpagan ang t-shirt kong nadumihan na dahil sa lupa.

"Nasaktan ka ba?" Nag-aalalang tanong nito. Inangat ko ang tingin sa kaniya at kita ko ang biglang pag amo ng kaniyang mga mata, parang piniga ang puso ko dahil sa nakita.

He saved me..

Kinagat ko ang pang ibabang labi upang pigilan ang muling nagbabadyang luha sa gilid ng aking mga mata. "Scar.. nasaktan ka ba..?" Pag-uulit nito. Hindi ko na napigilan ang sarili at tuluyang bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pilit na pinipigilan. Para itong ilog na patuloy lamang sa pag-agos.

Said I love You But I Lie (SILYBIL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon