"Flynn? Baby?"
Naglakad si Flann papunta sa kapatid niyang nasa sala. Natuwa siya ng makitang nilalaro nito ang mga learning materials na binili nila kahapon."Papasok na si kuya.."
Umupo siya sa harao nito at nangalumbaba."Okay po kuya! Ingat po sa pagpasok! I love you!"
Napangiti siya ng tumigil si Flynn sa ginagawa at madalian siyang nilapitan at hinalikan sa pisngi."Flynn! Call me immediately if somethings happen huh?"
Paalala niya rito habang inaayos ang puting long sleeves na uniform niya na pinarisan ng itim na necktie."Yes po kuya!"
Napangiti si Flann ng makita niya ang apilidong nakaburda sa damit.Sinuklay niya ng buhok niya sa huling pagkakataon at kinuha ang bag niya.
"Aalis na ako baby Flynn! Mag-iingat ka dito!"
Huling singhal ni Flann at hinalikan ang noo ng kapatid. Ngumiti naman si Flynn sakanya."Ayos lang po ako dito kuya! Malelate ka na po!"
Tumawa naman sakanya si Flann. Sinulyapan pa ng isang beses ni Flann si Flynn bago isara ang pinto. Kaya ng nakasanayan, nakahanda na ang mga pagkain ni Flann, kakainin niya nalang ito.Ipinagbilin niya na rin sa mga kapit-bahay ang kapatid. Bago sumakay ng sasakyan papunta sa unibersidad.
Agad napangiti si Flann ng makita ang university. Nakangiti siyang pumasok dito.
"ID"
Nakangiting singhal ng guard. Nakangiti naman inabot ni Flann ang ID niya."Transferee ka ba?"
"Opo manong.."
"Goodluck ijo!"
Napatawa nalang si Flann sa sinabi nito.Nakangiting naglakad papasok si Flann. Agad niyang inilabas ang schedule niya at kung anong room number siya.
Huminto saglit si Flann para pag-aralan ito. Nalatigil naman siya ng makita niyang may nakatayo sa harap niya.
Umusog siya sa gilid ng hindi tinatapunan ng tingin ito.
Nagtaka naman si Flann ng tinapatan pa rin siya nito.
"Maluwag naman po pwede kayong dumaan"
Naiinis na singhal ni Flann at hindi pa din tinatapunan ng tingin ang lalaki sa harap niya."Pwede naman po-"
Sa inis ni Flann ay hinarap niya ito pero napahinto siya sa pagsasalita ng makita ang lalaking kaharap niya.Hindi niya maipagkakailang sumisigaw ito ng kagwapuhan. Ang makapal na kilay nito. Ang balbas nito na bumagay sakanya. Lalaking-lalaki ang dating nito. Nakangiti din ito ng ubod na tamis. Pero hindi iyon ang pansin ni Flann dito. Nilukob siya ng inis ng maalalang ang lalaking ito ang sumampal sakanya, humalik at kumagat sa leeg niya.
"E tangina pala nito!"
Bulong ni Flann ay nag-iwas ng tingin."Pwede ba kitang maka-usap?"
Nakangiting singhal nito. Nagtaka naman si Flann dahil parang ibang tao ang kaharap siya kumpara sa nakaharap niya noon.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐥𝐚𝐧𝐧'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟐)
Romance[Obsesiòn Amorosa Series #2] Flann is a strong independent teenager. He's taking care of his little brother. He will do everything for him. He will do anything for his good. Kahit na ikapapahamak niya pa basta para lang sa kapatid niya. What if one...