One month later...
'We're on our way my love..'
Napangiti si Flann ng makita ang message sakanya ni Ryder.Agad siyang nagbihis at lumabas na nang resto. Umupo siya sa upuan sa labas ng resto para hintayin sila Ryder at Flynn.
Sa isang buwan na nagdaan, lagi itong ginagawa ni Ryder. Sinusundo at hinahatid siya sa trabaho. Tila sa isang buong buwan naman na yon, ay hindi nagbago ang pag-ibig niya. Lalo pa itong lumalalim sa nagdadaang araw.
Napapangiti nalang siya sa tuwing inaalala ang mga araw na kasama niya si Ryder. Akala niya lagi nalang siyang malulungkot at mag-iisa pero dumating ang lalaking gumulo sakanya ng gusto. At laking pasasalamat niya na ang lalaking gumulo sakanya ng husto ay siya palang magpapasaya sakanya ng lubusan. Ang mamahalin siya kahit anong mangyari at papahalagahan.
Nagising si Flann sa pagnanaginip niya ng magulat siya ng may isang van ang huminto sa harap niya at bigla nalang bumaba ang apat na hindi makilalang tao.
"S-sino kayo?!"
Nauutal na tanong ni Flann at tumayo. Pero bago pa man makatakbo su Flann ay nahawakan na siya ng mga ito."Bitawan niyo ako!!"
Nagpupumiglas na Flann. Lalo lang nilang hinigpitan ng mga lalaki ang hawak kay Flann.Hindi pa man siya nakakapalag ulit ng, takpan na nila ang ilong nito ng panyong may panpatulog. Unti-unting nanghina si Flann at mawalan ng malay sa mga bisig ng lalaki. Agad naman nila itong isinakay at mabilis na umariba paalis.
Sa kabilang banda naman, nakasakay si Flynn at Ryder sa kotse nila.
"Kuya pogi? Magpapakasal na kayo ni kuya?"
Tanong ni Flynn habang nakatingin kay Ryder na nakatitig sa singsing sa loob ng gintong kahon."Papayag ka ba baby boy?"
"Opo naman kuya pogi! Boto kaya ako sayo!"
Nakangiting sagot sakanya ni Flynn.
Ngumiti lang din siya kay Flynn at ginulo ang buhok nito bago ibulsa ang kahon at pinaandar ang kotse para sunduin si Flann.Nakunot ang noo nilang dalawa ng hindi nila masilayan si Flann sa lagi nitong inuupuan pag susunduin siya ng makarating sila sa resto.
"Nasan ang kuya?"
Nagtatakang tanong ni Flynn.Nagsalubong ang kilay ni Ryder. Inilabas niya agad ang cellphone niya at tinignan ang oras. Maga-alas siete trenta na pero wala pa din ito.
Naisip ni Ryder na tawagan ito. Pero nangri-ring lang ito at walang sumasagot.
"Dyan ka lang baby ha? Hanapin ko lang kuya mo?"
Ngumiti naman si Flynn at tumango. Agad bumaba si Ryder sa kotse at dumiretso papasok ng resto."Where's my husband?"
Agad na tanong ni Ryder kay Belle. Nilagpasan pa niya ang mahabang pila para matanong lang si Belle."Ahmmm. Nag-out na siya Ryder kanina pang 7:20. Baka umuwi na sa bahay niyo hindi kaya?"
Lalong nagsalubong ang kilay ni Ryder sa nalaman. Hinding-hindi uuwi si Flann kung hindi siya ang susundo dito at dapat ay tinawagan siya nito.Agad lumabas si Ryder at idinial ang phone ni Flann.
"Fuck! Where are you my love!"
Naiinis na singhal ni Ryder habang paulit-ulit na tinatawagan ang number ni Flann."I'm running out patience my love! I'm telling you!"
"Answer this goddamn phone!"
Galit ba galit na sigaw ni Ryder. Tuluyan nang nauubos ang pasensya niya.Mabilis siyang naglakad papunta sa kotse at pumasok doon.
"Where's kuya, my kuya pogi?"
Tumingin si Ryder kay Flynn. Bigla nalang napa-atras si Flynn sa takot ng makita ang awra ni Ryder."I'm so sorry baby.."
Panghihingi ng paumanhin ni Ryder at hinahagod-hagod ang noo niya."Kay lola at lolo ka muna ha? Hahanapin ko lang ang kuya mo?"
Ngumiti naman si Flynn sakanya at ngumiti. Agad niyang sinindihan ang makina at pinaharurot pabalik sa mansyon nila."Ikaw na bahala dyan!"
Napatingin si Nathan sa tulog na tulog na Flann. Pagkatapos ipasok ng mga inutasan ni Tifanny lalaki na kidnapin ito at dalin dito sa hotel room. Ito ang plano nila. Ang sirain si Ryder at Flann.Tumango nalang si Nathan at isinara ang pinto.
Pinagmasdan niya ang natutulog na Flann. Napaka-payapa ng tulog nito.
Napahinga siya ng maluwag bago niya i-set-up ang camera at naghubad."Pasensya na Flann, kailangan ko talagang gawin 'to!"
Bulong na singhal ni Nathan habang nakapatong sa taas ni Flann bago niya ito halikan sa leeg."Fuck! I swear! Kung sino man ang gumawa sayo ng masama papatayin ko!"
Naiinis na singhal ni Ryder. Halos isang oras na niyang tinatawagan si Flann pero wala pa rin talagang sumasagot.Sinubukan niya na din itong i-track pero nakapatay ang location ng phone ni Flann.
Napangiti si Flann ng may nag-message sakanya. Sa pag-aakalang si Flann iyon ay hindi siya nagdalawang isip na buksan iyon.
Halos sumabog sa galit si Ryder ng makita ang nilalaman ng message. Tila ata nawala siya sa sarili habang nakatingin siya sa litrato na pinadala sakanya.
"Arrrrghh! How dare you!"
Galit na galit na sigaw ni Ryder kasabay ng pagbato ng cellphone niya.Ang nilalaman lang naman ng litrato ay si Flann habang nakahubad ito at may katabing lalaki sa iisang kama.
"Mapapatay kita!"
Galit na galit na sigaw ni Ryder. Tila hindi niya makontrol ang sarili sa galit."Hmmm.."
Ungol ni Flann habang nakapikit.Siyang napabangon ng ma-realize niyang wala siya sa bahay nila.
"Fuck!"
Daing ni Flann habang nakahawak sa ulo niya ng biglang sumakit ito.Lalo pa siyang napamura ng makita ang isang lalaki sa parehong kamang nahiga siya.
"A-anong nangyari?!"
Naiiyak na tanong ni Flann habang nakatingin sa sariling hubo't hubad at iisang kumot lang ang nagtatakip sa mga katawan nilang hubad kasama ng lalaking katabi niya at hindi niya kilala."H-hindi.... H-hindi pwede.."
Umiiyak na singhal ni Flann. Agad siyang tumayo dala ang kumot hindi pinansin ang nakahubad na lalaki sa tabi niya at kinuha ang phone niya.Lalo pa siyang naiyak ng makita ang walang katapusang tawag ni Ryder at nga text nito.
Hindi niya alam kung anong paliwanag ang gagawin niya.
Sa halip na tumunganga, agad siyang naglakad papunta sa mga nagkalat niyang damit pero bago niya pa napulat ang mga iyon at bumukas ang pintuan na parang sisirain sa sobrang lakas ng pagbukas non. Nagulat din ang lalaki na natutulog at napabangon.
Nanginig naman si Flann sa lalaking kaharap niya ngayon. Tila hindi ito siya. Mas nakakatakot ito ngayon na para bang handang pumatay ano mang oras. Lalo pa siyang nanginig ng titigan siya nito mula ulo hanggang paa.
"R-ryder.."
BINABASA MO ANG
𝐅𝐥𝐚𝐧𝐧'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟐)
Romance[Obsesiòn Amorosa Series #2] Flann is a strong independent teenager. He's taking care of his little brother. He will do everything for him. He will do anything for his good. Kahit na ikapapahamak niya pa basta para lang sa kapatid niya. What if one...