Biglang nagising si Flann sa mahimbing niyang pagkakatulog. Agad siyang napatayo ng mapansing wala siya sa bahay nila.
Agad siyang tumayo. Nagulat siya ng mapansin niyang nakadamit na siya. Ang naalala niya kagabi ay hinubad niya lahat ng damit niya at nakipaghalikan kay Ryder. Hindi lang natuloy dahil naunahan siya ng lag-iyak niya.
"Fuck! Bakit hindi niya ako ginalaw?! I need the money right now!"
Naiiyak na sabi ni Flann. Buong-buo ang katawan niya walang galos, walang kagat, walang masakit."What should I do?"
Umiiyak na sabi ni Flann. Agad niyang hinahanap ang damit niya ngunit hindi niya iyon makita. Pero may isang pares ng damit sa couch ng kwarto ni Ryder. Agad niya itong kinuha at pumasok sa banyo.Mabilisan niyang nilinis ang sarili at nagbihis.
Hindi na siya nag-abalang tignan ang sarili at bumaba na.
"Good morning bae.."
Nagulat si Flann ng makita ang buong pamilya ni Ryder na naka-upo na sa tapat ng mesa na tila ba ay pinag-uusapan. Nakangiti naman siyang binati ni Ryder."Good morning Flann!"
Bati naman ni Joanna sakanya ng nakangiti."Good morning son!"
Nakangiti ding bati sakanya ni Mr. Alistair."G-good morning din po!"
Bati ni Flann sakanila."Halika! Kain na tayo bae!"
Aya sakanya ni Ryder."Kumain ka na dito Flann. Mahaba pa ang araw.."
Agad tumanggi si Flann dahil alam niyang kailangan niya ng maghanap ng pera para sa pangpa-opera sa kapatid."Ay salamat po ng marami! Pero hindi na po kailangan nagmamadali po ako e!"
Sagot ni Flann sakanila at ngumiti."Kumain ka na kahit kaunti lang"
Pilit pa sakanya ni Joanna."Hindi po talaga pwede mommy e.."
Ngumuso nalang si Joanna."Babawi nalang po ako.."
Tumango si Joanna dito. Tumango din si Jefferson ang daddy ni Ryder."Halika na hahatid na kita"
Aya sakanya ni Ryder. Bago pa makapag-protesta ay hinawakan na nj Ryder agad ito sa bewang at naglakad palabas."Safety first"
Nagising si Flann ng nagsalita si Ryder. Hindi niya naramdaman na nandito na siya at nakasakay. Lumilipad ang utak niya. Hindi niya alam kung saan kukuha ng pera pangpa-opera."Bakit hindi mo ginamit katawan ko Ryder?"
Tanong ni Flann sakanya."Ryder naman! Kailangan na kailngan ko ng pera!"
"Sabi ko naman sayo! Pwede mong pagsawaan ang katawan ko kahit kailan mo gusto! Basta ibigay mo lang hinihingi ko!"
"Nagmamakaawa ako sayo Ryder! Kahit habang buhay mo akong maging parausan basta ibigay mo lang ang hinihingi ko"
Itinigil ni Ryder ang kotse sa gilid ng kalsada."Gusto mo bang gawin dito? Sige, dito nalang! Just give me 60,000 thousand. Kahit pagsawaan mo na ako! Im willing. Gagawin ko-"
"Stop!"
Pinutol ni Ryder ang sinasabi ni Flann. Halatang desperado na itong makuha ang gusto niya. Kahit dignidad niya ay kaya niyang itaya."Kailangan ko yun Ryder! Maawa ka!"
Agad na hinatak ni Ryder ito at niyakap."Remember this my love. I will never take advantage on you"
"Hinding-hindi kita gagawing parausan. Wag mong ibaba ang sarili mo. Mahal kita hindi dahil sa katawan at itsura mo! Mahal kita dahil ikaw si Flann. Si Flann na nakabihag ng puso ko"
"Hindi ka na nag-iisa sa laban mo ngayon. Kasama mo na ako. Kahit anong laban pa yan, ipaglalaban kita!"
Dahan-dahan niyang pinunasan ang luha ni Flann."S-sorry Ryder! S-sorry!"
Umiiyak na sabi nito."Shhhhh..."
"S-sorry! Sorry! S-sorry!"
Patuloy lang ito sa paghingi ng sorry at pag-iyak."H-hindi ko na kayang mag-isa... Pagod na pagod na ko.. "
"P-please Ryder.. p-patawarin mo ako.."
"N-nagkamali ako R-ryder.."
"K-kailangan kita! K-kailangan ko ng kadamay Ryder! Kailangan ko ng masasandalan! H-hindi ko na kayang mag-isa!"
Parang nagsusumamo nitong sabi habang walang hinto sa pag-iyak."P-patawarin mo ako.. ipaglalaban na kita Ryder! P-patawarin mo na ako"
Ngumiti naman si Ryder dito."Hindi mo naman kailangang humingi ng tawad. Hindi ako kailanman nagalit sayo.."
"Hinding-hindi ako magagalit sayo.."
Unti-unti namang huminto sa pag-iyak si Flann."I love you.."
Tila naman nabingi si Ryder sa narinig. Bago pa man siya makapag-salita ay siniil na siya ng halik ni Flann."Mahal kita, Ryder"
"Akala ko hindi ka na dadating Flann!"
Agad na singhal sakanya ni Kokoy. Nagulat nalang si Flann ng nasa private room na si Flynn at naoperahan na daw."Are you alright baby?"
Hindi pinansin ni Flann ang sinabi ni Kokoy sa halip, dumiretso ito sa tabi ni Flynn at hinawakan ang kamay nito at hinalik-halikan."Gising na agad. Magpapalakas ka pa.."
Pagkikipag-usap niya sa tulog. Nagdala na din si aling Ising ng ilang damit nila pareho ng pumunta ito kanina lamang."Pre, ikaw na bahala ha!"
Singhal ni Kokoy kay Ryder na nakatayo lang sa may pintuan at minamasdan si Flann. Halata mo ang sobrang pagmamahal nito sa kapatid. Nagawa niyang ibaba ang sarili para dito. Napangiti nalang si Ryder. Ibang klase magmahal ang bae niya. Nakakabaliw kaya nga nabaliw siya kay Flann e."Ako ng bahala.."
Sagot naman sakanya ni Ryder. Tumango si Kokoy at tinapik ang balikat ni Ryder bago lumabas.Nakangiting naglakad si Ryder papunta kay Flann at hinawakan nito ang balikat niya.
"Maraming salamat Ryder. Hindi ko alam kung paano ko mababayaran 'to"
Singhal niya habang hindi tinatanggal ang tingin sa kapatid."Hindi mo kailangan magbayad. Just call me bae and we're all set"
Nakangising singhal ni Ryder dito. Napatingala naman si Flann sakanya."B-bae?"
Banggit ni Flann dito."Yes bae and another thing, please be mine.."
Napangiti naman si Flann sa sinabi Ryder. Dahan-dahan siyang tumayo at humarap kay Ryder ng nakangiti."Ikaw ang naging kasangga ko sa mga panahong nahihirapan ako.."
"Ikaw ang tumulong sakin.."
"Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi ako nahulog sayo.."
Napatawa naman si Ryder sa sinabi nito."I am yours. Just yours.."
Huling bulong ni Flann bago ikapit ang kamay sa leeg ni Ryder at siilin ito ng matamis na halik."And you are mine. Just mine.."
Nakangiting bulong din ni Ryder at pinalalim ang halik nila ni Flann.
BINABASA MO ANG
𝐅𝐥𝐚𝐧𝐧'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟐)
Romance[Obsesiòn Amorosa Series #2] Flann is a strong independent teenager. He's taking care of his little brother. He will do everything for him. He will do anything for his good. Kahit na ikapapahamak niya pa basta para lang sa kapatid niya. What if one...