EP#2

15.9K 442 53
                                    

EP;THE WEDDING

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

EP;THE WEDDING

"Ano ba Flann umupo ka nga!"
Naiinis na sabi ni Belle kay Flann. Kanina pa kasi ito palakad-lakad sa dressing room.

Labis ang kabang nararamdaman ni Flann ngayon. Walang hinto sa pagtibok ang puso niya. Medyo nahihilo din siya ng hindi niya malaman, pero patuloy pa din siya sa paglakad ng paikot-ikot sa loob ng kwarto.

"Paano ako kakalma ate Belle?! Hindi ba masyadong mabilis naman?"

"Eh bakit pumayag ka?! Siraulo ka pala e!"

"E mahal ko siya ate Belle e!"
Sagot ni Flann.

"Oh! Yun naman pala e! Bakit ka kinakabahan?!"

"Hindi ko alam ate! Baka magbago ang isip niya pag nandun na kami ate! Nakakatakot ako!"
Tumingin naman si Belle sakanya ng iritadong pagmumukha.

"Talaga ba Flann?"
May halong pagka-sarkastikong tanong nito.

"Hindi na magbabago isip niya! Nung nawala ka nga sakanya, halos mabaliw siya kakahanap sayo! Tapos magbabago ang isip niya?"

"Tsk. Malabo! Kaya wag ka nang kabahan! Nalulukot na yang damit mo!"
Naiinis na sabi ni Belle sakanya at nilapitan siya at inayos ang damit nito.

"Kinakabahan talaga ako ate!"

Nandito silang lahat ngayon sa France. Nang sinabi ni Ryder na ikakasal talaga sila kinabukasan, ay hindi talaga nagbibiro ito. Isang oras mula ng magpaalam ito kay Flann ay mabilis na silang lumipad papunta sa hotel na pagdadausan nila ng kasal.

Gulat na gulat din si Flann ng makita ang halos lahat ng kaibigan niya ay nandun... pwera lang kay Maxim. Nandun din ang mga magulang ni Ryder.

"Wag ka ng kabahan! Pag-tinali ka na ni Ryder sa sarili niya! Malamang sa malamang, magiging taong bahay ka nalang!"
Natatawang sabi nito na nagpasimangot kay Flann.

"Nako Flann! Wag mo akong artihan ha! Ikakasal ka na oh! Nauna ka pa sakin!"
Napatitig si Flann ng biglang tumulo ang mga luha nito.

"M-mamimiss kita!"
Umiiyak na sabi nito. Nagsisimula na ding magtubig ang mga mata ni Flann.

"Ate naman e! Para kasing tanga!"
Lumuluhang sabi ni Flann.

"Mamatay ba ako?! N-nakakainis ka!"

Napatawa nalang silang pareho dahil mukha talaga silang tanga na umiiyak.

"W-wag kang iiyak!"
Singhal ni Belle kahit siya ay iyak ng iyak.

"Ay! Bakit pala ako iiyak?!"
Napatingin si Flann nang biglang magbago ang mood nito. Huminto din ito sa pag-iyak.

"Ikaw ang may-ari ng resto kaya lagi kang nanduon!"

Napatitig si Flann sa sinabi ni Belle. "Ano ate?! Anong ako?!"
Sigaw niya at hindi makapaniwala sa sinabi.

𝐅𝐥𝐚𝐧𝐧'𝐬 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 #𝟐)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon