"Hanap ka na ng upuan natin ha! Bili lang ako ng pagkain"
Nakangiting paalam ng makulit na Maxim habang naglalakad sila papunta sa"Siguradong ayaw mo ba talaga? Libre kita!"
Pangungulit pa nito. Tumingin sakanya si Flann ng walang reaksyon."Hindi pa ako nagugutom Max. Ikaw nalang.."
Tipid na sagot ni Flann dito ngumuso nalang si Maxim at naglakad na papunta sa counter. Napakibit balikat nalang si Flann at inikot ang paningin para maghanap ng mauupuan.Agad siyang naglakad papunta sa iisang mesang walang nakaupo.
Biglang napahinto si Flann sa paglakad ng maramdaman niyang may nakatitig sakanya. Pinagmasdan niya ang buong lugar, may nsgdadaldalan, kumakain, tumawa pero wala siyang nakitang nakatitig sakanya.
Hindi niya nalang pinuna ang nararamdan at msbilis na naglakad papunta duon sa mesa. Inilipag niya bag niya taas ng table at umupo.
Inilabas ni Flann ang libro niya at nagbasa. Hindi pinansin ang kilabot ng tumititig sakanya.
Agad niyang itinaas ang kamay niya ng makita si Maxim na hinahanap siya. Ngumiti naman ito ng makita si Flann at mabilis na naglakad papunta sakanya.
"Wala ka talagang kakainin Flann?"
Napabuntong hininga nalang si Flann sa kulit ng kasama niya. Pinilig niya ang ulo bilang pagsagot dito."Okay. Pagnagutom ka! Hati nalang tayo dito!"
Humahagitgit na sabi nito. Tinignan ni Flann ang kakainin ni Maxim. Napatawa siya sa dami nito. Sa maliit ba katawan ni Maxim ay napakalakas kumain."Sige na kumain ka na.."
Tipid nalang na sagot ni Flann.Nagsimula ng kumain si Maxim, pinagmasdan naman ni Flann ang buong lugar dahil hindi talaga siya makomportable. Parang may nanonood ng bawat galaw niya.
"Hello hon?"
Napatingin nalang siya kay Maxim ng biglang magsalita ito ng malakas. Todo ngiti pa ito.Flann just shrugged his shoulders and continued reading. Hindi pinapansin ang titig na naghahatid sakanya ng kilabot.
Pinagpatuloy lang ni Flann ang pagbabasa habang si Maxim naman ay kilig na kilig sa kausap sa phone.
"Sorry theres no vacant seat"
Singhal ni Flann ng may makita itong nakatayo sa gilid ng table nila ni Maxim. Tila naman walang paki-alam si Maxim sa paligid dahil sa kausap nito. Parang siya lang rin ang tao sa lakas ng boses niya."A-ahmmm n-no! This is for you!"
Agad na singhal ng lalaking naka-glass. May kaputian ito, hindi katangkaran at may mapupulang pisngi.Cute. Sabi ni Flann sa isip niya.
"For me?"
Turo pa ni Flann sa sarili niya."Y-yes"
Parang kinakabahang sagot nito na nagpakunot ng noo ni Flann. Namumutla din ang lalaki na para bang takot na takot."Thanks, but hindi ko matatanggap yan"
Bigla nalang nanginig ang kamay ng lalaki na para bang takot ba takot."Are you okay?"
Tanong ni Flann dito."Tanggapin niyo nalang po.."
"Ako malilintikan sakanila.."
Turo nito sa grupo ng lalaki. Tinignan ni Flann ito. Nakita ni Flann si Ryder na nakangisi habang pinapanood siya."Kainin niyo na po"
Inabot nalang ni Flann ito. Ayaw niya ding mapahamak ang lalaki. Hindi niya alam ang takbo ng utak ni Ryder. Tulad kanina, mabait tapos biglang naging agresibo. Hindi niya alam ang kayang gawin nito. Hindi niya alam kung anong mga kakayahan nito.Napangiti si Flann ng makita ang mgs paborito niyang pagkain sa plato. Pasta, isang slice ng pakwan at sprite.
Kung nandito lang si Flynn tiyak na busog silang dalawa. Pareho nilang paborito itong pagkain na ganito. Parehas sila ng takbo ng bituka.
Napangiti naman mula sa malayo si Ryder ng makitang nakangiti si Flann habang nakatingin sa pagkain.
"Pre! Baka matunaw yan!"
Tumatawang singhal sakanya si Rex. Isa sa mga tropa niya. Hindi niya pinansin iyon. Tumitig lang siya kay Flann habang kumakain ito."Puntahan ko lang si Clyde.."
Tipid na sagot naman ni Jasfer. Ang Clyde naman na tinutukoy niya ay ang inutusan ni Ryder na magdala ng pagkain kay Flann. Siya ang dakilang utusan nila Ryder dito sa Campus. Silent type at book worm."Anong meron dun Jus?"
Nagtataka namang tanong ni Rex kay Justin pagkaalis ni Jasfer."Hindi ko alam. Basta paisa ako mamaya baby.."
Malanding singhal nito kay Rex.Hindi pansin ni Ryder ang gaslaw ng mga katabi niya. Nakatingin lang ito kay Flann. Pinapanuod bawat galaw niya. Walang nakakatakas na galaw sa mga mata ni Ryder.
"Max, magbabanyo muna ako.."
Singhal ni Flann kay Maxim."Sige! Sunod ka nalang ha!"
Tumango si Flann at naghiwalay na sila ng landas.Agad pumasok si Flann sa cubicle. Nagbawas ng tubig sa katawan. Lumabas din siya agad pagkatapos at humarap sa salamin habang naghuhugas ng kamay.
Napaigtad si Flann ng may yumakap sa bewang niya at maramdaman ang mainit na hiningang tumatama sa leeg niya habang nakayukong naghuhugas ng kamay.
Agad siyang nag-angat ng tingin para makita ang lalaki sa repleksyon. Nakasubsob ang ulo nito sa leeg niya. Balot na balot din ang katawan niya sa laki nito.
"Smells good my bae.."
Natauhan si Flann sa boses ng lalaki.Agad siyang nagpumiglas pakawala dito. Pero hindi siya pinakawalan nito.
"AHHHHHH!"
Hindi napigilan ni Flann sumigaw ng Flann ng ibaon ni Ryder ang mga ngipin niya sa leeg ni Flann.Wala sa sariling napakapit si Flann sa lababo. Yinakap pa ni Ryder ang dibdib nito para mahawakan siyang mabuti habang walang sawa niyang hinahalikan ang leeg ni Flann.
Nabitawan ni Flann ang pagkakapit sa lababo pagkatapos siyang halikan at kagatin ni Ryder buti nalang at nakayakap pa din si Ryder sakanya kundi ay bumagsak na siya sa sahig.
"Looks great!"
Nakangising singhal ni Ryder habang nakatitig sa repleksyon ni Flann sa salamin."Wala na sigurong tititig sayo"
"Nakasapak na ako ng apat na lalaking tumitig sayo.."
"Siguro naman wala ng titig sayo sa markang yan.."
Singhal nito. Buong lakas na tinulak ni Flann ito at tinitigan ng masama. Ngumisi lang ito kay Flann."Wag mo akong titigan ng masama bae..."
"Baka gusto mong dagdagan ko pa yan?"
Hindi na siya pinansin ni Flann. Mabilis lang itong lumabas ng banyo at iniwang nakangisi si Ryder."So lovely my bae.."
Bulong ni Ryder habang nakangiti.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐥𝐚𝐧𝐧'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟐)
Romance[Obsesiòn Amorosa Series #2] Flann is a strong independent teenager. He's taking care of his little brother. He will do everything for him. He will do anything for his good. Kahit na ikapapahamak niya pa basta para lang sa kapatid niya. What if one...